FUWG12 - Fieldtrip Part III

242 7 1
                                    

Terrence's P.O.V

Nandito pa din kami sa Mt. Samat. Grabe napakaganda. Mula dito sa taas tanaw mo lahat ng magandang pwede mong pagmasdan. Hindi ko alam kung ilog, pulo o kung ano ang tawag dito pero napakagandang tignan. Napalilibutan siya ng berdeng mga malalagong halaman. Parang paraiso. Grabe manghang mangha si Lianne e. Hahahaha. Imbis na sa Mt. Samat matuwa sa nakikita dito sa tuktok nasisiyahan e.

"Ang ganda no?" Sabi niya. Hayy.

"Mas maganda kapa diyan e." Bulong ko.

"Ano kamo? Sino ba ang kausap mo? Ako o yung hangin? Ang hina hina mo magsalita" hahahaha. Buti di narinig. Maispoil pa yung confession ko mamayang gabi.

"Sabe ko oo maganda."

"Ahhhhh. Lalakasan mo kasi."

"Oo na po."

Ang lakas ng hangin dito. Ang lamig lamig.

"Ang ginaw naman! Baba na kaya tayo? Nagpipicture picture pa naman sila e. Dun tayo magpicture sa mga damo sa baba."

Aya niya sakin. Hahahaha. Sa damo daw magpicture e. Parang picnic lang? Hahaha

"Kung san mo gusto. Hahaha. Sige tara." Sabi ko naman.

Ngumiti naman siya at hinawakan ang kamay ko para hilahin patungo dun sa mama na namamahala dito.

"Kuyang pogi! Pwede nyo po ba kami pababain na? Magpipicture lang po kami sa baba." Sabi ni Lianne.

"Aba! dahil tinawag mo akong pogi, pagbibigyan kita Iha. Sino ba itong kasama mo? Boyfriend mo? May chemistry kayo ha!"

"Hala. Hindi po. Kaibigan ko po siya, si Terrence." Sabi niya at ngumiti.

You don't have any idea who's being inlove with you Lianne.. everytime you smile ... 

"Ay ganun ba. Nako pasensya na kayo sa mga pinagsasasabi ko ha. Pero sana balang araw kayo ang magkatuluyan. Mayroon kayong ano e. Ano nga bang tawag dun! Spark? Tama! Spark! Kanina nung nag-uusap kayo ang ganda ganda nyong tignan na mga bata kayo. Parang may magic!"

"Hahahaha! kayo naman po . Nagbibiro pa. Salamat ho ah! Sige po at bababa na kami." Sabi ko.  Ang daldal ni kuya e. Nagseselos na tuloy ako. Hahaha. Joke lang.

"Osya sige.  Mag-ingat kayo ha."

At pinasakay na nya kami sa elevator. Hoy kayo ha! Baka di kayo naniniwala ! May elevator talaga dito paakyat sa krus.

Pagkababa namin hinila agad ako ni Lianne .

"Hala! Maglalakad nanaman nga pala tayo ng pagkahaba haba! Baka mamaya magkasugat ka nanaman!"

"Hindi yan. Mag-iingat ka kasi ahahahaha"

"Oo na. Pasensya na. Di ko naman alam na may bato pala  e. "

"Hahaha. Ano kaba. Joke lang. Lika na nga."  sabay abot ko nung kamay ko pero tinignan nya lang yun.

"Ano yan?"

"Ah Eh? Kamay? Ngayon kalang nakakita nito? Kamay oh! Kamay! Kamay!" At iwinagayway ko pa sa muka nya ung kamay ko hahaha. Bwisit nanaman to.

* Boink!*

"Aray naman!" Sigaw ko. Binatukan ako e.

"Alam kong kamay yan Terrence. Ang sinasabi ko, anong gagawin ko diyan? Baket nilalahad mo sa harap ko?"

FOREVER? Ulul. Walang Ganon.Where stories live. Discover now