Simula

5.8K 91 42
                                    


Simula


Tirik na tirik ang araw nang makababa kami ng pinsan kong si Elie sa barko.

Something's strange! Pwede naman kaming bumiyahe through plane but my mom insisted to travel by the sea. Hindi ko rin inaasahan na isasama niya ang pinsan ko, I thought ako lang mag-isa ang uuwi. Ang hassle ng biyahe namin!

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng dalang bag at tinawagan si lola. Mabilis niya naman itong sinagot.

"Lola! Nasa Caticlan, Aklan na po kami ni Elie. Anu nga po 'yong susunod naming sakyan papunta riyan?" Ani ko. Nakatitig lamang sa akin si Elie.


"Bus na papuntang Iloilo Nica.. Pagpasensyahan niyo na at hindi ko kayo mapapasundo riyan ha. Pero pagdating niyo sa Terminal ng Iloilo ay may susundo sa inyo." Sagot ni Lola sa kabilang linya.


"It's fine La. Naiintindihan po namin. Sige po, thanks La." Ani ko.


"Ingat kayo ni Elie." Ani Lola bago naputol ang tawag.


Hindi ko na inalintana ang hilong nararamdaman. This is my first time to visit a province. Ibang iba nga naman dito maging sa simoy ng hangin kumpara sa Maynila. Binalingan ko ang pinsan na tahimik lang habang hawak-hawak ang maleta.


"El, Bus na raw ang sakyan natin."


Tipid itong ngumiti sa akin at tumungo kami sa mga nakahilerang bus at hinanap ang bus patungong Iloilo. We chose to ride an airconditioned bus dahil ayon kay lola ay mahaba pa raw ang byahe mula Caticlan papuntang Iloilo.


My parents are now living abroad. They had a business outside of the country at madalang nalang na makabisita rito sa Pilipinas. I left with no choice but to transfer here in the province. Marahil ay dito na rin ako magpapatuloy ng pag-aaral. I am a Grade 12 student this coming school year. Nasa akin na rin naman ang lahat ng school papers ko. Tuluyan ko na ngang nilisan ang buhay Maynila.


Nilingon ko ang tahimik na pinsan. Verylie is my cousin from my Mother's side. Nagulat nalang ako na biglaang ibinalita sa akin ni Mommy noong isang araw na sasama raw sa akin si Elie. I can't figure out the reason and didn't ask my cousin pero ayos lang naman.. hindi nga lang kami masyadong nagkikita sa Maynila dahil magkalayo ang tirahan namin.


Inabala ko ang sarili sa panonood sa mga nadadaanan namin. Nakatulog naman si Elie tabi ko. Mahigit tatlong oras ang biyahe namin bago tumigil ang bus.


Tagbak Terminal


I think, we're in Iloilo now.


Pinauna naming makalabas ang ibang pasahero. Pareho kaming pagod ni Elie nang makababa ng bus. Hila-hila naming dalawa ang mga maleta namin papunta sa mga upuan na nakahilera hindi kalayuan.


Maraming tao at maingay ang paligid. Nakakasilaw ang kulay dilaw na pintura ng buong paligid pero kapansin-pansin ang kalinisan nito.


Tinawagan kong muli si Lola.


"Apo, dumating na ba kayo?"


"Opo La. Nasa Tagbak Terminal na po kami ngayon." Sagot ko.


"Nandiyan na si Tonyo sa paligid.. ibinigay ko sa kanya ang litrato niyong dalawa ni Elie para mas madali niya kayong mahanap. Nakahanda na ang pagkain dito siguradong gutom na kayo." Ani lola. Tumango naman ako na

parang kaharap siya.


"Sige po La. Tatawag po ulit ako kapag walang lumapit sa amin. Who's Tonyo?"


Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon