Kabanata 3

19 6 0
                                    


Pagka pasok namin sa tahanan ng mga Velasco ay sinalubong agad kami ng mga katulong nito at kami ay inasikaso.

"Amigo!" Napatingin kami sa taas kung saan nang galing ang boses. Nakita ko napababa ng mahaba nilang hagdanan si Don Rafael kasama si Doña Antonia na naka ngiti sa amin, ngunit halatang peke iyon.

"Buenos dias Amiga't amigo." Bati sa kanila ni ama naka ngiti din si ina sa mga ito, ngiting totoo hindi katulad ng ngiti ni Doña Antonia.

" Elias!" Napatingin kaming lahat sa itaas at nakita ang isang babae na galit na galit, napatingin siya sa amin at halatang nagulat umayos siya ng tayo at bumaba na din. Napunta naman ang tingin ko sa gawi ng isang lalaki na naka ngiting naka tingin sa akin. Ngumiti na lang din ako ng tipid.

"Catalina!" Tawag sa akin ni Bernadette at sabay yakap sa akin, alam ko naman hindi totoo ang lahat ng pinapakita ng pamilyang ito.

"Napaka ganda talaga ng inyong anak Amigo." Papuri ni Don Rafael sa akin, ngumiti na lang ako ng tipid dito bilang pasasalamat.

"Bagay na bagay talaga kayo ni Elias." Naka ngiting wika ni Doña Antonia, na nag palaki ng aking mata.

"Kailan po ba ang kasalan ama?" Tanong ni Bernadette sa kaniyang magulang sabay tingin sa kapatid niyang si Elias.

Samantalang ako ay hindi maka paniwala sa mga sinasabi nila. Napatingin ako sa gawi nila ama't ina at umaasang hindi sumang ayon sa mga ito.

"Baka sa buwan ng Enero na lang natin ganapin ang kasal nila." Naka ngiting wika ni Ama, hindi ako makapaniwalang napa tingin sa kaniya. Tuluyan ng bumagsak ang aking mundo dahil sa mga narinig ko mula kay ama. Bakit hindi ko alam? Paano na si Samuel? Nasan ba siya? Mga tanong na walang makakasagot.

                                  ****

Pagka tapos ng usapan nila ay nag paalam na si Ama na kailangan na naming umuwi. Buong usapan nila ay wala akong maintindihan. Punong puno ng katanungan ang aking isipan.

Buong biyahe hindi ako umimik na natiling tikom ang bibig ko, pag kauwi ay dumiretso agad ako sa aking silid. Sobrang daming katanungan ang bumubuo sa aking isipan na hindi ko makuha ang kasagutan.

"Pasensya na po señorita, ang akala ko po talaga sa bahay tayo ng mga Zapata pupunta." Wika ni bonita. Tiningnan ko lang siya at tumingin sa kalangitan, puno ito ng bituin na nag niningning sa dilim. Napa buntong hininga na lang ako sa mga sinabi ni Bonita, baka nga hindi na dumating si Samuel tatlong taon siyang nawala simula ng makapagtapos siya sa pag aaral. Ang alam ko nasa Europa siya ngayon, yun lang ang alam ko at wala ng iba.

"Señorita, sa palagay ko mabuting tao naman po si Señor Elias. Mukhang hindi na po babalik si Señor Samuel at isa pa hindi niya din naman po alam na may pag tingin kayo sa kaniya Señorita." Paliwang ni Bonita, alam kong wala siyang alam na may nararamdaman ako para sa kaniya, ngunit hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko kahit na hindi ko siya nakita ng tatlong taon ang pagtingin ko ay ganoon pa din.

Pinag patuloy ko ang pagtingin sa kalangitan habang nakahiga nasa tabi ko naman si Bonita at naka upo ito malapit sa akin. Tanging lampara lang ang dala namin ni Bonita, ngunit hindi naman ganoon kadilim dahil nag bibigay liwanag ang ilaw na nagmumula sa buwan. Nandito kami sa aming hardin at nakahiga ako sa maliliit na damo na nag sisilbing banig ko.

"Dapat ko na ba siyang kalimutan?" Tanong kay Bonita, napa upo ako at tumingin sa kaniya.

"Kayo po ang makakasagot niyan señorita, sa ngayon po bumalik na tayo sa loob at baka maabutan tayo ng inyong ama." Wika nito at inalalayan akong maka tayo, tinulungan niya din ako sa pag pagpag ng aking suot dahil may mga maliliit na tuyong dahon ang dumikit saking kasuotan.

RecuerdosWhere stories live. Discover now