Chapter 6

1 1 0
                                    

Putris , putris at isa pang putris paulit ulit yan lang ang sinisigaw ng isip ko

Ano ba ! lahat na lang ba ng taong makakakita sakin huhusgahan ako ?

At yung demonyo na yun ano ba ginawa ko sakanya ?

Bat parang ang laki ng galit nya sakin .

Ano ano ba mga kasalanan ko simula noon at ang daming nananakit sakin

Yung nangyari kanina grabe ang panlalait nila akala mo gusto ko yung tao na yun

Ganito lang ako pero may taste din naman ako sa lalaki

Saka anong sinasabi nila tinawag nila na dean yung driver na yun

At hindi lang yun hangang hanga pa sila na akala mo si adonis ang nasa harap nila

“P*TCHA! “ sinipa ko pa yung lata na nasa paanan ko doon ko binuhos lahat ng inis ko

“ALLY----SON” nasaan ba ko? Bakit parang may nakakakilala sakin dito ? parang ang layo naman

Nito sa lugar ko. Dumiretso na lang ako sa paglalakad baka mamaya hindi pa ako yung tinatawag 

mapahiya pa ko 

ALLYSON CRU------------ZZZZZ” buong pangalan ko na ang tinawag kaya lumingon na ko

“Carding ikaw pala yan akala ko kung sino na “ sabi ko ng makalapit na ko

“snobbers kana ganyan ka ba?” nakita kung medyo nagtampo sya

“di bagay sayo. teka nga pala pano ka nakarating dito gamit yang tricycle mo?”

“Hinahanap kasi kita “

“ako bakit?”

“naku muntik ko na makalimutan dalian natin dahil naospital ang tatay mo inatake ng hb nya kagabi kakahanap sayo”

“HUH? Ba—bakit daw nya ko hinanap ? kamusta sya carding ?” mabilis ako sumakay sa loob ng tricycle nya nanginginig pa ang buong katawan ko sa nabalitaan ko. Kahit na di ako magawa ipagtanggol ni itay sa pag mamalupit nila inay alam ko naman na mahal nya ko at di ko kakayanin pag sya nawala pa.

“maya na tayo usap . ang mahalaga nakita kita” saka mabilis na umandar ang tricycle .

“Miss kay Allan cruz po “ tanong sa nurse na nasa harap ng emergency room

First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon