Bakit napapadalas ata ang pagkikita namin ni Andrey? Hindi ko naman siya napapansin sa pool noon ah? Hindi rin naman siya lumalapit sa akin pero ngayon? What the heck?
Bumaba na ako ng sasakyan at naglakad na papunta sa room namin. Chatters, gossips, sharings, whatever you want to call it. Yun ang ingay na sumalubong sa akin sa room. Dagdag mo na yung cold air from the aircon.
Mabuti na lang talaga at left hand ko ang nabali dahil right hand ang doninant ko.
"Hey how's your arm?" Ano nga ang pangalan ng isang to? JC? CJ? DJ? JD?
Tiningnan ko lang siya. Nakita ko naman na parang nailang siya sa tingin ko at agad na umiwas ng tingin.
"Sorry." Bigla niyang sabi.
"Getting better I guess." I shrugged my shoulders.
Nang pumasok na ang teacher, the class started. Dire-diretso ang pasok namin hanggang lunch and after that may class ulit kami sa hapon.
Sabay kaming lahat na napatingin nang bigla-biglang bumukas ang pinto ng room namin. Like he's about to say an urgent matter."Ma'am may I excuse Freyline Del Mundo po? ASAP po." May pag-aalala sa mukha ng estudyante. Nakita ko na ata siya sa room nila Kuya.
"Sige. Freyline you may go." Tumayo ako at lumabas. May mga bukungan din akong narinig kasi may mga chismis na naman kung ano-ano.
"Bakit?" Tanong ko at puno ng pag-aalala at takot ang mukha niya.
"Nasa meeting kasi yung mga professors ngayon. Nakikipagsuntukan kasi yung Kuya mo." Sa sinabi niya ay agad kaming napatakbo sa hallway papunta sa kabilang building.
Sa room nila kuya ay nasa labas na ang iba niyang block mates na nakatingin na sa akin. Agad kong itinulak patabi ang mga nakaharang sa may pinto para makapasok ako. I don't care kung mainis sila sa ginawa ko. They are not even helping kuya!
Di ko na sila pinansin dahil patuloy pa rin si Kuya sa pakikipagsuntukan na hindi maawat ng mga kasama niya. Kuya's body has a nice built. Dahil sa kakatraining niya iyon.
Pulang-pula ang mukha niya at kitang-kita sa noo niya ang mga ugat. Galit na galit siya and natatakot ako. Never ko nakita si Kuyang nagalit kahit sa bahay. This is the first time na nakita ko siyang ganito. Baka masuntok niya oa ako pag-umawat ako.
Agad ako na lumapit sa kaniya at hinawakan ang damit niya at hinila ito.
"What? Frey? Anong ginagawa mo rito—"
"Ah!" Napalayo ako kay kuya nang nagpakawala ang lalaki sa harap namin ng isang suntok at natumba si Kuya. Mabuti na lang at nasalo ng dalawang nasa likuran niya.
Nagalit ako. How dare he hurt my Kuya?
Agad akong lumapit sa harap ng lalaki. He's smirking at pinunasan niya ang dugo na galing din sa lips niya na pumutok. Probably dahil sa suntok ni kuya.
"You're cute." Nakangising sabi niya. Nginitian ko siya at nakita ko ang gulat sa mukha niya. He's not expecting me to smile back.
"Cute your ass." Cute akong ngumiti at Agad kong sinuntok ang lalaki sa pisngi at natumba siya. Hindi ko man lang naramdaman na masakit yung kamay ko sa pag-suntok ko sa kaniya. Tumayo agad ang lalaki.
"Frey! What the fuck?" Kunot ang noo at medyo singkit ang mata kong tiningnan si Kuya. He's bleeding. Ako ang mabilis magalit sa aming dalawa.
The sight of kuya bleeding in front of me because of this jerk. I moved my rational thoughts and started to welcome the irrational ones.
"Oh the cute chic is here." He let out a small sarcastic laugh na nakakairitang pakinggan. I tilted my head and listened to what he's about to say.
YOU ARE READING
Dive
Teen FictionSi Freyline ay isang sikat na swimmer. Hindi lang dahil sa bilis niya, dahil rin sa kayabangan na na tila umaapaw na at dahil na rin isa sa mga kilalang pamilya ang mother at father side niya. Isang pangyayari ang babago sa buhay niya na hindi niya...