Chapter 5

2.1K 60 21
                                    

Marupok
 
 
 
 
 
 
Hindi ako lumabas ng bahay kinabukasan. I locked up myself inside my room. Lumalabas lang ako kapag kumakain. Hindi ko rin sinabi sa kanila ang nangyari.


Gano'n lang kababaw ang dahilan ni Tonyo para saktan ang damdamin ko? Gano'n niya ba talaga kamahal ang first love niya? I repeatedly cursed my self countless times. Nakakainis na e. Bakit ba hindi iyon mawaglit sa isip ko? Bakit labis pa rin ang sama ng loob sa puso ko?


Mahigit isang linggo na ang nakalipas nang dumating ako rito sa Iloilo at ngayon ko lang naramdaman kung gaano kalungkot at kabagot ang buhay ko rito. Ngayon ko lang hinahanap-hanap ang kinagisnang buhay sa Maynila. Online shopping, ordering may favorite foods online, going out to mall to shops clothes and make ups, and I badly missed the taste of my favorite ice blended oreo milk tea with oreo cookies, pearl, pudding, with 100% sugar. Bigla akong natakam.


Padabog akong lumabas ng kwarto at bumaba dahil humahapdi na ang aking tiyan. Naabutan ko si lola na mag-isa sa kusina. Nasaan kaya sina Elie?


"Oh apo? May sakit ka ba? Bakit hindi ka lumalabas sa kwarto mo?" Tanong ni Lola.


"Wala po akong sakit la. Gusto ko lang magpahinga ngayong araw.. napagod kasi ako kahapon." Pagsisinungaling ko.


"Ganoon ba? Kumain ka na. Mainit pa iyang mga pagkain." Si lola.


Tumango ako at umupo sa dinning table. Nilingon ko muli si lola.


"La, nasaan po si Elie at Dayday?" Tanong ko.


"Kanina pa umalis ang dalawang 'yon at babalik daw sila sa ilog. Iwan ko at doon na rin nanggaling kahapon upang maglaba." Ani lola.


Tumango ako. Sana pala sumama nalang ako sa kanila kanina.


Hinugasan ko ang aking plato pagkatapos kumain. Dumating si Dayday at Elie na may dalang malaking plastic. Pareho silang may nakasukbit na tuwalya sa katawan at halatang naligo sa ilog. Napasimangot ako. Sana pala sumama nalang talaga ako sa kanila.


"Dayday, What's that?" Curious kong tanong at tumingin sa dala nila.


"Mga prutas ito na inakyat ng prince charming ni Elie." Aniya at humagikhik.


Tiningnan ko si Elie na kinurot ang tagiliran ni Dayday. Kapansin pansin ang pamumula ng kanyang pisngi. Napangiti ako. I smell something huh? Who's the guy? Iyon kaya 'yong siga at nakakatakot na lalaki?


Lumapit ako kay Dayday nakiusyuso.


"Anong pangalan Dayday?" Ngumisi ako.


"Si Matheus lang naman. Ang captain ng team nila Tonyo." Kinikilig na sabi ni Dayday.


"Tumigil ka nga Dayday! Binibigyan mo ng malisya ang pagmamagandang loob ng tao. Alam niyang hindi natin kayang akyatin ang mga iyan kaya tumulong lang siya." Naiiritang wika ng pinsan ko.

Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon