Chapter 47: 3rd year College
Eya's POV
Pareho kami ng regalo sa isa't isa ni Keiffer?! Shocked.. Tapos pareho din kami na nakatanggap ng terno at white shoes.. Bakit ba?!
Nandito kami ngayon ni Mama at Ate sa dining.. Kumakain ng desert.. Ang tatlo nasa sala nag iinoman.. Happy lang kaming lahat.. Walang KJ.. Tumungo muna ako sa taas..
3:00 am na pala.. Medyo inaantok na ako.. Humiga na lang muna ako sa kama ko.. Kakapagod.. Sinuot ko ang black earings na regalo niya sakin.. Bagay pala.... Tska ang hoddie naman gustong gusto ko.. I love color red...
Maya pa may kumatok.. Si Keiffer na ata yan..
"Pasok!!" sabi ko at bumukas naman ang pinto.. Si Keiffer nga mukhang nakadami ata.. Nakahawak sa ulo ehh..
"Anong nangyare sayo!!??" tanong ko.. Ngayon ko lang siyang nakitang lasing.. As in parang wala na.. Kase alam ko lang malakas siyang uminom.. Pero di masyadong nalalaseng.. Maya pa pumasok si Kuya..
"Naubos niya kase ang tatlong malalaking bote ng whiskey sa baba!!" what?? Tatlong malalaking bote?? Tas whiskey? Lakas naman..
"Sige ako napong bahala sakanya.. Kuya!!" lumabas nadin si Kuya.. Humiga si Keiffer sa kama ko.. What the..
"Umalis ka diyan!! Kama ko yan ehh!!" hinila ko pa siya.. Ang bigat naman.. Puteks.. Bigla niya akong hinila kaya napapatong ako sakanya.. My god.. Ang lakas ng tibok ng puso ko.. Abnormal na ata ako.. Puteks.. Mokong talaga to.. Hinawakan niya ang bewang ko.. Shit.. Puteks naman oh.. Pero parang di siya laseng.. Ang gwapo pafin niya.. Tinititigan niya lang ako sa mata.. I hate this feeling.. Hinawakan niya ang pisngi ko.. Shit naman..
Para siyang nasusuka.. My god.. Kumalas agad ako.. At tumungo siya sa CR.. Gosh.. Sinundan ko naman siya sa CR.. Sumuka siya.. Sabi na ehh.. Bigla niyang hinubad ang hoddie niya.. OMG.. Ihh.. Inaakit naman niya ako ehh.. Di naman ako manyak na babae.. Siya lang.. My gosh naman.. Tigas ng 6 packs.. Puteks.. Kung ano ano na ang pumapasok sa utak ko..
Nilagpasan niya lang ako.. Kinuha ko ang hoddie niya.. My gosh ang bango.. Napakagat ako sa labi ko.. Ano batong nangyayare sakin?! Eya.. Gising.. Lumabas na ako sa CR at nadatnan ko siya na nakahiga sa kama..
Huhu.. Natutulog siya ng topless lang tapos ang lamig lamig pa.. Wala akong choice.. Ayoko namang tumabi sakanya.. Naglatag nalang ako.. Dito nalang ako sa sahig matutulog.. Ay ang hoddie pala niya.. Lumapit ako sa bag niya.. Inopen ko.. Nilagay ko ang hoddie niya.. Pero isang bagay ang nakakuha ng atensiyon ko.. Perfume bottle.. Wine scent?!
Kinuha ko.. Posible kayang.. Pero.. Inamoy ko ang perfume.. Eto nga.. Siya ba? Ehh.. Binalik ko nalang sa bag niya at natulog nadin.. Siya kaya?? Pero bakit.. Iba ang scent niya ngayon? Di na niya ginagamit ang perfume nayun.. Siya ba yun?? Kung sino man yung humalik sakin that night.. Gusto ko siya.. I want to know him.. Iba kase ang spark ng kiss na yun.. That was my first kiss.. Kainis si Kit pa ang second kiss ko.. Then si Kyle.. Ang third kiss ko.. And si Keiffer ang fourth kiss ko.. Kadiri.. Naka apat na pala na kiss ako.. Nandidiri ako sa sarili ko.. Bat ba ako nagpapahalik sa mga lalaki?! Never na ulit.. –_– ... Hinubad ko na ang lense ko.. At natulog na..
***********
Nagising na ako.. At sinuot ang mga lense ko.. Kisusot ko ang mga mata ko.. Tumingin ako sa wall clock.. 10 am na pala.. Magtatanghali na... Kaya niligpit ko na ang higaan ko.. Si Keiffer tulog pa..
.......
--------------------
-------------------
--------------
----------
------
---
--
-
Nagising ako ng maaga para makapasok din ng maaga.. May pasok na naman.. Hayst.. Parang dalawang buwan lang ang bakasyon namin.. Bitin naman..
...........
Nandito na ako sa school.. As usual.. Parang normal na estudyante na ako.. Walang mga bulungan sa paligid.. Walang mga chismis.. O ano mang issue tungkol sakin.. Parang naging famous nadin ako dahil malapit ako sa Wicked.. Curious lang ako... Bukod ba sa Wicked.. May iba pa bang gang na kinasasangkutan ang mga yun?! Ewan ko.. Bat ko ba sila iniisip..
Pumasok na ako sa class which is classmates ko na sila.. Badtrip naman.. Ano kayang feeling na classmate mo ang Wicked?? Malakas sila lalo na si Keiffer pano ko kaya sila matatalo? Sigurado akong active yun sa class.. At sa mga performance..
Nandito na ako sa loob ng class.. Actually malaki tong room nato at kasyang kasya kaming lahat dito.. 50 lang naman kaming lahat ehh.. Umupo na ako sa tabi ni Alissa.. Maaga siya palagi.. Katabi niya si Renz sa kanan ako naman sa kaliwa.. May bakante dito sa kaliwa ko.. Sino naman kaya ang walabg hiyang uupo dito.. Kase sa kanan ni Renz si Dex na diyan ehh..
"Morning!!" bati ko sa kanilang dalawa.. Si Renz nagbabasa ng libro si Alissa naman naka upo lang at walang ginagawa..
"Morning Eya!! Kamusta bakasyon?!" sabi ni Alissa.. Oo nga pala hanggang ngayon di ko tinatanggal tong regalo sakin ni Keiffer na hikaw.. Ewan ko lang kung siya sinusuot niya din.. Bat ba siya ang laging pumapasok sa isip ko??
"Masaya naman.. Ehh kayo?!" tanong ko sakanya..
"Pinakilala na ni Kuya si Ate Andrea at si baby Renayza sa kanila ni Mom at Dad!!" talaga?? Happy ako..
"Edi okay.. Siya nga pala.. Nasan ang mga kasama mo Renz??" tanong ko kay Renz napalingon naman sakin..
"Miss mo na si KK nuh?!" sino naman si KK??
"Sino si KK??"
"Edi si King Keiffer!!" wow ha.. King..
"Ewss siya.. Friends na nga kami nuh!!"
"Uy!! Baka more than friends lang!!" ano bang pinagsasabi neto..
"Tumahimik ka nga diyan?!" sigaw ko sakanya..
Maya pa.. Pumasok nadin silang Apat.. Gosh ang gwapo ni Kyle.. At ang hot ni Keiffer.. Bigat niya sa kaluluwa.. Biglang tumabi sakin si Keiffer.. Puteks naman ohh.. Tsaka sa kanan naman niya si Kit then si Kyle... Sana si Kyle nalang... Lahat ng mga girls nakatingin samin.. Yung iba masama ang tingin... Yung iba naman halatang nagpapantasya sa Wicked.. Feel naman ni Mokong...
"Morning panget!!" inaasar talaga ako neto.. Ang aga aga.. Pinapa init niya ang ulo ko.. Puteks..
"Morning Mokong!!" bulong ko sakanya.. Mahina naman siyang tumawa.. Baliw.. Mokong.. Adik.. Lahat na lang..
Maya pa dumating na ang teacher namin.. Yung position kase namin.. Isang mahabang upuan at lamesa.. 10 ang kasya.. So meron ditong anim na upuan.. Depende kung anong trip niyo.. Kami pito lang kami dito.. Wala ng may naglakas loob na tumabi pa.. So bale napagitnaan ako nilang lahat.. Ang auckward auh.. Naiilang ako sa tuwing katabi ko tong Mokong natoh..
Nag start na ang klase.. Talagang active talaga sila.. Nakikinig.. Nagre recite.. Kaya di dapat ako mahuli... Sinasabayan ko sila.. Halos kami lang ang paulit ulit na sumasagot ng question ng teacher namin.. Syempre di ako pahuhuli... Kaya ko namang makipagsabayan sa kanila.. Sila lang yan ako toh..
End of Chapter 47
BINABASA MO ANG
A Badboy's Heart
Teen FictionEya Azhon, simpleng babae ,palaging tinutukso dahil nerd, college student. Napasok sa buhay ng isang Gang dahil lang sa aksidenteng natapunan niya ng juice ang leader. Wicked Gang, binubuo ng 5 members, may kalaban din silang Gang sa campus. Keiffe...