Bitter
Kakatapos ko lang maipasa ang lahat ng mga documents na required ng school for enrollment. I have already filled out the form for enrollment and passed it to the faculty incharge. I am taking ABM strand dahil business related course daw ang kukunin ko sa susunod na taon
Lumabas ako sa Room at napangiti nang makita si Tonyo na nakatayo sa labas at naghihintay sa akin. Lumapit siya sa akin nang mapansin ang paglabas ko.
"Tapos na?"
"Yup, akala ko matatagalan pa ako pero mabilis lang naman pala," Ngumiti ako.
"Hi Kuya, Ashton.. Napasyal kayo rito ah?"
Napalingon kami pareho sa dalawang babae na lumapit sa amin. Nakangiti sila pareho at nakatitig lang kay Tonyo. Bakit nila kilala si Tonyo?
"Hello," Bati sa kanila ni Tonyo.
"Matagal ka ng hindi naka-balik dito. Noong nagtapos ang batch niyo Grade 8 pa lang kami no'n." Ngumiti ang isang babae at tumingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
"Talaga? Tapos na kayo mag-enroll?" Sagot ni Tonyo.
"Mag-eenroll pa lang po kami. Sige kuya, aalis na kami."
Ngumiti sa kanila si Tonyo at tumango. Mukhang mga mababait naman sila pero parang may gusto yata sila sa boyfriend ko.
"Who are they?" Tanong ko habang naglalakad kami sa hallway.
May mga napapatingin sa amin na mga babae at lalaki pero hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
"Hindi ko na natandaan mga pangalan nila pero mga fans ko iyon siguro," sagot niya kaya natawa ako.
"Wow huh? Feeling sikat? K-pop idol lang?" Natawa ako kaya lumingon siya sa akin.
"Varsity ako noong nag-aaral pa ako rito kaya nila ako kilala.." Paliwanag niya.
I smirked. Marami siguro itong nakalandian noong dito pa siya nag-aaral.
"Bentang benta ka siguro noon sa mga estudyante rito? Ilan ang nakaharutan mo noon? Girlfriends?"
"Wala," Tipid niyang sagot.
"Weeh, As if you can convince me with your answer.. kung wala man ay dahil siguro sa loyalty mo sa first love mo?" Pagpapatuloy ko.
"Hindi. Hindi ako babaero, wala iyan sa lahi namin. Nasaan na si Dayday? Uuwi na tayo. Masyado ka ng maraming naaakit na mga binata rito." Aniya habang palabas kami sa gate.
"Hindi pa siguro siya tapos.. Ililibre kita gusto mo? Pasasalamat dahil sinamahan mo ako." Alok ko sa kanya nang makalabas kami ng gate.
"H'wag na. Ayos lang." Sagot niya.
"Let's go, Tonyo. It's my treat for today, ikaw kahapon diba?" Ani ko at hinila siya papunta sa nakahilerang tindahan ng mga pagkain sa labas.
Simple lamang pero malawak ang field ng Sta Barbara National Highschool. Nakahiwalay ang building ng Señor Highschool sa mga juniors. Sa labas ay maraming nakahilerang vendors na nagtitinda ng pagkain at kung anu pang pwedeng pagkakitaan.
Naisipan kong sa vendor ng nagbebenta ng japanese sweet cake pumunta.
"You eat this?" Tanong ko sa kanya at tinuro iyon.
"Kahit ano kumakain ako." Sagot niya.
Bumili ako ng sampung piraso at pinalagay ko sa paperbag. Mainit pa ang mga iyon kaya masarap kainin. Bumili ako ng soda para sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)
RomanceWarning: SPG, Mature Content. Read at your own risk. Thessalonica Vergara grew up in the life of Luxury. She can have everything she wishes to have. Her parents gave her a comfortable life everyone's wanted to have. Pero nabago ang kinagisnan niyang...