Chapter 30

9 1 1
                                    

Chapter 30: Concerned

Eya's POV

Hala si Keiffer!? Bat naman niya ginawa yun!?..  Natumba naman si Kit...

"Ano bang problema mo!?" pinuntahan ko naman si Kit... At inalalayan...
"Bat mo siya hinalikan!?!?" ehh ano bang paki niya!? Naka poker face pa..

"Ehh bat mo ko sinapak!? Wala kang paki kung hahalikan ko siya!!" kinuyom ni Keiffer ang kamao niya.. Ano ba!? Complicated niya!!

"Ano ba kaseng problema mo!?" nakisali na ako... Is he jealous!? Bakit naman..

"Bakit ka pumayag na halikan ka ng pakboy na yan!?" siya ang pakboy..

"Ehh bat ka nagagalit!?"

"Binabalaan lang kita na paglalaruan ka lang niyan..!!" ehh wala namang kami ehh..

"Bat ka nangingi alam!? Bakit pinaki alaman ba kita nung nakita ko kayo ng pokpok na yun na naglalandian!? Hindi!!" kala mo auh!!

"Wag ka lang iiyak pagniloko ka niyan!!" hindi ako iiyak dahil wala namang kami..

"Wala ngang kami ehh!!" sumumbat na si Kit..

"Bahala kayo diyan!!" umalis na siya.. Bumalik na din kami ni Kit sa kubo.. May pasa siya sa mukha... Pero naka ngiti pa.. Timang talaga parang ewan.. Sinaktan na nga masaya pa..

Pumasok na kami kumuha ako ng ice para sa pasa niya.. Ibinigay ko sakanya.. Umupo kami sa sofa.. Bat naman kase hinalikan niya ako!?..

"Bat mo kase ako hinalikan kanina!? Para kang ewan!!" ngumisi pa..  Ayy... Ang kupal naman..

"Wala lang..!!" so ano yun.. Trip niya lang.. Timang.. Nasaktan pa tuloy siya.. Ewan..

"Nasaktan ka tuloy!!" tinignan niya ako ng mapang asar... Ano naman kaya ang iniisip neto..

"At least alam na natin na may gusto si Keiffer sayo!!" what!?

"Hoy!! Wala!!"

"Ehh bakit nagselos siya kanina!!" nagselos siya!? Pero...

"Bahala ka nga diyan!!"

"Eya may plano ako.. Para mapa amin natin siya pagseselosin natin siya bukas!!" diba uuwi na bukas!?

"Ehh pano!?" tinaas niya yung isa niyang kilay niya...

"Halikan kita ulit!?" ayoko kaya...

"Duh.. Ayoko nga!! Bahala ka diyan wag na lang!!" natulog na lang ako..  Para siyang ewan.. Hinalikan pa ako.. Tinanggal ko na ang contact lense ko..

6:30 am..

Pagmulat ko bumungad sakin si Kit.. Haystt...

"Good morning NELY!!"  walang good sa morning duhh..

Bumangon na ako at isinuot ang lense ko.. Nag toothbrush ako at sabay na kaming lumabas..

Dumiretso kami sa cottage na malaki nandun silang lahat na kumakain na ng breakfast.. Inakbayan ako ni Kit ang sama ng tingin ni Keiffer.. Totoo kaya ang sinabi ni Kit na nagselos siya kagabi!? Kumain na kami.. Wait wala na dito ang partner ni Renz kaya si Alissa na ngayon ang kasama niya si Dex wala ng partner.. Haha...

Umupo na kami ni Kit at kumain na.. Tinitigan ko si Mokong.. Naka poker face.. Ano ba kase ang problema niya!? Tsaka sino kaya ang humalik sakin kagabi!? Curious ako...

"Bat ang tahimik!?" oo nga.. Lalo na kay Dex..

"Edi mag ingay ka!!" KJ walang hiya.. Pilosopo... Badtrip lang..

Nag pa music si PP.. Nagsi kantahan naman silang lahat.. Hayst.. Ingay naman.. Tapos kong kumain bumalik ako sa kubo.. Umupo ako sa kama ko.. I'm so damn curious...  Gago kase si Kit ehh.. Trip niya lang na halikan ako... Hayst.. Si Kit ang second kiss ko.. First kiss and second kiss on the same night... My god..  Nag ring ang phone ko.. Sinagot ko si Mama...

"Hello Ma!!"

"Good morning anak!! Nasa beach ka paba ngayon!?"  pano niya nalaman!?

