Napakabata ko pa ng mga panahong iyon pero naramdaman ko na agad iyon. Akala ko noon ay isang simpleng paghanga lamang iyon lalo na’t sya ay may mabait, mapag-alaga at may angking kagwapuhan na magugustuhan ng mga babaeng tulad ko, yung tipo nya yung pinapangarap ng lahat.Masaya ako lagi kapag nalalaman ko kay kuya na bibisita sya. Matalik silang magkaibigan ni kuya at ang mga magulang ko at ang mga magulang nya ay ganun din.
Sa tuwing dadalaw sya ay lagi nya akong binibigyan ng paborito kong mga pagkain at minsan pa ay may kasamang bulaklak. Limang taon ang agwat ng edad nya saakin pero kahit na ganun ay nangangarap ako na sya ang makasama ko habang buhay . Sa tuwing nanunuod sila ni kuya sa kwarto ng mga pelikula, titignan ko sya mula sa pinto at kung minsan pa ay aarte ako na kunwari ay may masakit saakin upang mapansin nya ako. Sya naman ay tatayo at lalapitan ako, tatanungin nya ako kung anung nangyari at kung anung masakit saakin. Kapag inaasar ako ni kuya sya ang nagtatanggol saakin. Kikiligin naman ako kapag humawak na sya ng gitara upang kumanta, at mas lalo pa akong kinikilig kapag sya ay kumakanta habang nakatingin saakin. Pakiramdam ko kasi para saakin yung kanta.
Naging malapit kami sa isa’t –isa habang dumadaan ang mga araw. Kahit wala si kuya ay pumupunta parin sya saamin, ang dahilan naman nya ay dahil ako naman daw ang ipinunta nya. Naliligo kami sa swimming pool kapag naisipan naming at maglalaro sa tubig. Naglalaro kami ng mga video games at nanunuod ng mga horror movies. At kapag nagutom kami, sya ay magluluto ng miryenda para makain namin. Ang hindi ko malilimutan ay nung tinuruan nya ako magbisikleta. Kaso dahil nga sa hindi ako marunong ay natumba ako at nagkasugat sa tuhod. Nakita ko sa mga mata nya noon nya alalang-alala sya. Sa sobrang sakit ng sugat ko ay hindi ko magawang tumayo pero ang ikinagulat ko ay nang buhatin nya ako. Kilig na kilig ako ng mga oras nayun dahil ang nasa isip ko ay para kaming bagong kasal na halos hindi ko na namalayang may sugat ako. Iniiupo nya ako sa isang bench at nagpaalam sya na may bibilhin lang. Nang makabalik sya ay nakita kong meron syang hawak na bulak at gamot na pampahid sa sugat. Lalong nahulog ang loob ko sa kanya dahil ginagawa sa nya para saakin.
Itinuring naming ang isa’t-isa bilang mag bestfriend. Sa tuwing may problema ako ay lagi ko syang tinatawagan at agad naman nyang sinasagot. Pinapasaya nya ako tuwing ako ay malungkot. Tinutulungan nya ako sa lahat ng bagay na gagawin ko. Basta sa madaling salita, laging syang naandyan sa tabi ko.
Laging kaming masaya at nakakalimutan ko lahat ng aking problema sa tuwing kami ay magkasama. Gusto ko din yung laging pagbibiro ng mga magulang ko at ng mga magulang nya na kami daw ang magkakatuluyan sa huli. Dahil dun lalong lumalim ang pagtingin ko sa kanya na halos gusto ko na syang makasama bawat segundo ng aking buhay .
Isang araw sinabi nyang susunduin nya ako sa aming paaralan. At nang matapos ang aming klase ay agad akong pumunta sa gate ng paaralan. Malayo palang ay bakas na sa labi ko ang saya dahil nakikita ko na agad sya habang nakasandal sa pader. Nakasuot pa sya ng shades na lalong nagpatingkad sa kagwapuhan nya.
“Jayren” sigaw ko sa kanya habang ako ay tumatakbo. Binigyan naman nya ako ng ngiti na nagpapalakas ng tibok ng aking puso. Umangkas ako sa bisikleta na dala nya at nagpunta kami sa park na madalas namin pagtambayan.
“Sophie” banggit nya sa pangalan ko. Tumingin naman ako sa kanya habang sya ay nakatingin sa ibang direksyon. Kinabahan ako bigla dahil pansin ko sa mukha nya na may gusto syang sabihin na hindi nya masabi. Hinawakan ko ang kamay nya at bigla naman syang napatingin saakin. Binigyan ko sya ng ngiti na ibig sabihin makikinig ako sa gusto nyang sabihin.
BINABASA MO ANG
My Only Dream is You
Teen FictionNaisipan ko lang po na i-post ang story na ito na ginawa ko. Actually po assignment ko po kasi ito sa subject ko sa Filipino hehehe . Pero sana po magustuhan nyo po.:) Keep Reading po Saranghe :)