Chapter 22: The rule no.5

87 4 0
                                    

SANDY'S POV

"Ano pong ginagawa nyo dito, Mrs.Cortez?"

Nagtanggal ito ng shade. Nakakahiya ako nakapangtulog lang habang sya nakapang susyal na damit.

"Gusto ko lang pagusapan ang ilang bagay tungkol sa inyo ng anak ko."

*LUNOK!*

"Maupo po kayo. Ikukuha ko po kayo ng maiinom. Ano pong gusto nyo?"

"Coffee will do."

"Sige po ikukuha ko po kayo."

Bakit kaya sya nandito? Ano ng gagawin ko? Posible kayang may Alam na sya? Ah! Alam ko na! Hanggat wala syang alam Hindi ako magsasalita.

"Eto na po."

"Gaya ng sinabi ko. May ilang bagay ako na gustong pagsuapan nating dalawa."

"A-a-ahh-hhmm... A-Ano p-po ba Ang sadya n-nyo dito?"

"Saan mo nakilala si Tyron?"

"S-sa School po....."

"Kailan pa nagsimula ang kasuduan nyo?"

"P-po?"

"Ija,Matanda nga ako pero Hindi Naman ako Basta Basta lang naloloko. Sabihin mo,Kailan nagsimula ang kasunduan nyong dalawa ni Tyron?"

"A-a-ahh-hhmm.... Ma'am sorry po...Hindi ko naman po gustong lokohin kayo.... May utang po kasi ako kay Tyron kaya ginawa ko po yun. Nabangga ko po kasi Ang sport car nya....Pasensya na Po talaga.--"

"AHAHAHAHA...Ija,Tumayo ka."

"Totoo po wala po talaga akong entensyong gawin po sa inyo yun. Wag nyo po akong papakulong."

"AHAHAHA...Hindi kita papakulong. Tumayo ka."

"Talaga po??? Salamat po. Salamat po talaga...."

"In one condition."

"Naku....Kahit dalawa,Tatlo,Gagawin ko po basta Po mapatawad nyo Lang ako."

"Dodoblehin ko ang inoffer na pera ng anak ko,Babayaran ko na rin ang gagastusin sa damage ng kotse nya."

"H-huh? B-bakit po?"

"Ija,Gusto kong malaman kung ano ang ipinaplano ng anak ko."

"Ang totoo po nyan.....Gustong maghire ng mga pretend na parents ko ni Tyron. Sabi nya para Lalo kayong maniwala."

"Hmmm... Interesting. Walang duda nagmana sya sa Daddy nya."

"P-po?"

"Ano pa ang gusto nyang gawin?"

"Ayun nga po,Gusto nyang magpakasal kami pero after 3 months maghihiwalay na kami at ang sasabihin nyang dahilan ay Hindi nagwork Ang relationship namin at maggusto naming mag focus sa mga pangarap namin."

The Heart Breaker'sWhere stories live. Discover now