Kabanata 1

59 7 0
                                    


Tumatakbo ako sa masukal na gubat kung saan ako dapat putulan ng ulo ng mga rebelde. Sumasakit man ang mga paa dahil sa mga kahoy na nakausli na siyang natatapakan ko dahil wala akong suot na sapin sa paa ay hindi ko ito ininda. Dahil kailangan kong makalayo para makaligtas. Dinig ko ang mga sigaw nila at ang mga sulo na nagliliyab.

Takot ang aking nararamdam pero nilalakasan ko ang aking kalooban para makatakas. Isang matulis na kahoy ang aking natapakan dahilan kung bakit ako napahinto. Hindi ako makasigaw dahil kapag ginawa ko iyon tiyak na matatagpuan nila ako.

Hindi ko maiwasan ang lumuha sa kadahilanan na ito na ang katapusan ko. Napatitig na alang ako sa mga sulong paliwanag ng paliwanag na sinyales na malapit na ang mga ito sa akin. Napayuko na lang ako habang lumuluha at tinggap ang aking kamatayan, ng biglang may humawak sa aking braso.

Nanlaki ang aking mga mata, inangat ko ang aking ulo at unti-unting lumingon sa kamay na humawak sa akin, at hindi ko mapigilan ang mapangiti ng masilayan ko ang kanyang mukhang nag aalala.

"Hey Mabs wake up." May naririnig akong boses pero hindi ko gaanong maintindihan kaya hindi ko ito pinansin. Mga ilang segundo pa lang ang nakalilipas ng bigla akong makaramdam ng sakit sa bandang tagiliran ko kaya hindi ko napigilan ang sumigaw.

"ARAY KO NAMAN MAMA!" Sigaw ko pero nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Nais ko pa sana na bumalik sa aking pag kakatulog ng may marinig akong mga boses na tumatawa at isang boses na tumikhim ng malakas.

Napamulat ang aking mga mata ng marealize ko na wala ako sa bahay, ngunit nanatiling nakayuko ang aking ulo mula sa aking upuan. Narinig kong muli ang pagtikhim nito kaya dahan dahan kong inangat ang aking ulo mula sa pag kakayuko.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Ma'am Torres na diretsong nakatingin sa akin. Nabaling ang tingin ko sa mga estudyante na nasa likuran niya, muling nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya napalingon siya sa akin kaya napaiwas agad ako ng tingin.

" Ms. Rivera, can you please stop sleeping at my class?" Taas kilay nitong tanong sa akin, pero parang hindi ito patanong feeling ko gusto niya talagang sabihin sa akin na
"Ms. Rivera, pwedeng wag mo ng tulugan ang klase ko dahil ibabagsak talaga kita."
Napangiwi na lang ako sa sarili kong imahinasyon. Natigil lang ako sa pag iimagine ng umubo ito ng peke. Unti-unti akong tumango at ngumiti, syempre fake din 'no.

"Ok, you may start boys." Wika nito sa mga kalalakihang estudyante na nasa likuran niya. Tumango ang isa at ito na rin ang unang nag salita.

"So Hi schoolmates!" Nakangiti nitong bati sa amin na naging dahilan para mag tilian ang mga kababaihan sa aming silid.

Napairap na lang ako at napatingin sa aking katabi na si Nelly the great. Napalingon din siya sa akin at sabay peace sign, naguguluhan man kung bakit siya nag peace sign ay ginaya ko siya at nag finger heart.

Halata sa kaniya na pinipigilan niya ang wag matawa at dahil sa di malamang dahilan napatawa ako ng malakas na naging dahilan kung bakit na tahimik ang lahat at ngayon ay nakatingin na sa akin.

"Uhmm...Hi?" Unang salitang lumabas sa aking bibig, napaka walang kwenta naman wika ko sa aking isipan.

"Ms. Rivera! Get out!" Napapikit na lang ako sa lakas ng boses ni Ma'am Torres. Narinig ko din ang mga kaklase ko na nag bubulungan, balak ko sanang tingnan ang mga ito para matarayan ng mag salitang muli si Ma'am Torres.

