Sophie’s POV
Nagayon ang alis ni kuya pabalik ng Europe at ako ang maghahatid sa kanya sa airport, may meeting kasi sina Dad at Mom. Ayoko naman na mag-isa syang pumunta ng airport kasi baka magtampo sya eh alam ko namang kahit lalaki nyang tao ay may pagka-maarte sya.
“Oh aalis na ako iyakin” si kuya
“Ewan ko sayo kuya ang sarap mo talagang hambalusin”
“Hahaha. Joke lang! Peace tayo pero seryoso, ayoko nang malalaman na umiiyak ka dahil sa kanya. Pilitin mong mag- move on, alam ko nay un din ang hiling nya believe me Sophie”
Hindi ako sumagot kasi hindi ko kayang ipangako na gagawin ko o magagawa ko. Im not yet ready and at natatakot akong gawin iyon. Na-gets naman siguro ni kuya kung bakit hindi ako sumagot kaya ayun nagtampo siguro kasi naglakad na papaalis.
“Oy kuya wag ka magtampo ha. Dont worry I promise I will never cry” siguro iyon muna ang mai-papangako ko pero ang kalimutan sya ay hindi ko pa alam.
Ngumiti naman si Kuya kasi alam nya pag nag-promise ako gagawin ko. Nag flying kiss sya saakin at pumasok na dun sa pinapasukan ng mga passenger.
Bago ako umuwi ng bahay ay pupuntahan ko muna ulit si Jayren, gusto kong magkwento sa kanya eh. Nag-drive ako papunta ulit sa bangin kung saan nangyari yung aksidente mas gusto ko kasing mag-punta diyon kaysa dun sa libingan na ipingawa para sa kanya ng mga magulang nya. Siguro dahil alam kong wala naman talaga si Jayren sa ilalim ng lapida sa sementeryo at isa pa ramda ko na naandun sya sa lugar na iyon.
Lumbas ako ng kotse ko at sumalubong agad saakin ang simoy na hangin, pakiramdam ko niyayakap ako nito.
“Jayren kamusta ka na? masaya ka ba? ako kasi hindi eh. Nakakainis ka kasi iniwan mo ko. Hindi ka man lang nagpaalam ng maayos. Saka nga pala si kuya bumalik na sya ulit ng Europe sabi nya kapag hindi daw ako tumigil sa pag-iyak susugudin ka daw nya, lagot ka dun for sure.” Nababaliw na ata ako kasi kahit alam kong hindi nya ako naririnig paulit-ulit ko parin syang kinaki-usap “Hehehe naririnig mo ba ako? Please mag-salita ka naman kasi baka mabaliw na ako”
Tinitigan ko an gang ibaba ng bangin. Ewan ko kung bakit nakakaramdam ako ng saya kapag tinignan koi to kahit pa na madilim at dahon ng mga puno lang ang nakikita ko. “I love you Jayren please mag-pakita ka saakin kahit saglit lang”
“Sh*t. What a mess”
Napalingon ako bigla sa paligid ko nang marinig ko yun. Bigla akong kinalibutan, teka si Jayren ba yung nagmura?. Waaahhhh…. Galit ba sya?? T^T
Inilibot ko pa ang paningin ko hanggang sa makita ko ang isang lalaki na may bisikleta at nag-pupulot ng mga nahulog na pinamili nya ata yun?. Nung una nag-aalinlangan akong lapitan sya kasi naman hindi ko sya kilala, diba nga may kasabihan tayong don’t talk to strangers.>.< Pero ewan ko kasi kusang nag-lakad ang mga paa ko papunta sa kanya.
“Excuse me anung nangyari?” tanung ko dun sa lalaki
BINABASA MO ANG
My Only Dream is You
Teen FictionNaisipan ko lang po na i-post ang story na ito na ginawa ko. Actually po assignment ko po kasi ito sa subject ko sa Filipino hehehe . Pero sana po magustuhan nyo po.:) Keep Reading po Saranghe :)