I groaned dahil sa sakit na nararamdaman ko. Dahan-dahan kong binuksan ang talukap ng mata ko. Ang liwanag at puro puti lang ang nakikita ko. Masakit sa mga mata. Iginalaw ko ang kamay ko at napasigaw.

"Ah!" Napapikit ako dahil damang-dama ko ang sakit.

"Frey."

"Asan sina mommy at daddy?! Ah! Don't touch me!" Bakit siya ang nandito?

Sht. May bali ako! 3 months to go at Palarong Pambansa na! No hindi pwede!

Gamit ang right hand ko ay inalis ko ang kumot na nakabalot saakin. My legs and my arms are full of bruises. May mga iilang sugat din.

How am I supposed to go to training and to compete with this state of mine?

"Asaan nga si Mommy and Daddy?" Pasigaw na sabi ko.

"Nasa labas kausap yung nakabangga sayo." Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Wala nga lang saya pero ang galit ko ay nangingibabaw at nangunguna sa nararamdaman ko.

Tumulo ang luha ko. Dahil na rin ata sa frustration ko at galit dahil I don't know what to do. Patuloy lang na tumulo pero hindi ako humihikbi. Hindi ako makapag-isip ng diretso. Ayokong umiyak sa harap ng lalaking 'to. Wala pang nakakakita saakin umiyak maliban sa pamilya ko.

Nagulat na lang ako nang may naramdaman akong may dumampi na tissue sa cheeks ko at sa may temple dahil basa na ng mga luha ko.

"Whatever your name is, don't touch me! Don't freaking touch me." Marahas na pinunasan ko ang luha ko gamit ang kanan kong kamay para mawala na ang mga bakas ng kuha ko.

Fck that kid! Hindi 'to mangyayari kung hindi pagala-gala yung bata! Napakapabaya ng magulang! Speaking of bata ano kaya nangyari sakanya. Sinulyapan ko si Andrew? Andres? Andree? Andrey?

"Ano?" Aba? Naging mataray ang boses?

"H-how's t-the kid?" Medyo kumikirot ang bali at mga sugat ko. Kung hindi dahil sa batang 'yon hindi ako nasa hospital ngayon! I should be sleeping in my room!

"Ligtas yung bata. Nagkaroon nga lang ng gasgas." Pareho kaming napalingon sa pinto. Malakas ang tunog at malakas ang tunog na nadulot nito dahil may dalawang tao ang pumasok at mukhang nagmamadali.

"Maraming salamat po! Maraming salamat!" Mukhang mag kasintahan ang dalawang taong pumasok sa kwarto ko. Nakasunod sakanila sina mommy at daddy.

"Sino kay—"

"Salamat po sa pagligtas ng anak namin. Maraming salamat po talaga pasensiya na." Hindi ko alam pero ang mga sumunod na sinasabi nila ay hindi ko na naririnig. Bigla na lang akong nang init at nakaramdam ako nang matinding galit.

Pasensiya na.

Pasensiya na.

Pasensiya na.

Paulit-ulit ko itong narinig sa isip ko. Nakakainis, nakakaiyak, at nakakagalit. Parang gusto kong manakit.

Mapapaggaling ba ako ng pag-so-sorry nila? Mawawala ba 'tong bali ko? Diba hindi? Wala nang mababago!

DiveWhere stories live. Discover now