Usap
Hindi ko pa rin maiwasan magala-ala kay Shane matapos ang nangyari kahapon. Hindi ko rin maiwasang makiramdam sa kanilang dalawa ni Kenneth.
" Puntahan kaya natin si sir Perez,pakiusapan natin na magbawas ng dalawang puntos sa grade ko at sayo nalang idadagdag."
Marahan kong sambit kay Shane habang inahaplos ang kanyang buhok.Nakita ko ang gulat sa mga mata niya.
"Salamat." Mahinahong sambit ni Shane habang hinahawakan ang aking kamay.Tinapik ko si Kenneth sa aking tabi.
"Hmmm?" Sambit niya sa akin habang nagsusulat."Mataas naman grade mo diba? Pwede bang samahan mo kami at bigyan mo na rin si Shane? Kahit isang puntos lang." Pakiki-usap ko kay Kenneth.
Hindi ako nito tinugon. Tumingin lang siya saglit kay Shane tsaka bumalik sa pagsusulat.
"Sige na Kenneth,isang puntos lang." Patuloy kong pakiusap dito.
" Sige na Kenneth,isang puntos lang. Kailangan ko lang talagang pumasa." Naiiyak na sambit ni Shane dahilan para mapatingin kaming dalawa sa kanya.
Hindi ko maiwasan sulyapan siya habang tinitignan niya si Shane. Nakitaan ko ng awa ang mga tingin niya. Bagay na hindi ko matanggap.
"Shane gusto rin sana kita tulungan kaso baka magulat si mama. Sinabi ko na kasi sa kanya kung anong grade ko." Sambit niya habang nakatingin sa aming dalawa ni Shane habang yakap-yakap ko ito.
Halos mapayakap ako kay Kenneth sa tuwa. Wala man kasiguraduhan na mabibigyan niya si Shane. He's still try to help and I can't ask for more.
Kinabukasan
"Kenneth,uyyy!" Tawag ko kay Kenneth habang nagbabasa ito.
Binaba niya ang binabasang libro at marahan na tumingin sa akin.
"Natanong mo na sa mama mo? Anong sabi?" Sambit ko sa kanya habang binababa ko ang aking bag.
Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Sa pagkakataong ito, alam ko na hindi ang sagot sa aking tanong.
"Ayaw ni mama,pinaghirapan ko raw kasi iyon pero kung sa akin lang ibibigay ko naman eh." Wika niya saakin habang nakatingin sa mga mata ko.
"Sige, salamat pa rin." Nakangiti kong sambit sa kanya habang nililihis ang aking tingin.
Sa oras na iyon,naramdaman ko ang marahas na pagtibok ng puso ko. Sa takot na baka marinig niya, tumakbo ako sa kanya paalis.
Napahinto ako sa locker room, napahawak sa dibdib habang di pa rin tumitigil ang marahas na pagtibok nito.
Pagbalik ko sa classroom at nilapitan agad ako ni Shane.
"Uyy,saan ka galing? " Wika niya sa akin."Doon lang, nagpahangin lang ako." Sambit ko rito habang hindi pa rin nakatingin sa gawi dahil nasa tabi nito si Kenneth.
"Kala ko absent ka. Buti nalang sinabi sa akin ni Kenneth na lumabas ka lang daw." Sambit niya sa akin habang hawak-hawak Ang aking kaliwang braso.
Hindi ko na ito tinugon pa. Buong araw ay hindi ako umiimik maliban nalang pagtinatanong ako ni Shane.
Sa pagkakataong ito, natatakot akong malaman niya ang nararamdaman ko.
"Uyy Elle, meron ba nangyari? Kung yung grades ko iniisip mo. Ok na sa akin kung ikaw lang magbigay. Wag mo ng isipin yun ah." Wika nito habang nakatingin kay Kenneth.
Habang abala sa pagsusulat ng mga lectures ay nagulat ako ng tapikin ako ni Kenneth.
"Paihip nga,nawalan ng tinta eh." Utos sa akin nito habang inaabot sa akin ang kanyang ballpen.
Kinuha ko ito mula sa kanyang kamay at hinipan ito. Pagkatapos at ibinalik ko ito muli sa kanya.
Sa ikalawang pagkakataon,tinapik muli ako nito. Wala sana akong balak ma lingunin ito pero naalala ko palang may quiz sa next subject.
Kailangan kong maging mabait rito para makakopya ako at makapasa ng hindi nag-aaral. Tinamad kasi akong magbasa kahapon.
"Hmmm?" Lingon ko rito habang nakangiti.
"Paihip ulit,pabalik na rin." Nang-aasar niyang wika sa akin.
"Ano ba yan Kenneth, hindi mo kayang gawin yan na mag-isa?" Naiinis na wika ni Shane rito pagkatapos at binato nito kay Kenneth ay kanyang ballpen.
"Psst! May quiz tayo mamaya. Baka di tayo pakopyahin niyan." Bulong ko rito.
"Hindi ka nag-aral?" Hindi makapaniwalang sambit nito sa akin.
Tumango na lang ako rito. Matapos ang klase namin sa speech ay biology na ang susunod. Meron kaming quiz rito.
"ABSENT SI SIR!Walang quiz ngayon. Free time." Sigaw ng class president namin dahilan upang magsigawan ang mga kaklase ko.
Nakahinga ako ng maluwag dahil rito. Tatapikin ko sana si Shane ng makita ko itong nag-oomegle.
"Anong ginagawa mo dyan?" Wika ko kay Shane dahilan upang lingunin niya ako.
"Nangtritrip ako, nagpanggap akong lalaki." Sambit niya sabay tawa.
Tinignan ko ito at totoo nga na nagpanggap siya.
You: M
Stanger: F 18
You: Ano ginagawa mo dito babe?
Stanger: Hinahanap kita babe.
You: Bakit dito? Bakit hindi sa puso mo?
Stanger: ....typing...Natatawa at napapailing na lamang ako habang tinitignan si Shane. Nagulat na lamang ako ng katabi ko na si Kenneth.
Hindi ko sana ito papansinin ng sambitin niya ang aking pangalan.
"Elle,pwede ba tayong mag-usap?" Marahan sambit nito sa akin.
"Mamaya na siguro." Wika ko sa kanya sabay lihis ng aking paningin palayo sa kanya.
Tumango lang siya sa akin at lakad papalayo sa aking tabi. Lumipas ang oras na mabilis. Hindi ko namalayang uwian na pala.
"Shane,una na ako. May pupuntahan kasi ako." Wika ko sa kanya kasabay ng pagtango niya sa akin.
Mabilis kong inayos ang aking gamit at tumakbo palabas ng aming classroom. Natatakot na makasalubong si Kenneth sa daanan.
Naramdaman kong nag-vibrate ang aking phone. Nag-chat pala sa akin si Shane.
Shane: Uyy, asan ka? Hinahanap ka ni Kenneth kanina sa akin.
Elle: Nakauwi na ako.
Shane: Sige sabihin ko nalang sa kanya.
Elle: Wag!
Shane: Nasend ko na sa kanya. Narinig ko yung kanina na mag-uusap kayo.
Napamura na lamang ako ng makita kong andun nga sa tapat ng bahay si Kenneth. Nang makita ako nito ay agad itong tumakbo papalapit sa akin.
"Hinanap kita,andito ka lang pala." Napapaos na sambit nito habang tinitignan ako.
"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Wika ko sa kanya habang nilalayo siya sa bahay namin.
"Diba mag-uusap tayo?" Marahan nitong tanong sa akin habang hindi pa rin pinapawi ang mga tingin nito sa akin.
Dear E,
Natatakot akong marinig niya ang tibok ng puso ko. Natatakot akong malaman niya ang nararamdaman ko.
Kaya hangga't maari,itatago ko.Atetanmente,
Elle Salvador
YOU ARE READING
Beyond his Darkest Night
Short StoryAn open letter for E Dito man sa kasalukuyan di tayo magkatuluyan. Tandaan mo na hihintayin kita hanggang sa dulo ng kalawakan. Started: April 9,2020