Chapter 27: What happen?

81 5 0
                                    


SANDY'S POV

Isang linggo makalipas ang pagtatapat ng nararamdaman sakin ni Tyron hindi na sya nagpakita pa sakin.

Ano yun? Pagkatapos nyang magtapat sakin mawawala sya bigla?!?! Pinagloloko nya ba ko?!?

"A-ahmm.....Sandy?"

"ANO?! BAKIT?!?!"

"K-kanina mo pa kasi nilulukot yang essay na gawa ko." Napatingin ako sa kamay kong may hawak na papel.

Bago ako tumingin kay Basha.

"Naku!!! Sorry,Basha.... Gagawan nalang kita ng bago."

Kasalukuyan kaming nasa may quadrant nakaupo. At tinutulungan kong gumawa si Basha ng essay nya.

"Buti nalang scratch paper yang hawak mo."

"P-p-pasensya kana..... May iniisip lang talaga ako."

"Hindi okay lang. Kasalanan ko. Hindi nalang sana ako humingi ng tulong sayo, may problema ka rin pala."

"Naku,Hindi... May iniisip lang ako. Pero gusto naman talaga kitang tulungan."

"Ako ba ang may kailangan ng tulong O ikaw?"

Napatingin ako sa kanya. Sasabihin ko ba sa kanya?

Siguro hindi naman sya kasing daldal ni Daphne. Anang ng kabila kong isip.

"Namomroblema kasi ako kay Tyron." Parang nakita kong medyo nagulat pa sya.

"K-kay T-Tyron? B-bakit anong p-problema n-nyong dalawa?"

"Eh kasi.... Umamin sya saking,Mahal nya ko." Konting katahimikan bago sya nagsalita.

"S-sinabi nya yun? P-pagkatapos...."

"Bigla nalang syang nawala. Parang bula!"

"Hindi ba dapat mas matuwa kapa? Kasi kahit kailan hindi natapat si Tyron tungkol sa nararamdaman nya sa isang tao. At kung nawala naman sya..... Baka may dahilan sya."

"Ano naman yun?.... Na nagsisisi sya na sinabi nya sakin yun, kaya lumayo sya?  Kasi bigla nalang lumabas sa bibig nya yun at hindi nua sinasadya?"

"Sands. Kailangan mo lang gawin ngayon magtiwala at maghintay sa sasabihin nya. Dahil sya lang ang nakakaalam ng lahat."

Napaisip ako sa sinabi ni Bash. Siguro nga tama sya. May dahilan naman siguro sya sa lahat ng sinabi nya. Kailangan ko lang ngayong gawin ay maghintay at magtiwala sa kanya.

***

*DIIINNNGGGG!!!!*

BREAK TIME.......

Habang papunta kami sa cafeteria ay rinig ko ang mga bulingan ng mga tao.

"Grabe!! Nabalitaan nyo na ba?...."

"Oo naman."

"Kalat na kaya sa buong campus yun."

The Heart Breaker'sWhere stories live. Discover now