June 21, 2018

41 4 0
                                    

Dear Diary,

Wala naman kasi akong ibang choice kaya pikit-mata ko na lang sinunod ang guts ko. Ang nakakaloka lang, isang sabi ko lang, walang dalawang salitang umagree si Eutychus. Ni hindi humingi ng kahit anong kondisyon. Grabe, sobrang attracted ba talaga ito sa akin? Patay na patay lang ang peg?

Pagkatapos ko siyang tanungin, nagpunta na kami sa ninong niyang judge at yun, kinasal kami. Grabe, nung umaga lang, single pa ako at nag-aadios na nga sa mana ko. Pero wala pang seven hours later, may asawa na ako. At yes, may mamanahin na ulit.

Naloka ang mommy ko nung malaman niya pero tinanggap naman niya ang balita. Wala naman kasi siyang magagawa. Pinalipat na nga niya agad ako sa bahay ni Eutychus (na posh ah, if I may add). O siguro naiintindihan niya lang na hopeless case na talaga tong sitwasyon ko.

I mean, hindi na kami mayaman. Wala na si Daddy, at naibenta na yung most of his shares sa company namin. Kapiraso na lang yung napunta kay Mommy. Ako naman, wala akong trabaho. Paano ko naman nga kasi itutuloy yung pagiging photographer ko kung ganitong bulag na nga ako? Aanhin ko ang eye ko for photography kung wala na ngang paningin yung eye na yun?

Anyway, I'm sort of happy na bawas na ang problema ko. May matatanggap akong mana mula kay Don Pepito. Yun muna iisipin ko. Wag muna yung may kasama akong lalaki sa kuwarto—at di ko siya masyadong feel.

It was all blind luck. And jokes aside, I really should thank Eutychus. Kung hindi lang ako ang apple of the eye niya, malamang hindi siya papayag sa ganito. Biruin mo, sa sofa siya natutulog imbis na sa king-size bed katabi ang legal wife niya!

But I'm still keeping an eye on him. Malay ko ba, baka may ulterior motive talaga siya. Kung sakali, hihiwalayan ko na lang siya after six months. Iyon lang naman ang condition na nakalagay sa will ni Lolo: maikasal ako bago mag-26, at mag-stay akong married for six months. Yakang-yaka.

Still not believing that love can be blind,

Mrs. Eutychus in a blink of an eye. 

BlindsidedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon