Chapter 10

11 1 0
                                    

Chapter 10: Curious...

Keiffer's POV

Di ako makapaniwala na si Kyle ang gusto niya..  Napatigil ako ng maalala ko siya..  Para kaseng may tinatago siya..  Napaka misteryoso niya..  WEIRDO kung baga..  Minsan may mga bagay na nililihim niya samin.. Na para bang ayaw niyang malaman namin.. 

Bakit dun pa siya nagkagusto??!!

" Wag kang magkakagusto sakanya..  Weirdo siya at.... Choosy yan sa babae di siya magkakagusto sa panget na katulad mo.. Paglalaruan ka lang niya.. !!"

Tumayo naman siya at parang maluluha..  Wala akong pake kung masakit para sakanya yun..  Panget naman talaga siya ehh.. Pumadyak siya..  Napatodo ata..  May naramdaman akong bumukas.. 

May butas sa sahig na square...  Nagkatinginan kami ni Eya..  Lumapit kami sa butas..  Tinignan bamin ang ilalim..  May nakita kaming parang secret office..  Isa lang ang naka agaw ng atensiyon ko..  Isang parang relo na may sign na parang letter A na pahalang..

"Pano to isarado to!!" may naramdaman kaming footstep papalapit..  Si Sir. Grancho na ata yun.. 

Inapakan namin lahat ng mga tiles dito..  Hanggang sa sumarado na ang butas..  Naramdaman na din namin na gumalaw na ang doorknob..  At bumukas na nga..

"Two hours is over..  Pwede na kayong lumabas..!! Ihahatid ko na kayo..!!" lumabas na nga kami at sumunod kay Sir.. 

Nasa harap na kami ng isang pader papasok sa Campus..  May pinindot si Sir at biglang may bumukas na parte ng pader..  Hanep..  Secret office niya ata dito..  Pero bakit niya kami dinala dun..

Nakapasok na nga kami sa Campus nandito na kami sa likod ng CR..  "Huwag niyo ng uulitin yun..  !!!"  ehh di naman Escape yun ehh..  OA lang masyado ang matandang to..

"Yes Sir..!!" haysstt..  Masyado naman ata tong mabait.. 

Umalis na nga si Sir at kaming dalawa na lang ang naiwan.. Hanggang ngayon naka poker face parin ako..   Iniwan ko na siya.. 

Di ko parin makalimutan ang nakita ko..  Para kasing nakita ko na dati ang relo na yun ehh.. Nakalimutan ko lang kung saan..  Dumiretso ako sa class ko...

Nadatnan ko silang lahat..  Wala pa naman si Mrs. Guzman..  "Kei san ka nanggaling?? Two subject na missed mo auh..  Hinanap ka kanina ni Sir. Mendez at Ma'am Alice..  !" ewan ko sa inyo..  Kit talaga palagi ang nag re remind sakin.  Bestfriend ko yan ehh...

Tinitigan ko si Kyle ng masama..  5 second kami siguro nagkatitigan..

"Punishment!!"

"Huh?? Anong ginawa ko nakipag basag ulo??!!" OA rin tong si Dex ehh.

"Escape daw!!" di naman ehh..  Salot kase ang Grancho na yun... Since high school kami ang palagi niyang nakikita.. *-*

"Ikaw lang??!" hayysstt..  Renz Garcia.. Lagi niyang inaalam ang ginagawa namin..

"With that..  NERD!!"

"Mag de date kayo sana nuu??!!" bwesit..  Sumpa ata kung ide date ko siya..  Pilengara..  Kit ang mapang asar saming lahat..

"SHUT UP...  Ano siya sine swerte..  Pangit nun ehh.. !!"

"Okey..  Okey..!!" 

Dumating na rin ang teacher namin..  Buong klase lutang ako.. Iniisip ko  kung saan ko nakita yung relo na yun..

Eya's POV

Anong kaya yung nasa butas sa office ni Sir..  Tsaka anong problema ni Keiffer..  Kanina talaga parang maluluha na ako..  Ang sakit ng mga sinabi niya.. Crush lang naman ehh.. Wala siyang karapatan na ipagmukha sakin na hindi ako magugustuhan ni Kyle.. 

Tapos ng class namin..  Wala namang teacher sa next subject.. Nakita ko si Cassandra na naka upo sa unahan.. Nakikipag usap sa mga alipores niya.  Nag li lip stick pa sila..  Naaalala ko tuloy ang nakita ko kanina.. 

"Eya..  Bat di mo sinuot ang contact lenses na ibinigay ni Mommy!??"  oo nga pala..  Nakalimutan ko..

"Auhh..  Kase pag sinuot ko..  Baka laitin ako ng mga classmate natin.. Baka sabihin nila na pangit pa din ako kahit na walang eye glasses at baka sabihin nila na nagpapaganda ako dahil may pinapantasiya na ako.!!"

"Ano ka ba? Wag mo silang pansinin masyado ka namang nega ehh..!!"

True friend talaga si Alissa... Mabuti pa siya naiintindihan ako..  Kahit na maganda siya..  Di tulad ko panget.. Noon ang mga friend ko mga nerd din kagaya ko..   Ngayon may maganda na akong friend.. 

Tapos ng class uuwi na ako..  Malapit na ako sa gate ng harangan nila Jelian ang daanan ko..  Hala ano to.. 

"Hoy Nerd!!.. Anong ginawa niyo ni Keiffer sa old building?? Ginayuma niyo siya nu??!!" huh??  Ako pa masama..

"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo!!" ayoko talaga ng away pero kung uunahan ako nilang galawin..  Humanda sila..   Humakbang na ako ng hinablot niya ang buhok ko..  Arouch...!!!

"San ka pupunta?? Di pa tayo tapos.. Baka gusto mong kalbuhin kita..!!"

" Ano bang gusto mo??!!".

"Layuan mo na si Keiffer,.. He's mine okay??!!"  ewan ko ba bat madaming naghahabol sa badboy na yun..  Itsura lang ba ang basehan nila??? Ang baba naman ng standard nila..

"Edi ikaw ang lumapit sakanya!!" sigaw ko sakanya..  Palagi na lang akong napapahamak dahil sa Badboy na yun.. 

Lord..  Mabait naman ako diba? Bat ako ganto?? Para naman akong sinumpa!!

"Bastos ka auh!!" sinipa niya ang tiyan ko napa upo naman ako sa sakit..  Putekkss..   Wag niyo kong galitin... 

Tumawa pa silang lahat.."Pathetic..NERD!!"
Sabi ng babae na kasama ni Jelian.. 

Nakita ko si Kyle na naka akbay kay Cassandra...!!!! Ahhh!!!....  Ginagalit talaga ako ng mundo ngayong araw..!!

Tumalikod na sila ni Jelian..  At lumakad na..  Tumayo ako at tumakbo papunta sa direksiyon nila armt bigla akong tumalon..  Wattaa...  Flying Kick ko. Nadapa si Jelian..  Yan ng bagay sayo..   Di na sila nakaganti pa uuwi na ako...

Hindi na ako maglalakad ayoko na maulit ang nangyare nun.. 

Nagpasundo na lang ako sa driver namin at dumating naman mayamaya pa.. Sumakay na lang ako at umuwi....

Pagdating ko sa bahay..  Nadatnan ko sina Mama, Papa at Ate..  Huh??  Bat nandito si Ate wala ba siyang trabaho ngayon??  And Papa?? Pero happy naman ako kase complete kami...

"Eya mabuti naman nandito kana.. Kumain na tayo!!" yaya sakin ni Mama.. "Ate wala ka bang trabaho??!!" nginusuan lang niya ako.. 

Tumungo na kami sa Dining at kumain..  "Alam niyo ba Ma..  May Boyfriend na si Bunso!!" hala..  Ate naman..  Hindi ko siya Boyfriend..

"Really?? Eya!!??" huhuhoo..  Mama...
"Ma NO..  Hindi ko siya Boyfriend binubully lang niya ako.. !!"

"Bunso masama ang magsinungaling..  Totoo ba ang sabi ng Ate mo??!!"  Pa NO!!

"Hindi...  Sa pangit kong to..!!!" totoo naman ehh..  Panget kaya ako...

"Ehh... Sino ng sinasabi ng Ate mo!!??"  huuuuhhg... Arrggghhhh....

"Leader po siya ng Gang sa school namin.. Binubully po nila ako!!"

" May bumubully sayo sa school niyo???!!"
Pa kalma..

"Opo..  Pero hindi naman physically kundi Verbally lang..!!"

"Sige..  Pero pag may umaway sayo sa school sabihin mo sakin.. Uupakan ko..!!"  Papa talaga..  Tinuruan niya naman ako ng self defense ehh.. 

Tapos naming kumain ay pumasok na ako sa room ko..  Di maalis sa utak ko ang kanina... Yung parang secret office ano kaya yun..  Bakit may ganun dun.. 

I'm curious!!!!....

End of Chapter 10

A Badboy's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon