Chapter 06

176 125 14
                                    

ALICIA'S POV

Nagising ako sa kalabog ng pinto, bumalikwas ako ng bangon dahil marahas ang pagdagundong nito. Takte? Sino namang baliw ang gustong pumasok ng ganitong oras?

Hinanap ko si Uno pero wala ito sa kwarto, napansin kong umaga na at baka kinuha na ni Doc. Lois pagkatapos ng night shift niya. Napuno ng kaba ang dibdib ko nang mas lumakas pa ang pagkatok sa pinto.

"SINO YAAAAN!?" Bulyaw ko.

The aggressive knocking still hasn't stop, kaya kahit muntik na kong madapa ay itinapon ko ang sarili ko sa wheelchair.

Kinakabahan ako..

Pagkabukas ko ng pinto ay isang nagliliwanag na ngiti ang sumalubong sa akin, A guy with his all time messy hair and his pink lab gown. Nawala ang kaba sa dibdib ko at napalitan iyon ng inis, parang gusto ko manapak!

"Andrei?!" Hindi ko na maiwasang mairita dahil punyeta! Pwede naman sigurong kumatok ng maayos diba?!

"The one and only, bal" Sagot niya.

Ano tinawag niya saken? Bal?

"What did you say?"

"The. ONE. And. ONLY. BALLLLL" Pagtatama niya.

"Bakit mo ko tinatawag na bal? My name is Alicia! A-L-I-C-I-A" Pagtatama ko rin.

He just shrugged at mukhang hindi interesado sa pangalan ko, nagulat ako ng tinulak niya ang wheelchair ko kaya halos magwala ko dahil siguradong hahanapin ako ni Jessica.

"Andrei! Stop pushing my wheelchair!" Utos ko pero mukhang hindi niya ko naririnig.

"Punyeta! Pag nalaman ni Jessica na nawala ako sa kwarto, she'll be worried as fuck! Naiintindihan mo ba iyon, lalaki?" Halos isigaw ko na ang mga salita ko pero parang hindi niya pa rin ako naririnig.

"Hehe hindi" Tipid niyang sagot.

My head hurts so bad dahil sa pagkabigla ng gising, Jessica doesn't do this to me lalo na't sinusumponh rin ako ng chronic headaches.

I groaned because of pain, napansin kong tumigil ang wheelchair ko kaya tumingala ako sa kanya. He stared at me showing his worried facez

Sino ba naman kasing gagong parang papatay kung manggising..

"S..Sorry.. Maybe the green eye monster hurt you so bad" Saad niya,
Ha? Anong green eyed monster?

"Are you hallucinating?" Tanong ko, masyadong hindi kapani-paniwala na pinagsasabi niya.

"No, Yun lang talaga tawag ko sa pain" Sagot niya, he smiled and gestured a thumbs up.

Bumalik ang tingin ko sa pasilyo na dinadaanan namin, napansin kong palabas ito pero nagtataka ako at ni isang tao ay wala pa kong nasasalubong.

"Hmmm.. strangee" Bulong ko.

••••

Tiningnan ko ang oras and It's already 7:30 in the morning, wala pa rin akong namamataang naglalakad-lakad na pasyente kasama ang mga nurses nila.

Hahanapin kaya ako ni Jessica?

Nakarating kami ni Andrei sa isang garden, sobrang ganda dito dahil parang halos lahat ng colors ay mayroon sa mga bulaklak na nakatanim.

I was amazed dahil hindi pa ko nakakapunta dito, hindi ko nga alam kung bakit ngayon ko lang naranasan ito. I felt happiness habang nakatingin ako at pinagmamasdan ang paggalaw ng mga bulaklak dahil sa ihip ng hangin.

"Does the green eye monster left?" Bigla niyang tanong, tumango lang ako dahil hindi na rin naman sumasakit ulo ko.

I stared at him and noticed his features. Sobrang messy talaga ng buhok niya but in a good way, napansin ko ring may shades of brown ito na naghihighlight pag sinisinagan ng araw.

His eyes are brown too, dark brown to be exact dahil pag sa malayuan ay parang itim. Matangos rin ang ilong niya at maliit ang labi, makinis ang balat pero medyo may kapayatan.

"Anong sakit mo?" Nagulat rin ako sa tanong ko pero lumingon siya sa akin at ngumiti.

"I don't know" Tipid niyang sagot.

Maybe he has amnesia?

"Wala bang sinabi yung doctor mo about sa sakit mo?" Hindi siya umimik kaya tinigilan ko na rin ang pagtatanong.

Maybe he doesn't want it to talk about..

Kanina ay sobrang gulo niya at para siyang inilabas na aso sa hawla. Ngayon ay daig niya pa ang patay sa sobrang tahimik.

"Alam mo ba, I've been in a terrible car accident" I break the silenced, tumingin siya sa akin at pinapahiwatig na handa siyang makinig.

"Sabi nila, pumailalim raw ang kotse at sumabog. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi pa ko patay pero kasi natagpuan nila akong tumalsik at hindi kasama sa nadaganan"

"They found me 3 meters away from the car, nagtataka nga rin ako dahil hindi naman agad ako makakalabas kung walang tumulak sakin" Dagdag ko pa.

Sino kaya kasama ko? Bakit hindi sinasabi nila mama?

"Buhay pa ba kasama mo?" Tanong ni Andrei.

"I hope, kung sino man iyon." Sagot ko.

"Bakit hindi mo kilala?"

"I have amnesia" Tumulo ang butil ng luha mula sa aking mga mata, sobrang sakit isipin na hindi ko kilala ang sarili ko o ang pagkatao ko.

"Sana namatay na lang ako noh? Para hindi ako nahihirapan ng ganito" Tuluyan na akong humagulgol, hindi ko naman hiniling mabuhay eh para lang isampal sa akin ang katotohanan na wala na kong silbi.

Niyakap niya ko na ikinagulat ko, he brushed my hair with his hands at para akong inaantok dahil doon. I smiled dahil first time ko makaramdam ng ganitong comfort bukod kay Uno.

"Huwag mo isiping dapat namatay ka na lang kasi kung sino man yung kasama mo sa kotse. Hinangad niya na mabuhay ka, kahit alam niyang pwede naman niya iligtas sarili niya" Sa sinabi niya as mas lalo pa kong nacurious kung sino ang kasama ko sa kotse nung gabing iyon.

How could someone sacrificed his/her life para sa katulad ko? Gaano kaya ako kaimportante sa taong iyon? Buhay pa kaya siya?

Sunod sunod na tanong ko sa sarili ko, lumayo ako kay Andrei at napansin kung may luhang tumulo sa pisngi niya. Pinunasan ko iyon at bigla siyang natawa.

"Taena drama ko noh? Kalalaking tao HAHAH" Nahawa ako sa tawa niya kaya natawa na rin ako.

Tumingin siya sa orasan niya at sinabi niya sa akin na kailangan ko na raw bumalik. Naalala ko si Jessica kaya pumayag na rin ako dahil siguradong hinahanap na ako nun.

Habang nasa corridor kami, hindi ko mawari kung bakit ang bilis mahulog ang loob ko sa lalaking ito. Kanina lang ay halos ibaon ko na siya sa lupa dahil sa inis pero ngayon ay isa na siya taong nagbibigay comfort sa akin.

"We're here" Tumingin ako sa pinto at nakita ko ang 101 na numero, lumingon ako kay Andrei at napansin kong wala na siya.

Lumingon lingon ako sa corridor at baka tumatakbo pa siya pero mukhang hindi ko na siya naabutan.

Crashed Hearts ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon