Chapter 33

7 0 0
                                    

Chapter 33:  Best friends

Eya's POV

Hayysstt.. Grabe yun.. Walang hiya talaga sila.. Maliban kay Kyle.. Lumabas na ako sa office nila after 2 hours.. My god...

Hindi nalang ako papasok mga ilang minuto na lang lunch time na din..  Dumito muna ako sa canteen.. Wala namang estudyante dito ehh.. Mga vendors lang.. Umupo ako sa isang bench.. Haystt.. Buhay nga naman.. Aray..  Tinignan ko ang braso ko may pasa..

Huhu.. Gusto ko nang lumipat ng school.. Grabe na sila.. Nakakasakit na.. Lalo na si Keiffer ewan ko ba kung bakit nagkagusto ako sakanya.. Bakit ko kailangang mapahiya para mabuhay?!... Tumulo na ng tuluyan ang luha ko.. Iiiyak ko nalang tong nararamdaman ko.. May notif ako..

Kaya tinignan ko muna..

/Keiffer De Los Santos tagged you in a post/

ano toh? Sinilip ko.. OMG!!! Bakit pinost yun?! Yung picture na pinag push up ako at kita yung undies ko.. Walang hiya?! Huhu..  Para akong talunan.. Huhu... Ayoko na.. Gusto ko ng mamatay..

Nilagay ko nalang ang phone ko sa bag at umiyak na lang.. Bat ba kase ginaganito nila ako?! Ano bang nagawa kong mali.. Naramdaman kong may tumabi sakin.. Sino siya?! Di ko magawang lumingon kase naluluha ako.. Niyakap niya ako.. Sino toh?! Bakit niya ako niyakap??

"Sorry auh!! Wala akong nagawa kanina!!"

Isa sa lima.. But not Keiffer.. Kilala ko kase si Keiffer ehh.. Cold kase si Keiffer ehh ito parang soft... Sino toh.. Nilingon ko na siya.. Si Kyle... Buti pa siya may concern sakin..

"Salamat auh!!" pinahiran ko na ang luha ko..

"Okay ka lang?!" okay na ngayon pero ramdam ko pa din ang sakit sa braso ko nadapa kase ako kanina ng tinulak ako ni Keiffer... Walang hiya yun.. Pero bat lahat ng ginagawa niya kahit masama mas lalo akong nagkakagusto sakanya!? Para akong tanga...

"Oo!!" ngumiti naman siya sakin at pinahiran ko na ang luha ko.. Nagalaw niya ata ang braso ko sumakit ng konti ehh di ko naman maiwasa na magreact..

"May masakit ba sayo?!" tinakpan ko ang braso ko na tinignan niya.. Kinuha niya ang kamay ko na nakatakip sa braso ko .. Naku nakakahiya napayuko nalang ako..  Tumayo siya at kinuha ang bag ko.. Binuka niya ang palad niya sa harap ko at hinawakan ko naman.. Tumayo ako at tumakbo kami..  Ang higpit ng hawak niya sakin.. Pero parang di ganun ka kilig ang nararamdaman ko.. Parang bumawas ng konti.. Siguro dahil sa si Keiffer na ang magugustuhan ko.. Ang hapdi ng sugat ko dumudugo pa ata ehh..

Tumakbo lang kami hanggang sa napadpad kami sa likod ng campus ang sukal dito.. Pumasok kami sa isang maliit na room..  Ano toh?! Pinaupo niya ako sa may upuan at may kinuha siya sa box.. Ng lumingon siya sakin meron siyang hawak na alcohol, betadine at cotton...

"Akin na ang sugat mo!!" inabot ko ang braso ko sakanya.. Nilagyan niya ng alcohol ang hapdi.. Mama ko.. Napatingin naman siya sakin at ngumiti  ang cute niya.. Nilagyan niya ng betadine ang cotton tsaka nilagay sa braso ko.. Tapos ay ang tela at hospital tape..  Ayan na.. Parang gumaan ang pakiramdam ko..

"Auh!!.. Kyle Thank you auh..!!" ngumisi lang siya at niligpit lahat ng mga gamit..
"Ikaw pa!!" ayy.. Ang cute talaga..
"Ano nga pala ang lugar nato?!" umupo siya sa tabi ko..
"Uhm.. Dito ako pumupunta pag gusto ko ng tahimik na buhay!!" auh..

"Agent ka pala nuh?!"

"Oo.. Kaya di tayo pwede kase nangako ako sa Papa mo!!"

"Okay lang.. Pwede naman tayong maging Bestfriend diba?!" ngumiti siya.. Ang cute niyang tignan pag nakangiyi minsan lang kase siya ngumingiti... Serious masyado ang mukha niya..

"Syempre naman!!" edi okay.. Ngumiti ako pabalik sakanya..