"Pano niyo po nalaman nasa beach ako!?"

"Sinabi sakin ni Kei!!" hayyst.. Baka sinabi niya din na hinalikan ako ni Kit..

"Auuh! Bakit pala kayo napatawag!?"

"Wala lang gusto lang kitang kamustahin!!" hayst.. Salamat naman..

"Auh.. Okay lang po Ma!!"

"Auh!! Sige!! Have fun!! Bye!!"

"Sige Ma love you!!"

"Love you too!!"

Pinatay na din niya.. Nabigla ako ng bumukas ang pinto... Hay.. Kala ko kung sino na si Kit lang pala..

"Eya!! Sabay kana sa kanila auh!! May pupuntahan pa kase ako..!!" ha!? Ehh kanino ako sasabay!?

"Sige!!" kina Alissa na lang...

Kinuha na niya ang mga gamit niya at umalis na... San kaya siya pupunta!? Niligpit ko na din ang mga damit ko at nagbihis na... Eto na lang ang last na bihisan ko... Nilagay ko na lahat sa bag ko at lumabas na muna... Pinatuyo ko naman ang mga damit ko kahapon.. 

Paglabas ko wala na sila sa cottage kay pumunta ako sa may pool baka nandun sila..  At andun nga sila...  Sila ni Alissa, Renz, Dex,  at yung PP naligo sa pool.. Si Keiffer naman nakaupo sa tabi. Wala siyang t shirt pero may towel tsaka naka shorts.... Umupo na din ako pero medyo malayo sa kanya..

Umahon yung PP.... Umupo sa tabi ni Mokong.... Niyakap niya...  Ewss... Bat ba ako nagseselos.!? Ehh wala namang kami.. Crush ko lang naman siya.. Hayst.. Tumayo ako.. Pupunta ako kay Alissa... Nung dumaan ako sa kanila bigla akong tinulak ng impaktita niyang kasama... Walang hiya..  Nahulog ako sa pool hala pano nato.. Wala na akong damit...  Nagsi tawanan pa silang lahat pero si Keiffer wala lang...

Biglang tinulak ni Keiffer yung babae sa pool na ikinagalit naman niya..  Haha bagay sayo yan..  Nilagay ni Keiffer yung towel sa upuan at tumalon... Umahon na ako.. At sumunod naman siya..  Naglakad ako papunta sa CR ang ginaw..  Pero nakasunod siya..  Bigla niya akong nilagyan ng towel sa balikat at inakbayan...  Hala siya..

Hanggang CR sinamahan niya ako..  Hala siya.. Humarap ako sa salamin...  Haystt..  Naaawa ako sa sarili ko..  Bat ba nila ako ginaganito...  Ano bang mali sakin? Wala naman ako ginagawang masama sa kanila.. Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko..

Hinarap ako ni Keiffer...
"Bat ka umiiyak!?" bakit nga ba?

"Wala!!" pinahiran ko ang luha ko..

"Wag kang iiyak!! Di makaka tulong yan!!" oo nga.. Pero ano bang dapat kong gawin!?
Tumango na lang ako..

"Magbihis ka na!" ehh wala naman akong damit na!!

"Wala na akong damit!!" nagbuntong hininga siya...

"Pero may panloob ka pang extra!?" meron pa naman..

"Oo naman!!" hinila niya ako palabas ng CR at pumunta sa kubo namin..  Iniwan niya ako saglit...

Maya pa bumalik siya na may dalang white t shirt... Ang laki..  Hanggang tuhod ata ehh..

"Oh..  Ayan.. Muna ang suotin mo!!" sige na nga..

"Sige may shorts pa naman ako dito ehh..!!" magbibihis na ako..  Ehh pano siya..

"Magbibihis na ako!!" tumalikod naman siya..

"Sige.. Di naman ako manyak gay ng kasama mo!!" edi wow..  Di naman manyak gaano si Kit auh...

Lumabas siya at nagbihis na din ako.. Tapos nun ay lumabas na din ako.. Nadatnan ko siya sa labas na nakaupo sa bato...  Ang laki ng damit ko..  Para akong losyang..  Tinapik ko ang balikat niya.. At nilingon naman niya ako...

"Magsuot kana din ng sinturon pala magmukhang dress..!!" oo nga nuh..  Pumasok ako at naghanap ng belt.. Wala pala akong dala pero sa sofa may nakita ako.. Kay Kit siguro to naiwan lang.. Hiramin ko na muna babalik ko na lang pagnakita kami ulit...

End of Chapter 30

A Badboy's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon