Suprise
"Elle,PWEDE BA MANLIGAW?" Sigaw nito sa akin dahilan upang mapatigil at mapalingon ako sa kanya.
Para akong natuod sa aking kinatatayuan. Ito ang unang pagkakataon na di ko alam ang gagawin ko.
Lahat ng gumulo sa aking isipan,sandaling nawala at napalitan ito ni Kenneth. Sa lakas ng tibok ng puso ko,hindi ko na alam Kung anong dapat maramdaman.
Naghalo-halo ang aking nararamdaman sa puntong di ko na alam kung bakit gulong -gulo ako dahil pinalitan niya lahat ng pangamba.
"Elle,alam kong naguguluhan ka pa dahil sa bilis ng pangyayari pero sana bigyan mo ko ng pagkakataon na kilalanin pa ako." Sambit niya habang dahan-dahang lumalapit patungo sa akin.
Tumayo lang ako sa aking kinatatayuan habang pinagmamasdan siyang parang sira sa kanyang inaasal. Imbes na seryosohin ang pangyayari at damahin ang sitwasyon ay para rin akong tangang nagpipigil ng tawa para hindi siya mapahiya.
"Paano kapag okay na ko sa dati? Hindi ko na kailangan ng pagkakataon na mas kilalanin ka pa?" Tugon ko sa kanya habang nagpipigil pa rin ng tawa.
Hindi ko na napigilan at napatawa na lamang ako ng hindi siya makasagot sa mga bato kong tanong sa kanya. Natigilan siya sa kanyang paglalakad at mariin na tumingin sa aking mga mata.
"Tuazon,do you really think that you can fool me?" Mariin kong wika sa kanya.
"Hoy Elle, tangina pang-mental ka na. Ano na naman yan? Ano bang sinasabi mo?" Sagot nito sa akin dahilan para matawa ako.
" Què làstima! Tsk. Sé que me estas engañando. " Sambit ko dahilan upang matigilan siya.
"Ha? " Wika niya habang litong lito nakatingin sa akin.
"Wala,hoy Shane! Tago ka pa jan. Tangina mo." Wika ko sa kanya habang lumabas naman siya sa pinagtaguan niya na tumatawa.
Lumapit ako kay Shane at sinabing
"Traydor ka! Alam mo naman pala na mangyayari toh. Hindi mo pa sinabi.""Na-surprise ka ba? Aahahah . Gaga ka iniwan mo lang dun si Kenneth. Hindi mo lang sinagot yung tanong niya."
"Sige nga,paano ko masasagot yun eh biglaan kaya!"
"Eh san ka ba nakakita ng confession na alam na nililigawan. Oh my gosh! Congrats! May nanliligaw . Shet! Haba ng hair." Wika niya sa akin habang tumatawa.
" Manahimik ka nga." Wika ko na lamang sa kanya. Estas equivocado . Me encantaria if I didn't know the truth.
Sa paglakad naming dalawa ni Shane. Sa pagsunod sa amin ni Kenneth palabas ng school.
Flashback
"Uyy,Chloe ano sasama ka ba sa training? Pinayagan ka na?" Wika ko sa kanya habang nag-lolocker.
Hindi ako nito tinugon. I have a feeling na hindi siya pinayagan.
"Elle,I think you need to know." Sambit niya sa akin habang nag-aalala ang mga mata nito.
"Ano ba yun?Ano dapat kong malaman" Wika ko sa kanya pabalik.
Hindi na ako nasagot ng biglang may tumawag sa kanya at dali-daling ito umalis.
"Hoyy Chloe! Ano ba yung dapat kong malaman?" Sigaw ko rito habang nagmamadali siyang umalis sa aking harapan.
End of flashback
"Rapunzel,paburger naman dyan!" Wika sa akin ni Shane habang papasok sa isang food park.
Katabi lang ng school yung food park dito tsaka naisipan na rin namin ni Shane na kumain muna dito.
"Wala na nga akong pera eh,papalibre ka pa." Tugon ko sa kanya habang papaupo sa upuan.
"Palibre ka nalang kay Kenneth." Wika nito sa akin habang nang-aasar. Bilang tugon,tinaas ko ang aking gitnang daliri.
Napili kong mag-shawarma nalang habang si Shane ay magkakanin. Habang pumipila ako sa counter para intayin ang aking order,nagulat ako ng maaninag ko si Kenneth na nasa table namin.
Pagkatapos ibigay sa akin ang order ko. Pumunta ako sa table namin.
" Bakit andito ka? " Wika ko kay Kenneth habang kumakain ng shawarma.
"Bakit bawal ba?" Tugon nito sa akin pabalik.
"Hindi naman." Tugon ko na lamang at Hindi na siya pinansin pa.
Habang hinihintay si Shane, nagulat na lamang ako ng Wala na sa aming upuan ang kanyang gamit. Bwiset talaga si Shane.
Elle:
Tangina mo! Iniwan mo ko dito.Shane:
Ayaw mo akong ilibre ng burger eh.Napamura mo na lamang ako sa aking isipan dahil sa kanyang dahilan.
"Kenneth,may pupuntahan pa kasi ako. Mauna na ko ah." Wika ko sa kanya sabay inom ng tubig .
"Nagmamadali ka ba talaga? " Tugon niya na nag-aalala.
"Oo kaya,mauuna na ako." Tugon ko sabay tayo .
" Sabay na tayo,hatid na kita." Napapaos niyang wika habang nakayuko.
Tahimik lang kaming dalawa habang tinatahak ang daan patungong sakayan.
Akala ko aalis na siya pagkahatid niya sa akin sa sakayan. Nagulat na lang ako ng sumakay rin siya sa Jeep na sasakyan ko. Hinatid niya ako hanggang sa bahay namin.
"Elle, Sana pag-isipan mo yung sinabi ko." Napapaos niyang sambit habang nakayuko ito. Tumango na lamang ako sa kanya bilang pagtugon.
Aalis na sana ako ng hilahin niya ang aking kamay ay may nilagay na panyo sa aking kamay.
Pagkatapos niyang ilagay sa aking kamay ay tsaka na ito umalis papalayo at kumaway sa akin .
Dear E,
Bakit pinagtatakpan ang kasalanan kahit nahuli na ito sa akto. Bakit pipiliin pa ring magsinungaling kahit sinabi ng alam ko ang katotohanan.Atetanmente,
Elle
YOU ARE READING
Beyond his Darkest Night
Short StoryAn open letter for E Dito man sa kasalukuyan di tayo magkatuluyan. Tandaan mo na hihintayin kita hanggang sa dulo ng kalawakan. Started: April 9,2020