Chapter 15- The Comeback

99 1 0
                                    

Riley’s POV

250. Ganyan kabilis ang pagpapatakbo ko ng kotse ngayon. At kung gaano yan kabilis, ganun din kabilis ang tibok ng puso ko.

At kung maaksidente  man ako, ayos lang. Basta kung mamamatay ako, kasama ko siya. Kasama ko ang mahal ko.

Katabi ko ngayon yung taong mahal ko. Yun taong ang tagal kong hinintay.

Di ko maintindihan nararamdaman ko ngayon.

Masaya ako. Pero pakiramdam ko may nag-iba. Pakiramdam ko, may nagbago.

Please stop the car. Roselle

Sinabi nya yun habang umiiyak. Sorry Roselle, pero kailangan ko tong gawin. Kailangan kong linawin lahat ng mga bagay na iniwan mong malabo.

Hindi ako sumagot.

You’re scaring me to death. If you won’t stop the car, will you just slow it down.. Please? Roselle

Hindi parin ako sumagot. Mamaya ako magsasalita, mamaya ko ibubuhos  lahat. Sa lugar kung saan nag-umpisa ang lahat.

Baba. Ako

At bakit naman ako bababa? Roselle

Bumaba ako ng kotse, binuksan ang pinto nya at hinila siya palabas.

Umiiyak parin siya. Sa gantong pag-iyak nya nagumpisa ang lahat… Dahil sa mga luha niya, kung bakit kami nagkalapit.

Ngayon kaya, magagawa pa kaming ayusin ng pag-iyak nya tulad ng dati?

San mo ba ako dadalhin? Roselle

Hindi parin ako sumagot. Ano bang nangyayari. Litong lito na ako.

Bakit hindi sya masaya na nakita nya ako? At bakit di niya naaalala yung lugar na to.

Ang sakit. Ang sakit sakit.

Let me go! Roselle

I won’t. Ako

Tumigil na siya sa pag-iyak. Pero halatang nalilito parin siya.

Nandito na kami ngayon. Kung saan nagumpisa ang lahat. Posible kayang, dito narin magtatapos ang lahat?

Nasan ba tayo? B’t mo ko dinala dito? Roselle

Di mo na talaga naaalala? Ako

Hindi na. Roselle

Then ipapaalala ko sayo. Ako

FLASHBACK

………………..

Nandito ako ngayon sa favorite place ko. Mahangin, tahimik.. Walang istorbo. Isang taon narin akong pabalik balik dito. Pag walang gala ang tropa, dito tambay.

At minsan natutulog pa ko dun sa ilalim ng paborito kong puno. Yun ang gagawin ko ngayon.

After 2 hours…

Nagising ako. Di ko alam kung nananaginip ba ko o nasa realidad na ko. Basta ang alam ko, may naririnig akong umiiyak.

Pinakinggan ko lang. Nahiya naman kasi akong umextra, di naman kami magkakilala. Umiiyak padin siya. Ano kayang problema neto? Hindi ko siya nakikita, naririnig lang.

Maya maya narinig ko siyang kinakausap sarili niya. Di lang pala to madrama, baliw pa yata.

Pefect, perfect life? Mayaman ako, maganda, mabait. Pero bakit kung ano pa yung pinakaimportante yun pa yung wala?

Just When I Thought (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon