Mabilis lumipas ang araw naka tanaw ako sa aking bintana at nag mumuni-muni, tinatanaw ko ang mga bituin na nag niningning sa kalangitan ng biglang may kumatok sa aking silid. Lalapitan ko na sana iyon upang buksan ng kusa na itong bumukas at iniluwa nito ang aking ina. Nakangiti siyang naka tingin sa akin at nilibot ang paningin sa aking silid bago ito umupo sa aking kama."Halika dito Catalina." Pag aanyaya sa akin ni Ina. Lumapit naman ako sa kaniya at tinapik niya ang kabilang parte ng aking higaan na pahiwatig na doon ako umupo sa tabi niya. Ng makaupo na ako ay doon na siya nag salita.
"Napaka ganda mo anak." Wika ni Ina habang sinusuklay ang aking mahabang buhok gamit ang mga daliri niya, napangiti naman ako dahil sa pag lalambing ni Ina.
"At ngayon nalalapit na ang iyong kasal." Wika ni Ina sa akin, nawala ang ngiti ko dahil naalala ko na hindi ako ikakasal sa taong iniibig ko.
"Sa susunod na taon pa naman po iyon Ina." Wika ko, sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko. Mauuna pa nga si Samuel na ikasal kaysa sa akin, malapit na siyang ikasal ngunit ni anino niya hindi ko man lang nakita. Ilang buwan na lang ikakasal na siya, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Hindi ko akalain na aabot ako sa ganito, gusto kong sumuway ngunit ayokong saktan ang mga taong nag palaki at nag aruga sa akin para lang sa taong pinipilit kong gustuhin ako.
"Alam ko anak, sana ay maging masaya ka kapag naikasal ka na. Maging mabuti kang Ina at Asawa." Wika ni Ina, sa puntong iyon hindi ko na napigilan ang maluha. Sinabi ko na ito sa aking sarili noon, magiging mabuti akong Ina at Asawa para kay Samuel. Ngunit ngayon hindi ko na iyon magagawa, matatali na ako sa taong hindi ko naman gusto.
Inangat ni Ina ang aking mukha at nag aalalang naka tingin sa akin, hindi ko na napigilan ang humikbi dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"Anong problema anak?" Tanong sa akin ni Ina. Para akong batang pinapatahan niya dahil hindi maawat ang pag bagsak ng mga luha ko, sobrang sakit. Hindi ko pa siya nakikita pero nasasaktan na ako paano pa kaya kung makikita ko siyang masaya sa piling ng iba?
"Wala po Ina, masaya lang ako ngayon dahil sa wakas bubuo na ako ng sarili kong pamilya." Wika ko habang pinipilit na ngumiti at pinunasan ang mga luha ko. Taliwas sa totoo kong nararamdaman, pakiramdam ko sinaksak ako ng napakaraming patalim dahil sa sobrang sakit.
Ng mag paalam si Ina ay doon ko na ibinuhos ang lahat ng sakit na raramdaman ko. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog dahil sa kakaiyak, hindi ko lang mapigilan ang nararamdaman kong lungkot ngayon. Tanging pag iyak na lang ang magagawa ko, para sa darating na araw ng kasal nila ay hindi na ako masaktan ng lubusan.
****
Nagising ako dahil sa tilaok ng manok, hirap man akong imulat ang mga mata ko ay pinilit kong buksan ang mga mata ko. Nakita ko ang isang tandang na naka dapo sa aking bintana, hindi ko nga pala naisara iyon kagabi. Bumangon na ako sa aking pag kakahiga at tumingin sa salamin. Mugto ang mata ko na halatang galing sa iyak, napabuntong hininga na lang ako at pumunta sa palikuran upang ayusin ang sarili ko bago mag umagahan. Siguradong mag tataka sila Ama at Ina kung makita nilang ganito ang aking itsura.
Ng masiguro ko na maayos na ako ay bumaba na ako. Pag baba ko ay naabutan ko sila Ina at Manang Sosa na nag hahanda ng aming agahan. Dahan-dahan akong lumapit kay Bonita na abala sa pag lalagay ng mga kubyertos sa lamesa. Napalingon siya sa akin at halatang na gulat.
"Senorita." Wika nito at yumuko, napatingin naman sa amin sila Ina at Manang Sosa nakita ko na nagulat din sila ng makita ako.
"Anong nangyari sa iyo anak?" Tanong sa akin ni Ina at sabay lapit sa akin, kinapa niya pa ang leeg ko kung may sakit ba ako.
YOU ARE READING
Recuerdos
Historical FictionIsang panaginip na nag hahatid ng kakaibang pakiramadam kay Mabel. Isang pangalan na pilit niyang inaalala ngunit tila isa lang itong temporaryong bagay na bigla na lang mawawala. Nag simula sa panaginip hanggang sa maging ang mga bagay at lugar na...