Kabanata 5

25 6 0
                                    


Isang linggo ang naka-lipas simula ng pumunta ako sa pamilihan. Hindi ko alam kung paano ako naka-alis doon, namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng aming tahanan habang nakatayo si ama sa aking harapan na halatang galit at si ina na pinapakalma si ama. Sa isang linggong naka lipas, hindi ako lumabas ng aking silid dinadalhan lang ako ni Bonita ng pagkain. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, ngunit isa lang ang sigurado ako nasasaktan ako.

Naka-tanaw ako sa aking bintana, nais ko sanang umupo dito kaso baka makita ako ni ama at pagalitan na naman ako. Nakikita mula dito sa aking silid ang palayan, maganda ang panahon ngayon at masarap ang simoy ng hangin. Maganda ang kalangitan at may mga ibon na nag liliparan, dinig ko din ang huni nila na siyang nag papa-gaan ng aking pakiramdam. Ipinikit ko ang aking mata at dinama ang munting hangin na pumapasok sa aking silid.

"Señorita" na imulat ko ang aking mata at lumingon sa taong nag salita.

"Ano iyon Bonita?" Tanong ko sa kaniya at sinenyasan na pumasok siya sa aking silid dahil naka-tingin lang siya sa naka siwang na pintuan.

"Señorita nais ho ng inyong ama ng bumaba kayo doon para mag-umagahan." Paliwanag nito. Napabuntong hininga na lang ako dahil ito ang unang beses na sinabahin ako ni ama na bumaba makalipas ang isang linggo. Dahil wala akong masabi ay tumango na lang ako dito bilang sagot. Tumango din siya bilang pag papaalam at umalis na sa aking silid.

Mga ilang minuto ang naka lipas ng napag desisyunan ko na bumaba na. Pag labas ko sa aking silid ay nakita ko si Emil sa may pintuan at may dalang bayong. Napatingin siya sa aking gawi at tumungo, akmang aalis na siya ng bigla ko siyang tawagin. Napahinto naman siya ngunit hindi siya nakatingin sa akin.

"Ano ang iyong dala?" Tanong ko dito.
"Mga kinatay pong manok at baboy señorita." Wika nito pero sa sahig lang siya naka tingin. Sila ng kanilang ama ni bonita na si Mang Erning ay ang taga katay ng mga karne lalo na kung may kasiyahan. Si Mang Erning din ang katiwala ni Ama sa Sakahan, samatalang si Manang Sosa naman ang mayordoma ng hacienda at si bonita ay ang aking taga pag-silbi, ngunit hindi taga pag silbi ang turing ko sa kaniya kundi isang kaibigan at nakababatang kapatid.

"Kung ganoon sa kusina ang iyong punta?" Tanong ko dito tumango lang ito sa akin. Napangiti na lang ako sa kaniya.

"Sabay na tayo." Naka ngiti kong wika, dito na siya na patingin at halatang nagulat. Gusto ko kasi ng kasabay nakaka-ilang kasi kung ako lang. Naka-tingin lang siya sa akin kaya naiilang na ako.

"Tara na." Wika ko dito at nag simula ng maglakad, ilang segundo pa siya doon na nakatayo bago nag simulang mag lakad.

Pag dating ko sa aming kusina ay madami ang pag kain sa hapag kainan. Hindi ko mawari kung bakit marami ang pag-kain na nakahanda gayong kami lang naman ang tao dito sa aming tahanan. Napa tingin si Ina sa gawi ko at ngumiti, lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Nakita ko naman si ama na papalapit na sa amin ni ina.

Pinag-masdan ko lang si ama, tindig pa lang ni ama halatang kakikitaan na ito ng karangyaan sa buhay. Nakakatakot si ama dahil minsan lang ito ngumiti at laging seryoso, naalala ko naman si Samuel dahil napaka seryoso niya. Madalas kong makita si Samuel kapag dadaan ito sa aming tahan sa tuwing papasok na siya sa eskwelahan, madalas siyang mag-lakad kahit na may kalesa naman sila na puwedeng gamitin, noon ay ayos na sa akin na makita siya sa malayuan mula sa pangalawang palapag ng aming tahanan kung nasaan ang aking silid. Ngunit simula noon ay nais ko ng makita siya ng malapitan kaya mula sa aming hardin sa punong mangga ay lagi ko siyang inaantay doon na dumaan, naka ngiti ako palaging pag masdan siya kasama ang mga kaibigan niya papunta sa kanilang eskwelahan. Kahit na hindi niya ako makita ay ayos lang sa akin, kahit napaka seryoso ng kaniyang mukha kahit na nag tatawanan ang mga kasama niya ay seryoso pa din siya, isang bagay kung bakit ko siya na gustuhan na iiba siya sa lahat ng ginoo.

RecuerdosWhere stories live. Discover now