FUWG15 - Courtships - part1

213 5 0
                                    

Lianne's P.O.V

OCTOBER 31,2012
- 1st Day of Courtship

Alam niyo naman siguro kung ano mga nangyari diba? Ahaha. Syempre yung confession at panliligaw. Mehehe. Pagkagaling namin nun sa park, umuwi din kami samin. Then what happened? Ayun! Pormal siyang humingi ng permiso kila mama at papa para ligawan ako na siya namang ikinatuwa ng sobra ng nanay ko. Alam niyo na! Boto! Ahahaha. Swerte ko naman!

NOVEMBER 01,2012

Ahmm. Araw ng mga patay. Namatay din ang puso ko. :/ hindi na daw nya itutuloy yung panliligaw.

Choss joke lang. Ayun! Nung umaga dun kami ng family ko sa puntod ng lola ko nagpunta kasama si Terrence then nung gabi na, dun naman kami ni Terrence sa puntod ng lolo at lola nya with his family. Nakilala ko na rin sila sa wakas! . Ang bait ni Mommy Leechie. Hahahaha! Yung daddy naman niya, medyo serious type pero may time na nakikipagtawanan din naman.

NOVEMBER 02,2012

Wala pa kaming pasok niyan. Kaya nasa bahay lang ako. Si Terrence man ay nasa kanila lang. The good thing was, magkatawagan naman kami. Aba! Kalantod ko na. Ahaha. Pinapayagan naman ako nila Mama e. Isa pa, wala naman kami ginagawang masama kaya no worries. Habang katawagan ko si Terrence bigla nalang may dumating na nakamotor. May dalang 3 rosas na pula.Sabi nung lalaki, pinabibigay daw ni Terrence. Syempre hindi ko agad inabot. Nagulat ako e. Eto namang kausap ko sa cellphone, naririnig pala kami. Ayun! Tawa ng tawa. Tinanggap ko nalang then I knew na Tito pala siya ni Terrence.

NOVEMBER 03,2012
- 4th day of courtship and my Birthday.

Syempre buo kami ng family ko. Umuwi yung Kuya ko from Manila. Naghanda kami ng konti. May walang kamatayang spaghetti. Then caldereta, menudo, at kung ano ano pa. Bwisit na bwisit pa nga ako nung una, biruin nyo, Birthday ko! Tapos si Terrence hindi makakarating? May pupuntahan daw kasi siyang importante. Sarap sapakin. Tapos maya maya biglang may dumating na Mascot na malake mata! May hawak pang banner na nakalagay "HAPPY BIRTHDAY ESPREN!" tas sa likod nung banner may pahabol pa! "ESTE, SOON TO BE TERRENCE'S GIRLFRIEND" Napaiyak ako hindi lang sa tuwa pati narin sa inis. Mga lalaki naman kasi. Magsusurprise nalang kaylangan pasamain pa loob ng mga babae. Kasora diba. Anyway hindi ko inexpect na siya yung nasa loob ng Mascot. Jusko kainit kaya nun tapos si Terrence magsusuot? Kaarte nun e. Pero mali ako. That Mascot with big eyes walked near me. Saka nag-alis ng costume. Yeah. It's him. It's freakin' him. Ang bilis ng heartbeat ko nun. Parang pakiramdam ko ang matured matured na namin. Sino ba mag-aakalang 1st year palang kami sa mga pinaggagagawa namin diba? Anyway, walang problema sa edad. It's all about maturity. Yung iba nga ang tatanda na, wala parin sa ayos yung mga ginagawa.

NOVEMBER 04,2012

- 5th day of courtship

Hmm? It was Sunday kaya nagsimba kami with our family. Sumama sa amin si Terrence dahil may importanteng lakad naman sa Manila yung parents niya. After namin sa simbahan, pinagpaalam ako ni Terrence, libre daw nya ko.. Hahaha. Pumayag naman sila Mama, kaya umuwi na din sila. Terrence and I went to SM then we ate at Chowking since hindi masyadong maraming tao ang kumakain. He even told me that he's really serious with me. Sinabi ko naman na dapat lang dahil kung mauuwi lang din sa wala yung magiging relasyon namin, napakalaking sayang dahil gustung-gusto siya ng pamilya ko. Ganun rin naman siguro ako. I was even so astonished when he left me in our house with a kiss on the forehead! As in naiwan talaga ko sa labas ng bahay namin nang nakanganga! As in Nga-Nga! Literal! whoo! Jusko! Pulang pula siguro ko nun. Then when I came back to reality, I just found myself, jumping outside our house with matching tili pa! Tiling ipit! Syempre baka marinig pa ko ng kapitbahay mapagkamalan pa kong Sisa mahirap na ahaha.

NOVEMBER 05,2012

-6th day of courtship

Hmm? Ano nga ba nangyari nun? Ah! Pasukan namin. Well. Medyo hindi pa ko nakaget over sa kiss sa forehead na natanggap ko niyan pero syempre, dahil magaling ako magpretend, pumasok ako na parang walang nangyari. Swabe lang hahahaha. Ayoko ngang pahalatang kilig na kilig ako, mamaya yumabang pa lalo yan. Eh kayabang yabang na nga ee. hmm. Normal day lang naman e. Sweet lang siya na nakakainis. Banat kasi nang banat, kacorny corny naman.

FOREVER? Ulul. Walang Ganon.Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