Chapter 25

90 63 6
                                    


THIRD PERSON'S POV

"Good Morning sir, have you heard about the news?" Bati ni Nataly sa kabilang linya.

"Of course, thanks for the help.."

"No worries sir, ano pa po ba kailangan kong gawin?"

"Wala na, that would be all" Binaba ni Adrian ang tawag at napangiti ng maalala ang naging balita kagabi.

He expected that it would be in the news pero hindi niya aakalain na mag viviral ito, it wasn't about the leaked recorder more likely about the "Parking-Lot Scandal"

"Pag talaga asal hayop." Naiiling na sabi nito sa sarili. 

Dumating ang kanyang secretary at may dala dala itong folder, she seems anxious nang nilapag ito sa table kaya naman nagtaka si Adrian at agad binuksan ito.

"What the---"

It was a file from his lawyer. Unfortunately, Laura filed a kidnapping case to him dahil sa pagkawala ni Alicia. His confusion turned to a wide grin, iniisip pa lang niya ang galit nito ay nagagalak na siya.

"Don't worry, I can handle this.." Umalis ang sekretarya nang sinenyasan niya ito, namataan niya ang isang paper shredder sa tabi at agad tinapon ang envelope doon.

"This will be a good game.."

*****

Pagkauwi sa bahay ay dumiretso siya sa kwarto ni Andrei, katapat lang ito ng room niya but still... it wasn't opened after the accident. Ang huling nagsara nito ay ang kuya niya..

He refused to open the door before dahil namamayani sa kanya ang pangungulila, he sighed and get the keys from his pocket.

Pagkabukas ng pinto ay nagkalat ang mga damit sa kama, the closet was left opened at may mga bote pa ng whiskey sa side table. There are scattered books in the desk at may mga litrato na nasa ilalim ng upuan.

Pinulot niya ito at nasilayan muli ang kanyang kuya with his girlfriend Alicia. It was a pic inside a flower garden, their faces we're full of happiness.. ibang iba sa sitwasyon nilang dalawa ngayon.

Tiningnan niya ang mga libro na nasa desk at napagtantong album ito ng magkasintahan, there we're photos from highschool, college and until the last months when they we're together. Tatlong album ang nandun at mukhang iniingat ingatan ito ng kuya niya, he smiled bitterly by the fact they ended up in tragedy.

Lumapit siya sa kama and it was full of letters, sulat kamay nito ng kanyang kuya at mukhang para ito sa kasintahan. Mukhang nung huling nandito ang kuya niya ay panahon na nagkakalabuan silang dalawa, maybe because of Alicia's mother.

Naalala niya ang tunay na dahilan kung bakit siya nandito, he needed information about the past of former lovers. Kakailanganin niya ito para maka-regain ng memories si Alicia about sa kuya niya, maybe may mga nalalaman pa siya na makakatulong sa magiging downfall ng ina niya.

His phone rang and it was a call from Lois, pinatay niya ito thinking that it's just nonsense shit. Ganoon naman parati ang kaibigan niya, tatawag para ikwento ang kagaguhan nito buong mag-araw.

"Oh?"

"Si Alicia.."

"Ano?"

"Hindi ko marestrain si Alicia, nagwawala siya.. I mean kaya ko naman pero para siyang sinasapian! May multo ata dito!" Bulyaw ni Lois sa kabilang linya.

Agad niyang pinatay ang tawag at dumiretso sa kotse, madilim na sa daan pero agad niyang pinaharurot ito papunta sa bahay ng kaibigan.

Hindi na siya tinanong pa ng mga maid kung sino hanap niya, pumasok agad siya sa bahay at dumiretso sa basement. Naabutan niya si Lois na tinatali si Alicia na pilit tinatanggal ang lubid na nasa paa niya.

"What happened!?" Agad niyang nilapitan si Alicia at tumulong sa pagtatali sa kanya, kinuha naman ni Lois ang tranquilizer at ininject sa dalaga.

"Wala akong ginawa, if thats what you think" Saad ni Lois pagkatapos punasan ang namuong pawis sa noo.

"Ano ba kasing nangyari?"

"She wants to take pills, I refused at bigla siyang nagwala. Umiyak siya ng umiyak at pinagbabato lahat ng makita niya, tinanggal niya yung nakakabit na dextrose at tumakbo papaalis. Buti na lang nahuli ni Manong.." Napasalampak na lang sa sahig ang doctor sa sobrang pagod ang doctor.

Napatingin ang binata kay Alicia, she's pale and thin mukhang hindi ito nakakain ng maayos at nagkakaroon ng tamang tulog.

"Maybe she wants to see your brother.."

"What do you mean?"

"I saw her bago ko siya itakas sa hospital, she was taking those pills para makita nag kapatid mo." Kwento ni Lois,  he can't helped but to feel pity sa girlfriend ng kapatid niya. She loved him too much at siguradong magiging malaki ang epekto nito pag nalaman niya ang totoo.

Tinanggal ni Andrei ang lubid na nasa wrist ni Alicia, pati na rin ang mga nasa paa. Tulog na rin naman ito kaya napagdesisyunan niyang buhatin at iuwi sa bahay.

"Hoi! Gagawin mo diyan? Itatapon mo?" Tanong ni Lois.

He ignored Lois at umalis, sinundan naman siya nito hanggang makarating sila sa kotse.

"I'm taking her home.." Sagot ni Adrian.

"Pero paano pag nagwala siya?"

Tumingin ang binata sa kanya na parang pinapakita ang sagot, mukhang hindi naman niya ito naintindihan dahil nakatitig lang siya sa binata.

"I'm her boyfriend's twin brother, tutal umiinom siya ng pills para makita si kuya then I'll pretend na ako si Andrei"

For him, it will be the most idiotic decision na gagawin niya sa tanang buhay niya pero wala rin naman silang magagawa kung i-cucut nila ang pills at hindi bigyan ng placebo ang dalaga. If hindi niya ito gagawin ay siguradong mas lalala lang ang sitwasyon.

"Im warning you, siguradong makakasama sa iyo yan" Tumango lang siya nang marinig ang babala ng kaibigan at tuluyan ng pumasok sa kotse.

Habang nasa daan ay pinagmamasdan niya si Alicia sa rearview mirror kung saan natutulog ito sa likod. Her angelic face was covered with some strands of hair, napaisip pati ang binata kung anong pakiramdam ang magkaroon ng girlfriend na katulad ni Alicia.

Inalis niya agad ang namuong konklusyon sa isipan, lalo na't pag papanggap lang lahat. Ginagawa niya ito hindi dahil sa gusto niya pero dahil sa ikakabubuti ng dalaga.

He will be needing her in the future anyways..

Crashed Hearts ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon