Dear Diary,
Kumusta ka? I am feeling G-R-E-A-T. Kakauwi lang namin from a three-day trip in Balesin.
Nagulat ako nung umaga ng 17th, hindi pumasok si Eutychus. Nun lang iyon nangyari sa buong panahon na naging mag-asawa kami. Akala ko may sakit siya or what, yun pala, magbabakasyon kami. At sa Balesin pa. First time kong nakarating dun. Sayang lang di ko makita ang sand at ang dagat. Pero ramdam ko naman ang init ng araw, ang simoy ng hangin, ang lamig ng tubig... dinig ang agos. It was enough for me.
Birthday pala ni Eutychus nung 17th. Tapos 2nd monthsary ng kasal namin kahapon (na nalimutan ko, buti na lang pinaalala niya.)
Kasama namin pati family niya na lumuwas pa from different parts of the world. Yung parents niya, galing Bukidnon. Tapos yung Ate Cynthia niya, galing Australia. Tapos, si Eric, yung bunso nila galing France. Kasama din namin siyempre si Nanay Gilda saka yung apo niyang si Jaja.
We had a lot of fun. Ang babait ng family ni Eutychus, they're also the most humble people that I've ever met. Nag-iisip nga ako kung saan nagmana ng yabang ang asawa ko, hehe. Joke! I'm starting to realize may dating lang talaga siyang ganun sa una kasi hindi siya masalita masyado tapos di rin palangiti—at least DATI! Ngayon, bungisngis na siya at makuwento na. His own family noticed it, too, at tinutukso pa nga na dahil daw yun sa akin. Sus, di ko aamining kinilig ako.
Anyway, I really had a great time. Parang ayaw ko na ngang umuwi, kundi ko lang naisip na may trabaho pa ang asawa ko.
starry-eyed,
Cassie
BINABASA MO ANG
Blindsided
ChickLitA blind young woman would've never guessed that she would be married in seven hours. And to someone she swore she would never like. A/N: Ayaw pang gumalaw ng WIP ko so eto muna. I enjoyed writing this kahit maiksi lang. This features the digital d...