FUWG6 - Espren

207 6 0
                                    

Lianne's P.O.V

Thank God It's Friday! Yeah. Friday ngayon kaya ang saya-saya ko. Syempre walang pasok bukas. Makapagpapahinga narin ang aking mga brain cells. hahaha. Hayy. September na. Ang bilis ng panahon. Wala parin naman pinagbago e. Araw-araw padin kaming inaasar ni Terrence. Kesyo, ang sweet daw namin. Tss. Ano kayang sweet dun? Parang nagkilitian lang naman. Oo. Kilitian. AHAHAHAHA. parang abno nga yun e. Pano ba naman kasi, recess time namin nun. Syempre lahat nasa canteen. E nakalimutan ko yung pera ko sa bag ko edi umakyat ulit ako tapos nakita ko siya paakyat din ng hagdan. Walang ibang tao. Tapos meron siyang sinasabi na parang bwisit na bwisit siya na parang nagmamaktol na 5 years old. Ginawa ko, lumapit ako sa likod niya paunti-unti, saka ko tinusok yung tagiliran! Eh ang tarsier, malakas pala ang kiliti HAHAHAHAHA. Ayun! Mutik-muntikan magtuwad! hahahahahaha! Napasigaw pa nga e! Buti hindi siya tumili. hahahaha! Kaso, akala ko okay na. Bigla ba naman akong kiniliti din! E malakas din kiliti ko edi tawa ako ng tawa. Tapos nagulat nalang kami, may nag-aayieee na sa baba ng hagdan. Mga classmates pala namin. Hay nako. 

Nandito lang ako sa kwarto ko. Kakauwi ko lang galing school. Hmmm. Makapagbukas nga ng facebook.

Nagulat ako kasi may 10 notifications. Sino kaya to?  Clinick ko at ang lumabas? O.O

Notifications

Terrence Ramirez likes your photo.

Terrence Ramirez likes your photo.

Terrence Ramirez likes your photo.

Terrence Ramirez likes your photo.

Terrence Ramirez commented on your photo.

Terrence Ramirez commented on your photo. 

Terrence Ramirez commented on your photo.

Terrence Ramirez commented on a photo of you.

Terrence Ramirez tagged you in a post.

Terrence Ramirez likes your photo.


Ano nanaman bang trip ng lalaking to?!

Clinick ko yung photos kung saan nagcomment siya.

Terrence Ramirez: Ang cute cute mo naman Lianne! Hahaha. Mukhang hamster lang! Hahahaha.

Terrence Ramirez: Hahahaha. ang ganda mo pala nung bata ka. Sana hindi kana lumaki. :))

Terrence Ramirez: Sino yang kasama mo sa picture? Boyfriend mo ba yan Lianne? Bakit hindi mo sakin sinasabi?

Terrence Ramirez: Uy Lianne! Sino yan!

O.O Jusko naman talaga! ang lakas ng topak nito! Hindi ko naman yun boyfriend ! Kuya ko yun e. 2 years tanda niya sakin. Kaso hindi siya dito nag-aaral. Sa Manila siya pinag-aral nila Mama kasama yung Tita ko.

Tinignan ko naman kung ano yung tinagged niya sakin.

Terrence Ramirez

1 hour

Lianne! Nutella kaba? 

Nutella-la kasi ako nung nakita kita. <3

WHAAATTTTTTTTTTTTT? Hindi ba siya nahihiya sa mga ginagawa niya? May paheart heart pa siya! Ang lakas talaga niyang mang-asar! 

Maya maya biglang may nagchat sakin. 

FOREVER? Ulul. Walang Ganon.Место, где живут истории. Откройте их для себя