"I challenge my girlfriend to break up with me"
KINABUKASANCARLO POV:
Nandto ako ngayon sa bahay nila at habang nandto ako mahirap para sa akin na tingnan sa mata si Jasmine.
Ang awkward lang dahil nandito na ako nakatira sa bahay nila.
Sa bahay na dapat sana kami ang mag-asawa, pero kabaliktaran ang nangyari.
Dahil sa halip na siya ang makasama ko, yung kapatid niya pa.Oo, pumayag ako.
Pumayag ako na dito tumira.Nagsinungaling ako kay mama.
Ang sabi ko, lilipat lang ako ng apartment para hindi ako mahirapan na pumasok sa campus kahit alam Kong may sasakyan naman akoHindi pa malaki ang t'yan niya dahil two weeks palang ang dinadala niya.
At nandto kami ngayon para kumain. Expect ko naman na makaksabay naming kumain si Jasmine Kaya nag aalala nanaman ako.
"Magiging asawa ko na si Carlo, sis Kaya sana, maging maayos ang pakitungo mo sa kanya.", saad ni Samantha para basagin ang katahimikan.
Nakayuko lang ako at pinipilit ko na iwasan ang titig niya.
"Wala ba kayong pakiramdam?", bigkas nito na puno ng hinanakit.- ni Jasmine
"Jasmine, ano bang--",
"Sis , naging boyfriend ko siya.",
"--Alam mo kung gaano ko siya kamahal.",
"--Tapos gusto mo, dito pa tumira ang lalaking 'yan?!", saad ulit niya na animo'y tinuturo ako."H'wag mong sabihin na hanggang ngayon, hindi mo pa rin matanggap na wala na kayo?", balik na turan ng kanyang kapatid
"Tatlong taon. Ganyan katagal ang relasyon naming dalawa. Do you think gano'n kadali ang makalimot?", pagalit nitong sabi.
"Wala akong pakialam sa pesteng sitwasyon mo, kapatid.",
"--Kapag sinabi kong dito na titira si Carlo, dito siya titira.",
"--Kung ayaw mo s'yang makasama at makita, edi umalis ka sa pamamahay na 'to.",
"--Mas maganda nga kapag wala ka, dahil tiyak magiging masarap ang pagsasama namin.", mahabang wika ni SamanthaNanatili akong tahimik habang kinakalikot ko ang aking kamay.
Nagiging mainit na kasi ang salitang lumalabas sa bibig nila.
"Hindi mo ako mapapaalis dito. May karapatan ako sa bahay na to at Hindi lang naman ang anak nila diba", matigas na sambit ni Jasmine.
"--Pero kung maglalampungan kayo, sana naman hindi ko marinig at makita.", saad niya muli at tsaka tumayo.
Sa puntong ito, ramdam ko na nakatingin pa rin si Jasmine sa akin.
Kaya dahan-dahan kong ini-angat ang aking ulo para tingnan siya.
At nasilayan ko do'n na puno siya ng galit at pagkasuklam.
"Buong akala ko, kilala na kita, Carlo. Pero hindi pa pala.",
"--Mas makati ka pa sa mga lalaking bayaran.",
"--Sarili kong kapatid, pinatulan mo.", sambit niya at sinipa ng malakas ang mesa bago tuluyang umalis.______________________________________
//Guys wag niyong kakalimutang mag vote ahh then comment kayo ahh follow me guys follow back ko kayo labuall
BINABASA MO ANG
"I CHALLENGE MY GIRLFRIEND TO BREAK UP WITH ME"
RomanceShort Insight : Hindi natin inaasahan na mangyari ang isang bagay na ikakagalit ng taong mahal natin. My time na ayaw mong mangyari pero wala ea nangyari na ang dapat mangyayari palang at don natin nasasabi na TAMA NGA SILA NASA HULI ANG PAGSISI Sa...