FUWG3 - Kilig?

325 11 0
                                    

Lianne's P.O.V

Pagkatapos ng pagpisil ni Terrence sa pisngi ko, talagang naghiyawan na lahat sa room namin maliban kay Mark na nakangiti lang habang nakatingin samin. Ano kayang iniisip nito? Hay nako. Baka mamaya iniisip niya nang may gusto ako sa Tarsier nato. Aba! Isang malaking kalokohan pag nagkataon! Feeling ko delubyo to maging boyfriend e. Yung tipong masisira buhay mo hahaha joke lang. Ansama ko naman kay Mr. Terrence Tarsier Ramirez . hahaha. 

Nasa kalagitnaan sila ng hiyawan nang biglang may kumatok sa pinto namin.Kaya tumahimik lahat at binuksan ni Ms.Ortega yung bintana este pinto syempre. ^_^

Pagbukas nya biglang sumulpot si Ranz . Yung officer na 4th year. 

"Ahmm. Ms. Ortega? Pinapatawag po kasi lahat ng teachers ng Highschool at ako po yung nakaassign na magbantay sa section nato hangga't hindi pa po tapos ang meeting."

"Ah sige. I'll be going now. Ikaw nang bahala sa kanila." Kinuha ni Ms. Ortega yung bag niya at lumabas na ng pinto habang si Ranz pumasok na sa room namin at tumayo sa harap.

"Everyone please sit down."  ang cold cold ng pagkakasabi niya niyan kaya umupo na kaming dalawa ni Terrence at nanahimik lahat. Ni isa walang nagsasalita. Hanggang sa binasag ni Terrence ang katahimikan.

"May I know why you need to be here?" sabi niya.

"Di mo ba narinig sinabi ko kay Ms.Ortega?" sagot ni Ranz sa kanya.

"Narinig ko syempre. Ibig ko sabihin, bakit kailangan mo pang bantayan kami?" 

"Para hindi kayo magkagulo. Yun ang trabaho ko dito bilang officer. Kailangan mapatahimik ko kayong lahat."

"Kaya ba lagi kang seryoso? Hindi ka palaging namamansin?" tanong ko sa kanya.

"Oo Lianne. Ni ngumiti nga, minsan pinagbabawal na samin ng commandant." 

"Ah. Now I know. Oh! Narinig mo yun Mark ha! Hindi ako feeling close." sigaw ko kay Mark.

"De hindi." tipid niyang sagot sakin. Daming problema neto sa buhay. Siguro iniisip niya kung paano siya puputi o kaya kung paano paliliitin mata ni Terrence. Hahahaha.

"Huy! Why are you smiling?" tanong ni Ranz sakin. Ayy. Nangingiti na pala ako. Hahahaha. 

"Because she's thinking about me." O.o ? Kahit kelan epal tong Tarsier nato. Oo. Siya nagsabi niyan.

"Ikaw ba tinatanong ko?" sabi ni Ranz sa kanya. Hahahaha. Buti nga. :P 

Nagmake face ako kay Terrence para mainis pa siya lalo. Pero ngumiti pa sakin ang loko.

"Hindi ko naman sinabing ako ang tinatanong mo. I'm just saying my opinion. Simple as that. Bakit ba ang sungit mo?" Aba! Matapang . Nakakalimutan niya yatang matanda sa kanya ang kausap niya. 

FOREVER? Ulul. Walang Ganon.Où les histoires vivent. Découvrez maintenant