4

47 3 12
                                    

Pwede ba?

"Diba mag-uusap tayo?" Marahang wika nito habang hindi pa rin pinapawi ang mga tingin sa akin nito.

Napabungtong-hininga na lamang ako sa kanyang tanong. Pinipilit na pigilan ang marahas na pagtibok ng aking puso.

"Pwede naman bukas nalang tayo mag-usap. Pumunta ka pa dito,nakakahiya naman." Nahihiya kong sambit sa kanya.

"May problema ba? Iniiwasan mo ba ako?" Nagtatanong niyang sambit habang nakatingin sa aking mga mata.

"Hindi ahh,imagination mo lang yun. Inihipan ko pa nga yung ballpen mo eh." Natatawa kong sambit sa kanya.

"Bakit parang wala ka sa sarili?" Nagtatakang sambit nito sa akin.

Tinawanan ko na lamang siya at pinitik ang kanyang noo gaya ng ginagawa niya kay Shane at hinawakan ang kanyang balikat.

"Umuwi ka na,baka magalit pa mama mo pag-late ka umuwi." Sambit ko sa kanya kasabay ng pagbitaw ng hawak ko sa kanyang balikat.

Nagulat ako ng hawakan niya ang aking kamay at naglagay ng isang sobre sa aking kamay.Nang malagay niya ang sobre ay marahan siyang naglakad papaalis sa aking harapan.

Habang tinatanaw siya papaalis sa akin. Napatingin na lamang ako sa sobreng ibinigay niya sa akin. Pagbaba ko ng bag sa bahay ay pumasok na agad ako sa kwarto. Binuksan ko ang sobreng ibinigay ni Kenneth sa akin.

Pagbukas ko ng sobre ay may papel na nakalagay rito. Binuksan at binasa ko ang sulat na nakalagay rito at halos ibato ko ito sa inis na aking nararamdaman.

Elle,

May nakita akong manok. Nangitlog siya ng itlog. Kinuha ko yung itlog niya . Pinirito ko yung itlog. Ano na ako? Mamamatay itlog?

P.S Sagutin mo ako bukas kung mamamatay itlog ba ako. Naaawa ako sa inahing manok dahil hindi ko na mababalik yung hiniram kong itlog.

Please sana matulungan mo ako.

Sincerely yours,
K.T

Pumunta siya dito at nag-antay para sabihin lang sa akin ito. Napatawa na lamang ako.

Kinabukasan

"Elle!!" Sigaw ni Kenneth sa aking pangalan.

"Ano ba? Ang ingay ng bunganga mo." Lingon ko sa kanya habang nakikipag-kwentuhan kay Chloe.

"Nabasa mo na ba? " Sambit niya sa akin habang marahang lumalapit sa amin ni Chloe. Tumango lang ako sa kanya bilang pagtugon.

"Anong gagawin ko? Baka tukain ako ng inahing manok." Nag-aalalang wika nito sa akin. Hindi ko ito pinansin at nilingon na lamang muli si Chloe.

"Hayaan mo yan, nababaliw na naman." Wika ko kay Chloe upang hindi na nito pansinin pa ang papansing si Kenneth.

"Chloe,basta pag-isipan mo Kung sasama ka mag-training ng ROTC."
Sambit ko rito sabay ng pagtayo ko at paglingon ko kay Kenneth na nakikinig pala sa usapan naming dalawa.

"Napakachismoso mo." Wika ko kay Kenneth. Tinignan lang ako nito at tinawanan.

"Sino ba nagsabi na nakikinig ako? Nakaupo lang ako dito. Chismoso na?" Natatawang wika nito sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin at bumalik na lamang sa aking upuan sa likuran.

"Shane,gisingin mo na lang ako ahh." Sambit ko sa kanya kasabay ng pagtango nito sa akin.

As I was sleeping, nagising ako sa mga tapik ni Shane sa akin. Uwian na pala.
Dali-daling kong inayos ang aking gamit para makauwi na.

"Shane,sasama ka ba talaga?" Sambit ko sa kanya habang inaantay itong matapos mag-ayos ng gamit.

"Oo,sasama ka rin ba sa training?" Tanong niya sa akin.

"Pinag-iisipan ko pa eh, si Chloe yata sasama din."  Sambit ko dito habang tinatahak na namin ang daan papuntang locker room.

"Elle!!" Tawag sa akin ni Kenneth habang tumatakbo patungo sa gawi naming dalawa ni Shane.

Pinitik nito muna si Shane bago ako nito lingunin muli.

"Shane,pahiram muna kaibigan mo ahh. May sasabihin lang ako." Wika nito sa aking kaibigan kasabay ng paghila sa akin nito. Tumango na lamang si Shane at kinawayan na lamang kami.

"Ano ba yan Kenneth? Grabe ka naman mang-hila,hindi naman Kita tatakbuhan." Naiinis kong wika sa kanya habang pilit na tinatanggal ang hawak nito sa aking braso. Ngunit imbes na bitawan ay lalo pa nitong hinigpitan ang kapit rito.

Binitawan lang nito ang aking braso ng makapunta kami sa gym. Hinarap sa kanyang mukha at tinitigan ang aking mata.

"Alam mo bang hindi ako pinatulog ng ginawa mo kahapon?" Napapaos nitong wika sa akin habang titig na titig sa aking mata.

"Alam mo bang nag-alaala ako sayo kahapon dahil parang wala ka sa sarili mo." Dagdag niya pa dahilan ng pag-iwas ko ng aking tingin.

"Masyado mong ginugulo yung isipan ko na sa puntong parang nababaliw na ako." Wika nito sa akin habang dahan -dahan nitong hinahawakan ang aking kamay.

"Anong gagawin ko? " Matapang kong wika sa kanya dahilan ng pagtingin niya sa akin at pagbitaw sa aking kamay.

"Wala,wala kang dapat gawin." Napapaos nitong wika sa akin.

Dahan-dahan kong iniwas ang aking tingin at naglakad papalayo sa kay Kenneth.

"ELLE,PWEDE BA MANLIGAW?" Sigaw nito sa akin dahilan upang matigil at mapalingon ako sa kanya.

Para akong natuod sa aking kinatatayuan. Hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. Sa unang pagkakataon, hindi ko alam ang gagawin ko.

Dear E,
   Para akong naubusan ng lakas sa tanong na isinambit niya. Ito ang unang pagkakataon na wala akong pakialam marinig man ni Kenneth o kaya ng ibang tao ang lakas ng tibok ng puso ko.
  Ano man ang gumugulo sa aking isipan nawala sapagkat natabunan ito ni Kenneth.

Atetanmente,
Elle








Beyond his Darkest NightWhere stories live. Discover now