Hindi matiis
Tahimik lang ako habang inaayos ang blender at isinaksak ito sa socket. I don't even know what word to utter. Nasa loob na kami ngayong dalawa ng kusina at tinutulungan niya ako sa paggawa ng Watermelon Shake.
Hindi ko maiwasang mahiya dahil sa inasal ko kanina. Nakita niya pa akong umiiyak. Ang pangit ko kaya kapag umiiyak? Damnit!
Pinanood ko siya habang hinihiwa ang mga pakwan at hinihiwalay niya iyon sa mga balat nito. Tumingin siya sa akin nang matapos nitong mahiwa ang limang pakwan. Umiwas ako ng tingin, ramdam pa rin ang hapdi sa aking mga mata.
Nanlambot ang mga tuhod ko nang lumapit ito sa tabi ko.
"Ayos na ba 'to?" Tanong niya.
"Uhm, Yeah." Sagot ko at kinuha sa kanya ang mga laman ng pakwan.
"Ayos ka lang ba?" Muling nagwala ang puso ko nang hawakan nito ang baba ko at inangat. His eyes are intimidating. The warmth of his palm makes my heart raced even faster. "Namumula pa rin ang mata mo.." Puna nito at tinitigan ang mukha ko.
"O-okay lang.. tatapusin ko na ang ginagawa natin." Nabubulol na sagot ko at lumayo sa kanya.
Inilagay ko sa blender ang mga nabalatan na pakwan. Binuksan naman ni Tonyo ang mga evaporated milk in can at iba pang sangkap sa gagawin kong watermelon shake.
Napatingin kami pareho sa pintuan nang pumasok si Lola. Sa Likuran nito ay si Dayday, Elie at Axel na bitbit ang ilang basket na pinamili siguro ni Lola sa palengke.
Iniwan ko ang ginagawa at humalik kay Lola. Nagmano naman si Tonyo sa kanya.
"Mukhang masarap iyang ginagawa niyong meryenda ah?" Puna nito sa ginagawa namin.
"Watermelon shake po ito La. Pinanood ko lang sa isang vlog kung paano gawin." Ngumiti ako.
"Ang dami mong alam Apo. Osige, tapusin niyo na iyan para matikman natin." Ani Lola at iniwan na kami.
Lumapit si Dayday sa akin at tumikhim. Marahas ko siyang nilingon nang paluin nito ang pwetan ko gamit ang palad niya.
"What?" Singhal ko.
"Ganda ng bonding niyo ni labidabs ah?" Bulong niya at humagikhik.
Siniko ko siya sa tagiliran.
"Tapos na ba kayo, Nica? Tutulungan na kita." Presenta naman ni Elie. Ngumiti ako at tumango.
Umupo si Dayday sa gilid ko at ngumisi sa akin. Anu nanaman kaya ang problema ng bruhang 'to?
"Pagkatapos ba ng harvest season.. magtatanim nanaman kayo?" Tanong ni Elie habang binabantayan ang blender.
BINABASA MO ANG
Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)
Storie d'amoreWarning: SPG, Mature Content. Read at your own risk. Thessalonica Vergara grew up in the life of Luxury. She can have everything she wishes to have. Her parents gave her a comfortable life everyone's wanted to have. Pero nabago ang kinagisnan niyang...