Riley’s POV
Monday na Monday di ako pumasok.
Lastweek, 2 days lang yata akong pumasok.
Panigurado ang dami ko ng namiss.
Kasalukuyan kaming nanunuod ni Nics ng comedy, pero yung utak ko lumilipad.
Kamusta na kaya siya? Wala na ba talaga akong pag-asa?
Bigla kong naramdaman ulo ni Nicole sa balikat ko…
Nakatulog na pala siya.
Uy Nics. Ako
Di siya nagising kaya pinili ko nalang na ihiga sya sa couch, nilagyan ko ng unan at kinumutan ko siya.
Habang ako, lumipat sa kabilang upuan.
Ewan ko, pero tinitigan ko lang siya.
Nics, thank you ha. Sobrang thank you sa pagmamalasakit at lahat lahat ng ginagawa mo. Alam mo ba, minsan iniisip ko sana ikaw na lang si Roselle, sana ikaw nalang yung ate mo. Para sana ikaw nalang yung mahal ko. Siguro kung ikaw minahal ko, di ako masasaktan. Siguro sobra mo kong aalagaan. Kaya lang… hindi eh. Pinili ng puso ko ate mo. Sana ganun lang kadali no? Sana ganun lang kadaling magmove on. Ako
Tulog siya, hindi nya ko maririnig… Ni hindi nya to maaalala pag-gising nya. Pero tuloy tuloy pa rin lumabas mga salita sa bibig ko.
Bakit mo ba to ginagawa? Ano ba talaga gusto mong iparating? Siguro ginagawa mo to dahil sa ate mo, para makabawi siya sakin sa pamamagitan mo. Ako
Naiyak na ko, di ko na kinaya eh.
Alam mo ba, sa totoo lang gusto ka mahalin ng puso ko, pero di ko alam kung bakit di nya magawang ituloy… Ako
Siguro natatakot siyang magmahal ule. Ako
Nakakatawa naman to. Iniisip ko na mahalin ka… eh alam ko namang masasaktan din ako sayo. Alam ko namang pagmamalasakit ng kaibigan lang ipinapakita mo sakin eh at matalik na kaibigan lang ang tingin mo sakin. Ako
Hindi ko alam kung bakit kita kinakausap ngayon, alam ko namang di mo to naririnig. Aasa nalang ako na kung sakali man di to marinig at maalala ng isip mo…. Makarating na lang to sa puso mo. Ako
Kasi, ang isip marunong makalimot. Pero ang puso, alam kong hindi. Kaya simula ngayon, sa puso na ko magtatanim, hindi sa isipan. Siguro naman hindi ka na makakalimot tulad ng ate mo. Itinanim ko na sa puso mo lahat ng sinabi ko eh. Ako
Kusa na lang tumigil bibig ko sa pagsasalita. Parang di ko kontrolado sarili ko ngayon, hindi ko alam kung saan nanggaling lahat ng sinabi ko… basta ang alam ko lang…. yun ang totoong nararamdaman ko.
Rico’s POV
Nasa Enchanted Kingdom kami ngayon. Sa lahat yata ng lakad ng tropa, eto yung pinakahindi planado, maka-plano naman kasi tong si Seth, sobrang biglaan.
Mga 3:30 kami dumating sa EK. Wala masyadong tao ngayon, weekday kasi.
Oh guys, ano una nating sasakyan? Ako
Mag-paint ball nalang tayo, ayoko magrides. Seya
Ngek, para saan pa ride-all-you-can ticket natin kung di tayo magrarides? Asti
Para namang di nyo kilala si Seya, alam nyo naman na meron siyang acrophobia diba? Clark
Acrophobia? Asti
BINABASA MO ANG
Just When I Thought (KathNiel)
Hayran KurguJust when they thought everything was clear, it totally blurred out. Will their problems be the cause of their downfall? Can friendship and love be a great armor as they face the conflicts that fate had brought them? And if the people involved decid...