Sa loob ng isang lovestory- Chapter 3

179 2 1
                                    

Chapter 3 June 25 Saturday

Clark’s POV

May meeting kami ngayon ng Cameraderie Club, pero di makakapunta si Seya. Kung di ko lang talaga bestfriend yun…

Goodmorning lil bro! Ate Mich

Goodmorning big sis! Ako

Magkikita ba kayo nila Seya at Seth ngayon? Pakisabi miss ko na sila ah. Pati yung ibang tropa. Ate Mich

Siguradong miss ka narin ng mga yun. Pero di kasi kami magkikita kita ngayon eh. May kanya kanyang lakad. Ako

Oh, san naman? Ate Mich

As usual si Blythe at Seth, may date. Si Rico, may training. Si Riley at Asti naman,di ko alam kung saan, pero alam ko may lakad sila. Ako

At si Seya? Ate Mich

Nakalimutan ko palang banggitin bespren ko. Haha. Umupo na ko, kinakain ko yung special breakfast na hinanda ni ate.

Hm, yun.. May date din with Trench. Ako

Yiee, selos ka? Ate Mich

Bestfriend lang tingin ko kay Seya noh. Ako

Wehh. Ate Mich

Bestfriend lang naman kasi talaga tingin ko kay Seya. Pero andaming nagtatanung kung may gusto ba ko sa kanya. Namimisinterpret yata ng mga tao friendship namin.

Ate naman. May boyfriend yung tao oh. Ako

Sus. Pag nagbreak yun, sayo din bagsak nun noh. Ate Mich

Hay nako ate. Alis na ko. Lagi na lang akong late, president pa man din. Ako

Totoo naman eh, lagi akong late. Ay ewan ko ba.

Goodluck lil bro! Pinalagay ko na yung dslr at video cam sa sasakyan kay yaya. Pati yung tripod mo, nandun na. Ingat! Ate Mich

Ang asikaso talaga ng ate ko. I’m so proud of her.

Solo flight na naman ako ngayon. Medyo excited ako, lagi akong excited pag photography ang usapan eh. Baka eto yung pagibig ko? Haha. Sayang wala si bestfriend. Di bali, magkikita mamaya. Sobrang hilig namin ng bestfriend ko dito eh. Kahit simpleng scenarios, pinipicturan or vinivideohan namin. Dami ko na ngang naipon na videos namin eh. Kahit simpleng tawanan lang ng barkada, nakavideo pa.

Sa wakas. Nakarating din. Dito sa sariling office ng Cameraderie club ang meeting. As usual, late ako. 15 minutes late.

Pare naman, tagal mo. Di ka parin nagbago. Lagi ka paring late! Asti

Oh, himala Juan Tamad. Nandito ka. Ako

Oo naman noh. Di naman ako tamad pagdating sa mga gantong importanteng meeting. Asti

Tumutulong kasi si Asti sa pageedit ng videos ng club namin. Club kasi namin ang incharge sa lahat ng documentations sa activities ng school. Kaya obviously, kami ang official photographer at videographer sa acquaintance party.

Nasan si Seya? Asti

Hm, di makakaattend may importanteng lakad. Ako

Ganun? Start na tayo. Asti

Mas mabuti ng di ko sabihin kay Asti na may date si Seya, siguradong magrereklamo na naman yun. At sesermunan si Seya. Iisipin nyang unfair para sa kanya.

Just When I Thought (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon