Sophie’s POV
“ Zahner Sophie I.”
Tumayo ako nang marinig kong binanggit na ang pangalan ko, tumayo ako nang nakataas ang noo syempre dahil proud ako sa sarili ko dahil sa makalipas ang apat na taon nakuha makukuha ko nadin ang diploma ko. Umakyat ako sa stage at tumigil sa gitna, nakita ko namang lumapit si kuya para kuhaan ako ng picture. Gusto ko man ngumiti pero hindi ko magawa dahil sa loob-loob ko ay nagtatago ang isang mapait na pangyayari hindi ko parin makalimutan.
Kung naandito kaya sya, proud din ba sya saakin katulad ng mga magulang ko? Sya kaya ang kumukuha ng picture saakin at hindi si kuya? Yayakapin nya kaya ako ng mahigpit bilang premyo ko dahil atlast naka- graduate na ako? Naalala mo kaya ako katulad ng pag-alala ko sayo? Sobrang miss mo din kaya ako?.
Tumulo na luha ko sa mg pisngi ko, hindi ko na napigilang pumatak ulit ito. Bumaba ako ng stage at nagpunta sa isang madilim na sulok kung saan walang makakapansin saakin. Minsan gusto ko nanag magalit kay Jayren dahil bakit nya ako pinapaiyak ng ganito pero hindi ko kayang magalit sa kanya.
Nang medyo kumalma na ako ay bumalik ulit ako sa upuan ko. Sa buong oras ng graduation ceremony ay walang ibang nasa isip ko kung hindi ang masasayang araw ko kasama sya dahil sa pag-alala sa panahon yon ang nagbibigay saakin ng lakas para harapin ang bawat araw na dumadating.
“anak congrats sayo” sabi ni Mommy habang yakap-yakap nya ako.
“Thank you Mom”
“Teka ako din pa- hug. Tssk umuwi ako from Europe para lang masaksihan ang graduation mo”. Napangiti naman ako ng mag-salita si kuya kaya naman niyakap ko din sya ng mahigpit.
“Ikaw ha nakitako na naman na umiyak ka. Alam ko na ang mga luha yung ay hindi tears of joy, alam kong sya na naman ang dahilan. Liitle Sis sana maka-move on kana para sa iyo din yun.” Bulong nya saakin habang mag-kayakap kami. Sana nga kuya ganun kadali yung sinasabi mong move- on
“I’ll try” mahinang ko sagot.
“Tssk anung I’ll try ka dyan. Pilitin mo kung hindi susugudin ko ang lalaking yun sa langit” sabay batok saakin ni kuya pero nag-poker face lang ako.
Sumakay na kami ng kotse at nagpunta sa isang restaurant para kumaen. Habang kumaen kami ay may inabot saakin isang maliit na kahon si Dad. Nung una nagtataka ako kung anu yun pero ang sabi nya ay graduation gift daw nya saakin yun.
Binuksan ko iyon at namangha ako kasi laman niyon ang isang susi. Alam kong susi ito ng isang kotse na matagl ko nang hinihingi sa akin at ang lagi naman nyang sinasabi ay sa takdang panahon nya ako bibigyan.
“Hija iingatan mo yan ha.”-paalala saakin ni Dad
“Yes Dad .wag kang mag-alala”
After namin kumaen sa restaurant ay dumiretso na kaming umuwi. Agad akong pumasok sa kwarto ko para magpahinga. Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama at ipinikit ang aking mga mata.
“Sophie”
Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pamilyar na boses nayun. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko syang nakangiti saakin. Tulad parin ng dati,matamis parin syang ngumiti, yung mga mata nya na kapag tinignan mo ay dadalhin ka sa ibang mundo.
“Jayren” banggit ko sa pangalan nya
“Sophie” sagot nya saakin at hinawakan nya ang dalawa kong pisngi. Hindi ko napigilang mapahagul-gol dahil sa matagal na panahon ay nakita ko ulit sya. Niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit na parang ayaw ko na sya pakawalan at umalis sa tabi ko.
“Tahan na sshhh. Andito na ako” sabi nya saakin “Congrats dahil sa wakas matutupad mo nadin ang mga pangarap mo. Im so proud of you”
Lalo akong napaiyak dahil sa mga sinabi nya pero ang yakap nya saakin ay sapat na para pakalmahin ako. Ilang minute din kaming nanatili sa posisyong ganun hanggang sa naramdaman ko syang kumalas sa pagkakayakap nya saakin.
Nagtataka ko syang tinignan pero binigyan nya lang din ako ng ngiti. “ Mahal na mahal kita Sophie lagi mo yang tatandaan ha, ikaw lang ang mamahalin ko dahil walang makakapantay sayo dito” sabay turo nya sa puso nya.
“Mahal na mahal din kita Jayren” umiiyak kong sagot
“ Alam ko yan pero kaylangan mo mag-patuloy sa buhay at ayokong maging malungkot ka. Wag kang mag alala dahil hihintayin ko yung panahon na magkita ulit tayo”
Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay nya para hindi sya maka-alis “ please Jayren wag kang umalis. Hindi ko kakayanin eh please dito ka lang sa tabi ko” pagmamaka-awa ko sa kanya hanggang sa tuluyan na syang nakalayo.
“Jayreeeeennnn…. “
Bumangon ako at umiyak ng umiyak.Umalis na naman sya katulad ng dati pero ngayun hindi nya na ako babalikan pa.
“Napakadaya mo Jayren. Ang daya-daya mo huhuhuhuhu T^T”
Tinitigan ko yung kwintas na ibinigay nya saakin, lagi kong suot ito dahil parang kasama ko nadin si Jyaren. Ito nalang din ang pinanghahawakan ko na bagay na magpapaalala na mahal na mahal nya ako.
BINABASA MO ANG
My Only Dream is You
Ficção AdolescenteNaisipan ko lang po na i-post ang story na ito na ginawa ko. Actually po assignment ko po kasi ito sa subject ko sa Filipino hehehe . Pero sana po magustuhan nyo po.:) Keep Reading po Saranghe :)