Chapter 23:Who is Viviane Esgera?

87 5 0
                                    

TYRON'S POV

"Anak ng--!! Sino ang gumawa nito?!"

Napaigtad ako ng bigla kong narinig ang sigaw ni Warren galing sa secret place namin.

"Anong nangyari?!" Medyo hinihingal pako galing sa pagtakbo.

"May nag Vandal sa Pud natin."

'manloloko'

'Babaero'

'manggagamit'

'napakasama mong tao'

"Anong nangyari dito?" Tanong ni Ten na kadarating lang at medyo hinihingal pa.

Kung hindi kalang sana busy sa mga walang kwentang bagay,Edi Sana alam mo.

"San kaba nanggaling?"

"A-ahmm.....Dyan lang sa tabi tabi."

"Binandal na ang pud natin,Tapos ikaw. Nandyan lang sa tabi?!?!"

"Bro,bro. Easy. Maalis natin ang sulat dyan. At aalamin natin kung Sino ang may gawa. Kumalma ka.."

Hinila ako palayo ni Warren kay Ten.

"Bro, Ano bang problema? May nangyari ba? Bakit naman ang init ng ulo mo?"

"Urgh!!! Hindi ko alam. Ewan ko! Ok naman ako kanina. Ewan ko..--- Basta naiinis nalang ako bigla."

"Nagaaway ba kayo ni Sandy?"

Napatingin ako kay Warren bago bumuntong hininga.

"Bakit naman nasali sya sa usapan?"

"Wala lang. Iniisip ko lang,Mula ng magkaroon kayo ng agreement ni Sandy. Paiba iba na ang mga ikinikilos mo nitong nakaraan... May problema ba kayo?"

"Hayysstt!!" Tumayo nako bago umalis.

Pumunta ako sa rooftop. Kailangan ko ng hangin masyado na ata akong naiistress sa darating kong kasal.

"Anong ginagawa mo dito?"

Napatingin ako sa may pintuan ng may biglang magsalita.

"Sino ka?"

"Akala ko makikilala moko... Nagkamali ako."

"Sino ka ba?!?!"

"Ganun na ba kalaki ang pinagkaiba ko para hindi moko makilala? Ako 'to si Viane. Mahal."

"Panong--?"

"Nag iba ang Itsura ko? Oo. Alam ko ng iyan ang una mong tatanungin sakin."

"Anong nangyari sayo? Panong naging ganyan ka?"

"Mahabang kwento... Pero Isa lang ang alam ko. Nagsimula Ito ng lokohin moko."

Napayuko ako dahil guilty ako mula sa binibintang nya.

Si Viane. Viviane Esgera. My first girlfriend. Maalaga sya,Mabait,Mapagbigay at maganda. Pero sinayang ko lang ang lahat ng binigay nya sakin. Niloko ko sya.

The Heart Breaker'sWhere stories live. Discover now