"Gulayyy.. gulay kayo jan" sigaw ko sa paninda ko . Pinagpasyahan ko na kasi ilako na lang ang mga ito dahil sigurado mas marami ang bibili kesa naman ngumanga ako sa isang tabi habang nag-aantay ng bibili . Isang linggo na din kasi ang lumipas simula ng mangyari yung sa ospital at isang linggo na din akong di pinapansin nila inay alam ko naman kung bakit eh kaya ito doble kayod ako kumita lang malaki laki araw araw remember yung sinabi ni inay na gusto nya na buhayin ko si itay? Isa lang naman ang pagkakaintindi ko doon yun ay punan ang mga gastusin ni itay sa ospital at gagawin ko ang lahat matupad ko lang ang mga responsibilidad ko .
" miss magkano petchay" tignan ko saglit yung tindera saka nagsalita
"Naku ate 10 lang ang tali nyan wala pang bulok yan" pagbibida ko naman sa mga gulay ko
"O sige ito bilhin ko yung dalawa"
"Salamat ate" tulak tulak ko ang kariton habang sumisigaw ng gulay. Nang maalala ko kug paano ko hahatiin ang tutubuin ko kung sakaling maubos ko to. Halos nasa 700 din pala king sakali para sa isang araw na gastusan ang 500 ay mapupunta sa ospital kulang pa yun pero yun lang talaga ang kaya samantalang ang .....
"Beeeeeeep Beeeeeeeep"
"Hintooooooo" sigaw sa kotseng mabilis na umaandar pero huli na . Di ko maalis sa pagkakatitig ang mga mata ko sa lugar kung saan napunta ang mga nagkalat kung paninda kitang kita ng mga mata ko kung paano tumaob ang kariton na tulak tulak ko . Isa lang ang nasa isip ko kundi ang tanga ko at wala ako pwede sisihin kundi ako sa sobrang pag kaabala ko sa pagbibilang di ko napansin na nakared light pala pero tuloy pa din akong tumawid at ngayon ang tanging paraan kung saan ako kukuha ng pera ay wala .
" miss are you ok? Are you hurt?" Ramdam ko na bumaba kanina yung driver ng sasakyan pero wala akong pake dahil ang paki ko nasa gulay ko . Wala na ko paki sa sarili ko doon lang talaga sa gulay. .
"Yung ..... " walang ako masabi
" what? " sagot naman nung lalaki harap ko
"Yung.... gulay koo " maluha luha kong sabi
"I see. I'm sorry about that miss but you see the light is still red when u try to cross the pedestrian line so it means it not anybody fault but you" dire-diretsong sabi nya in english at ang siste pa di ko masyado naintindihan . Tumayo na lang ako para tignan kung meron pa ko maisasave sa paninda ko.
"Hey wait where are you going?" Tanonh ulit nung lalaki pero di ko sya pinansin nagderetso lang ako pero