" I said get out Ms. Rivera! Wala ka naman ginagawa dito sa klase ko kundi ang matulog at mag ingay, So you may leave now!" Muli nitong sigaw sa akin. Ipinikit ko na lang aking mga mata para makapag timpi dahil sa mga bulungan sa likod, at sabay buntong hininga.

Humarap ako kay Nelly para mag paalam nakita ko siyang naka tingin din sa akin, nginitian ko siya sabay finger heart at kindat, kagat labi siyang tumango na halatang nag pipigil ng tawa.

Tumayo ako at kinuha ang aking bag at sabay sabi ng
"Goodbye Ma'am, Goodbye Classmate. Maagang lunch break 'to" Taas noo kong wika sabay tingin sa mga kaklase kong babae na ngayon ay napapairap at sa mga kaklase kong lalaki na ngayon ay sumasaludo pa sa akin.

Sanay naman na akong pinapalabas ng mga teachers namin lalo na ni Ma'am Torres na ngayon ay namumula na ang mukha. Napangiti ako ng ng palihim pero nawala agad ang ngiti sa aking labi ng makita ko siyang walang emosyon na nakatingin sa akin, umiwas na lang ako ng tingin at humakbang palabas ng silid.

                                   ****

"Hey Mabs" napatingin ako sa taong nag salita, naupo siya sa katapat kong silya. Kasalukuyan akong nasa canteen simula ng palayasin ako ni Ma'am Torres. Ibinaba niya ang biniling pagkain, tiningnan ko lang siya sabay kagat ng hamburger na binili ko kanina. May mangilan-ngilan lang na estudyante ang nandito, siguro dahil may mga klase ang iba at yung iba naman na nandito paniguradong mga walang teacher ang mga ito gaya na lang ng isang ito.

"Anong ginagawa mo dito? Bat ang aga mo? Diba may klase kayo ngayon?" Sunod sunod nitong tanong sa akin sabay inom ng sodang binili niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag kain.

" Alam ko na, pinalabas ka na naman dahil natulog ka sa klase o di kaya nag ingay ka nanaman kahit may teacher sa loob ng room niyo 'no?" Pataas taas kilay niyang tanong. Ipinatong niya ang kanang siko sa lamesa at nag ngalumbaba na naka tingin sa akin.

Walang gana ko siyang tiningnan.
" Pareho" maikli kong wika.
" Anong pareho?" Muli nitong tanong na ikinaiinis ko na.
"Pareho kong ginawa. Natulog at nag ingay." Wika ko sabay kagat ng huling piraso ng hamburger.

Muli pa sana siyang mag sasalita ng unahan ko na siya.
"Ang daldal mo Ashong kulangot" wika ko sabay irap sa kaniya.
" Pag ikaw pwede mag ingay at dumaldal pero pag iba hindi pwede. Aba nag unfair nun Mabs! Tapos--" hindi ko na siya pinatapos dahil isinubo ko sa kaniya ang plastic na pinaglagyan ng hamburger ko.

" Napaka dugyot mo talaga Mabel!" Naiinis niyang tinanggal ang plastic sa bibig may mga laway pa na dumikit dito, ng matanggal na niya ito ay sumilay ang pilyong ngitin sa kaniyang mukha.

"Ibabalik ko lang ang kalat mo Mabs hahhaha" malakas niyang tawa habang hawak ang plastic, akmang ihahagis niya na sa akin iyon ng mapatayo ako at tumakbo.

Ngunit sa aking pagtakbo may isang tao akong na bangga dahilan kung bakit natapon ang binili nitong spaghetti at soda sa kaniyang mukha at kasuotan.

Napatingin ako sa taong nabangga ko at nanlaki ang aking mata ng masilayan ko ang kaniyang matang walang emosyon na nakatitig sa akin. Animo'y huminto ang oras at nantili lang akong nakatitig sa kaniyang mga mata na parang nakita ko na ang mga iyon noon pa man.

RecuerdosWhere stories live. Discover now