Tumahimik ang paligid ng ilang minuto.. Naiisip ko na bakit?! Bakit nila ako ginaganito?! May nagawa ba akong mali sa kanila?! Bakit?! Huhuhu.... Tumulo na pala ang luha ko... Di kami magkaharap ni Kyle so baka di niya napansin.. Ang daming bakit sa utak ko.. WHY!? Sa dinami dami ng tao.. WHY?! ME?!

"What's Wrong?!" pinahiran ko ang luha ko nakakahiya ehh...

"Ano bang nagawa kong mali?!" nagbuntong hininga siya at humarap sakin..

"Eya wala kang nagawang mali!" ehh bat ako ganto?!

"Bakit ako ginaganto ni Keiffer?!"

"Pag pasensyahan mona masyadong masakit ang pinagdaanan niya ehh!!"

What?! Anong pinagdaanan niya?! Ehh porket ba may pinagdadaanan siya pwede na niyang gawin lahat ng gusto niya?! No way...

Kkrrriiinnnggg!!!!!  Bell na pala.. Tumayo na ako..

"Auh!! Thank you sa time Kyle auh.. Mauna na ako!!" ngumiti siya at humarap na ako sa pinto.. Aktong bubuksan ko na hilain niya ang braso ko papunta sa kanya.. My gid.. Parang nag slomo ang lahat...  Sobrang lapit ng mga mukha namin.. Pakiramdam ko matutuloy na ang naudlot naming kiss nung sa party.. Kaso nga lang di siya ang first kiss ko... Atras ako ng atras hanggang sa idinikit niya ako sa pader malapit sa pinto... Baka may makakita kase pagbukas ng pinto eto agad.. Inilapit niya ng inilapit ang mukha niya.. Then he kissed me.. Pero alam kong hindi siya yung humalik sakin sa beach iba kase... Kase yung guy na first kiss ko iba yung presence..

My gosh.. Two members ng Gang dito sa school nahalikan na ako.. Hinawakan niya ang bewang ko.. Ohh my ghad.. Ano na ang sunod?! Lumakad siya ng konti paatras..  My god ilang seconds nato.. Dito na kami sa harap ng pinto.. Hinahalikan padin niya ako.. Kinikilig ako dhaiz.. Ang taas niya ngayon ko lang narealize..  Nakatitig lang siya sa mata ko.. Bat niya ba ginagawa toh.. Pakiramadam ko may love song na tumutugtog habang hinahalikan niya ako..

Biglang bumukas ang pinto.. Kakalas na sana ako ng higpitan niya ang pagkakahawak niya sa bewang ko.. Nakakahiya sa nakakita.. Nakatayo lang siya sa harap namin ako naman pinikit lang ang mga mata ko nakakahiya ehh.. Bigla niyang sinapak si Kyle... Alam ko kung sino.. Si Keiffer ganyan din ang ginawa niya nung hinalikan ako ni Kit.. Ano ba kaseng problema niya.. Napa upo naman si Kyle sa sahig dahil sa pagkasuntok ni Keiffer.. Pinuntahan ko siya at tumayo naman siya na nakahawak sa panga niya.. Walang hiya talaga si Keiffer..

"Bakit mo siya sinuntok?!" tanong ko salanya na inirapan niya lang.. Tumingin siya kay Kyle.. Masamang tingin..

"Ganyan kana ba ka desperado para halikan ang enkanto nayan?!" walang hiya sino satin ang enkanto..

"None of your business.. I have a right to kiss her cause she's my girl!!" walang ganang sagot niya.. Huh?! I'm his girl?! Ehh sira pala tohh ehh.. Pareho lang sila..

"Hoy enkanto.. Anong pina inom mo sa lalaking yan..?!" gago ako pa ang masama wow...

"ADIK!!" naka poker face siya.. Bakit ba kase siya sumusulpot sa mga love life moments ko?!...

"Yes.. Yes.. Yes!! Wag kang iiyak pagsinaktan ka niyan!! EYAKIN!!! And you!!" turo niya kay Kyle..

"STUPID among STUPID!!" aba kaibigan niya sinasabihan niyang Stupid.. Gago auh.. Plastik na kaibigan.. Lumabas siya at hinampas ang pintuan.. 

Humarap ako kay Kyle..

"Kyle!! Bat mo sinabi yun?!" inis na sambit ko..

"Para kahit man lang sakanya.. Maging tayo!!" ulol niya..

"Hayst..!!"  lumapit siya sakin.. Ano na naman toh.. Bitin pa ba siya kanina?!

"Eya I love you!!" my god anong sasagutin ko oo mahal ko siya pero nakakahiya.. Bumabalik ang feelings ko sakanya.. Nilagpasan na niya ako at lumabas na.. Hinabol ko siya..

"Kyle!! I love you too!!!" nilingon niya ako at ngumiti siya..

"Sabay na tayong mag lunch!!" ohh sige ehh wala naman si Alissa ehh kase tuwing lunch sa bahay na nila!

"Sige ba!! BFF!!" para BFF na lang..

"Let's go!!"

Naglakad na kami papunta sa restaurant...  We're here na..

End of Chapter 33

A Badboy's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon