Dec 4, 2018

43 4 0
                                    

Dear Diary,

Andito na si Eutychus! Dumating siya kagabi. Wah, ang dami nyang pasalubong!

Kahit nung nakahiga na kami para matulog, ang dami pa niyang kuwento. Natatawa nga ako kasi dinig ko na yung mga hikab niya. Parang ewan, bat di pa matulog eh inaantok naman na?

Nung inawat ko siya at sabi ko magpahinga siya. Sabi niya, "Okay." Tas niyakap ako saka bumulong ng "I missed you." Ayun, nalusaw ulit lahat ng resolutions at hesitations ko, I replied na na-miss ko din siya.

He laughed; yung malakas na parang siya na ang pinakamasayang tao sa mundo.

Sigh. Ano ba'ng gagawin ko sa kanya?

BlindsidedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon