"Are you nervous?" Tanong ni mommy habang nakatingin ako sa mga tent ng iba't-ibang club. Nakita ko ang mga swimmers na may mga sariling ginagawa.
Kristie. I smirked.
"Why would I?" Nahagip ng mata ko na sinuot ni Kuya Frank ang headphones niya at agad na kinuha ang mesh bag niya. Kinuha ko na rin ang akin at bumaba.
Taas noo na naglakad ako papunta ng tent ng club namin. May mga bumabati saakin na ibang mga swimmer. Nginitian ko lang sila dahil wala naman akong sasabihin. Syempre kilalang-kilala nila ako and syempre idol nila.Nakita ko rin ang mga ibang babae na mga swimmer na nasa tent ng mga club nila na pinagmamasdan si Kuya. Well my kuya is handsome and very mysterious. Mga kadalasan na gusto ng babae.
How cliché! Ew.
Babae ang nanliligaw diyan eh.
"Frey! Frank!" Nakangiti si coach habang nakapameywang at kaharap ang ibang parents ng mga kapwa naming swimmers.
"Coach." Simpleng sabi ni kuya at tinapik naman ni Coach ang balikat niya. Nginitian ko lang si coach nang makalapit.
"Okay swimmers! Get ready dahil in a few minutes magsisimula na ang warmups!" Nakakainis lang tingan ang mga magulang na mahilig mag-flex ng king anong meron sila lalo na mga alahas. Ang init-init tapos mag-aalahas ang sakit sa mata ng kinang
"Doc Del Mundo!" Napalingon ako nang marinig ang mga bati ng magulang kay mama.
"Hello po! Ito may mga dala akong prutas dito para sa mga bata." Pinaikot ko na lamang ang mga mata ko. My mom is indeed a very kind and thoughtful person.
How sweet.
Pero in reality mababait lang naman 'yang mga yan sakaniya dahil hindi sa doctor siya pero asawa siya ng Mayor. Kumbaga magkaroon sila ng connection.
Inilabas ko na ang goggles at head cap ko na ipinatong ko na sa bag.
"Okay swimmers! Please gather around the pool area and we will start the warm up in a few minutes." Nang marinig namin ito ay nag-takbuhan ang ibang swimmers papunta sa pool habang ako at ang kuya ko ay cool lang na naglalakad.
Nang matapos ang warm up ay agad kaming pinabalik sa tent para kunin ang mga gamit at magbihis.
Agad kong hinubad ang t-shirt at shorts ko dahil suot ko na ang knee suit. Nauna na kami ni kuya sa ibang mga swimmer at pumunta sa lane namin.
"Coach ano po ang gagawin namin?" Tanong ko dahil hindi nga pala salita si Kuya so when asking I do the talking. What a jerk.
"200 meters na freestyle muna." Tumango ako at isinuot na ang goggles ko. Pagkatapos ni Kuya mag-dive ay sumunod na ako.
Mabilis na lumipas ang oras at natapos na ang warmup na sinundan ng opening program. Dire-diretso na ang pag-tatawag ng mga swimmers.
"Category for ages 17-18 female! 50 meters butterfly! Jacob, Jackeline from Yellow Fins Club!" Agad na umupo sa upuan na nakasuot ng itim na swimsuit at inabutan ng papel kung saan nakasulat kung saang lane, anong wave, at heat number.
"Takahashi, Yura! Takahashi, Yura! Salmon Swimmers Club!" Isang maputi at singkit na babae ang tumabi kay Girlie.
Girlie. What a lame name.
"Nolan, Triska Erin! Nolan, Triska Erin! Seagull Swimming Club!" Andami pang tinawag bago matawag ang pangalan ko. Mukhang dal'wang heat lang kami at sa second heat ako. They don't stand a freaking chance saakin.
Tinawag na ang heat 1 sa category namin at nakaupo na sa upuan nila dahil di pa sumesenyas.
Pinalipat na kami at umupo na kami sa waiting bench. Kinuha ang mga papel na hawak namin na kung saan nakalagay doon ang category, heat number, lane number, pangalan namin, at edad.
Nang marinig ang tunog na ibig sabihin ay go ay lumakas ang sigawan at palakpakan.
"Kristie! Kristie! Kristie!" Ang buong club ni Kristie ay masakit sa tenga. Napalingon naman ako kay coach na mukhang irerecord ang mga oras ng kalaban ko. I commend coach for that. Dahil very hands on siya saaming mga swimmers.
Matikulosa na pinagmasdan ko si Kristie at ang nasa lane number 4. Sila ang naghahabulan sa bilis.
Looks like, still no match for me.
Lumipat na kami at nagready ng sarili namin. Tinapik-tapik ko ang mga braso ko at ang legs ko. To push away bad energy and for good circulation of blood.
I took a deep breath.
*ttaaaaaaaaaaaaaaaat!* It means stand by. Be ready.
Eveything is slowing down kapag may competition ako. Para bang ang cinematic ng nangyayari. Tila ba na ako lang ang mabilis na kumikilos sa lahat.
Isinuot ko na ang googles ko. Focus na lang ako sa sarili at performance ko. I blocked my ears from the noise except sa tunog na pang cue.
"On your mark!" I bended my knees at humawak sa dulo ng diving board. I stepped my left foot backward at hinila ang sarili ko para malakas at malayo ang talon sa pag-dive ko.
"Ready. Set. taaaaaaaaaaaat!" My eyes are fixated sa tiles ng pool. No need for me to look side to side para lang makita ang mga kalaban ko. I'm 1001 percent sure na I'm very much ahead.
Agad kong hinawakan and dulo ng pool ng matapos ako at agad na lumingon. Nauna ako. Hinanap ko si Coach at mukhang masaya siya.
My first medal in this event.
Agad akong tumakbo papunta kay coach dahil ibang category na ang sumunod saamin.
"Baby here." Agad akong inabutan ni mommy ng Pocari Sweat. Agad akong uminom.
"Thanks mom." At inabot ko ang inumin kay mommy. Humarap ako kay coach at tinanong siya.
"Coach, first ba?" Ipinakita ni coach ang papel niya na nasa clipboard. Mga oras ng mga kalaban ko at akin. Ginamit na naman ni Coach ang stopwatch niya.
"Si Kristie ay 49 seconds." Sabi ni coach at nakita ko pa ang oras ng iba.
What a sucker.
Well I have my first medal? Surely,
I'm the MVP in our category.
YOU ARE READING
Dive
Teen FictionSi Freyline ay isang sikat na swimmer. Hindi lang dahil sa bilis niya, dahil rin sa kayabangan na na tila umaapaw na at dahil na rin isa sa mga kilalang pamilya ang mother at father side niya. Isang pangyayari ang babago sa buhay niya na hindi niya...