Chapter2 #4

8 1 0
                                    

Sophie’s POV

Naka-office suit na ako pero hindi parin ako umaalis ng bahay. Hindi ko alam pero nagdadalawang isip na ako na pumasok sa kompanyang iyon. Paano kasi mataas ang chance na makita ko sya araw-araw.

FLASHBACK

 

“Oh My God! Minumulto ba tayo Sophie ng lalaking mahal mo o kamukha lang talaga nya?” hindi makapaniwalang tanung ni Vana saakin

Sinundan namin ng tingin yung kamukha ni Jayren. Sya yung lalaking pinag-kamalan ko din na si Jayren nung nasa bangin ako kung saan nangyari yung aksidente.

Nang nakapasok nan g elevator yung kamukha ni Jayren ay agad nagsi-alisan sa hanay yung mga empleyado. Agad naman akong hinila ni Vana at lumapit kami sa isang empleyado.

“Ms. curious lang ako sino yung kaninang dumaan?” tanung ni Vana

“Ah. Yun ba. Yung matanda kanina yun yung may-ari ng kompanyang ito at yung gwapong kasama  nya kanina ay yung anak nya”-sagot nung babae

END OF FLASHBACK

Narinig kong nag-ring phone, tumatawag si Vana kaya naman sinagot ko.

“Asan kana?”-tanung nya saakin

“Nasa bahay pa”

“What??? Bakit hindi ka pa umaalis ha! first day of work late ka?”-sigaw nya saakin sa kabilang linya

“Anu kasi parang nagdadalawang-isip na ako na pumasok sa kompanyang iyon”

“Nah Sophie it’s too late to back out. Common kung yung dahilan ay yung kamukha ni Jayren ay isantabi mo yun, be professional”

“Hindi lang naman dahil kamukha sya ni Jayren eh. Nahihiya din ako kapag nakita nya ako kasi dahil dun sa ginawa ko sa kanya nung una kaming magkita remember?”- naikwento ko kasi sa kanya na yung nakita namin sa kompanya at yung lalaking nagalit saakin dahil pinag-kamalan ko ding si Jayren ay iisa.

“Tss.madali lang solusyunan iyon nuh. Edi sabihin mo nadala ka lang ng emotions mo saka for sure naman sa laki ng kompanyang iyon ay kayang mong umiwas sa kanya”

Matagal ako bago sumagot kay Vana pero may point sya. “Okay sige. Papasok na ako”

“Good. Wag kana magdala ng kotse kasi baka sabihin eh bakit tayo may sasakyan eh samantalang mababa ang posisyon natin”-paalala nya pasaakin

“Tssk. yeah I know” –I hang up the phone at nagmadaling kumuha ng taxi. Buti nalang may alam si Manong na shortcut kaya hindi ako natengga sa traffic at ma-late.

Habang nasa byahe ako iniisip ko ang mga pwedeng mangyari at pwede kong gawin para maiwasan ang pag-kikita namin. Maling-mali ako dahil pinagkamalan ko syang si Jayren, I should not do that.

Tulad ng pinag-usapan namin ni Vana ay nag-hintayan kami sa labas ng building at saka sabay na pumasok. Dumiretso agad kami dun sa lalaking nag-interview saamin dahil sya ang mag-tuturo kung saam kami naka-assign.

“Ms. Verrone this will be your department. And all of you Ms. Verron is your new officemates” announce ni Sir. Ewan pero bakit ako hindi nya ako pinakilala? Bakit si Vana lang?

“Nice meeting you all”-greet naman sa kanila ni Vana

“Sir ako po?”

“You Ms. Zahner you will be the secretary of the Marketing Head of this office”-sagot nya saakin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Only Dream is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon