Sept 15, 2018

39 3 0
                                    

Dear Diary,

Naawa ako kay Eutychus kasi parang pagod na pagod siya nung umuwi siya kagabi (or kaninang madaling araw to be precise) galing sa trabaho. I suggested na sa bed na siya matulog, ako naman sa sofa para mas makapahinga siya. Ayaw niyang pumayag, so bandang huli, sinabi ko na lang tabi na lang kami sa bed. Tutal, ang lapad-lapad naman ng kama niya.

Di ko nakita, pero dinig ko yung tuwa sa boses niya pagkatapos. Napa-smile din tuloy ako. Ang babaw niya kasi, para iyon lang, akala mo nanalo na sa lotto.

Tapos nung nakahiga na kami, naramdaman kong his eyes were glued to my face. Sumimangot ako tapos sabi ko, "Wag kang titig nang titig, matulog ka na dyan!"

He laughed. Sobrang lakas nung tawa niya, saka buhay na buhay. Ang sarap ng tunog nun sa tenga.

Tapos humirit pa siya, "Baka pwedeng makiyakap na din? Medyo giniginaw ako eh."

I heard the humor in his voice. Alam ko nagjo-joke lang siya.

Sabi ko, "Eh di hinaan mo yung aircon."

He laughed again. "Wag na, payakap na lang."

Ewan ko sa sarili ko, pumayag ako. Shucks, di ko alam kung kelan nagsimula na naging marupok ako kay Eutychus. Di ba nga, di ko naman siya gusto? Eh why did I feel so content while being held by him? Ang warm kasi? O dahil ang bango niya? O dahil—grabe, ang tigas ng muscles sa mga braso niya ah! Parang ang lakas-lakas.

Kunwari wala lang sa akin yung nangyari, patay-malisya kahit ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Tulug-tulugan lang ang drama ko.

Tas nung papatulog na sana ako, may binulong siya pero sobrang hina, hindi ko na-gets. Then, naramdaman kong kiniss niya yung buhok ko. Nagsirko yata yung puso ko, susko.

Di ko na alam kung anong oras ako nakatulog, basta alam ko madaling-araw na nun. Tapos, nagising ako nung kiniss niya ako sa noo.

"Good morning, love," mahinang bulong niya para siguro di ako magising. Eh di tulug-tulogan ulit ako. Tas nung naramdaman kong nakalabas ng kuwarto saka ako ngumiti. Ang lakas ulit ng tibok ng puso ko at gaang-gaang ng pakiramdam ko.

Wah, dear diary, di ko na alam kung ano nangyayari. I swear di naman ako ganito sa mga naging boyfriend ko noon. I admit parang nagugustuhan ko na nga si Eutychus. Nabura na rin lahat ng pangit ng impression na iniwan niya sa akin, pero ang OA naman yata kung sasabihin kong mahal ko na siya? I mean, like...? Hello?

Pero sige na nga, okay na sa aking magkatabi na kaming matutulog mula ngayon. Ilang buwan naman na kaming kasal at super gentleman naman siya mula noon. Saka bahay nya to, ako lang tong nakikitira. Siya pa nagtatrabaho.

Still, slightly confused,

Cassie

BlindsidedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon