Nov 17, 2018

41 4 0
                                    

Dear Diary,

May napapansin ako. Kasi halos every weekend kaming lumalabas ni Eutychus—kain sa iba't ibang restaurants, pasyal dito, nag-zipline pa kami nung nakaraan. Para kaming nagliligawan at nagde-date. So tinanong ko siya kung bakit aya siya nang aya kung saan-saan. Sabi niya, palagi ko daw kasi siyang binabasted noon kaya hindi kami nakapag-date nang maayos, kaya ngayon na lang niya ako liligawan kahit mag-asawa na kami.

'Kaasar!!! Leche siya, bakit marunong na siyang magpakilig? Saan niya natutunan yun?

At bakit ako natameme? I used to do flirting with my eyes shut, asan ang skills ko dun ngayon?

Sige na nga, aamin nang kinikilig,

Cassie

BlindsidedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon