Ulap Torret
"Ayos lang kaya siya?"
"Tumawag na tayo ng ambulance"
"Huwag masyadong malapit"
Napakabigat ng aking katawan at halos hindi ko makayang imulat ang aking mga mata. Hanggang sa makaramdam ako ng presenya malapit sa aking ulo. Pinilit kong imulat ang aking mga mata at isang nakakasilaw na bagay ang tumambad sa akin.
"His breathing is fine but we wanted to make sure na wala na siyang ibang bali o anoman.Paraanin niyo sila ,at dalian ninyo ,kayo buhatin niyo siya"
Hindi ako makapagsalita at hindi ko rin maimulat ang aking mga mata. "A-suze~ *cough* "
"Sir may malay na siya!"
"Hijo ayos ka lang ba? Huwag ka munang gumalaw baka may mga bali ka."
Para akong nakuryente sa pagdampi ng kanyang daliri sa aking kamay. Agad akong bumalikwas at nakita kong may iba pa kaming mga kasama.
"Si-sino kayo,at bakit ,a-anong paano tayo nakakalipad?! at bakit parang napakabilis ng paglipad natin?!"
"A-ah ,ano kasi...Sir?".Ang sabi ng babae sa harapan ko
Tumungin din ako sa tinawag ng isang babae na Sir.
"Hmm..maybe tumama ang kanyang ulo sa isang bagay pakalmahin na lang muna ninyo siya."
Nakita kong may kinukuha ang babae sa isang malaking kahon at sandaling pinasok ang bagay sa isang bote. Agad na lumaki ang aking mga mata.
"Sa-sandali lamang babae,anong gagawin mo sa bagay na iyan?
"Ito po ba..papakalmahin po kayo gamit itong injection na hawak ko kaya huwag na po kayong malikot."
Ayoko ko pang mamatay ,mahal na Diwa tulungan mo ako. Ilabas niyo ako sa bagay na lumilipad.
Maaari ko kayang magamit ang kapangyarihan ko?
"Kidlat patigilin mo ang bagay na ito ngayon din!"
"Sir..kumalma po kayo hindi po ito masakit"
"Kidlat!"
"Sir humi--aahh!"
"What's happening there,Tomas ayos lang ba kayo?"
Bumaba ang tinatawag nilang Sir at naiwan niyang nakabukas ang pinto ng bagay na ito.
Pagkakataon!
"Sir...sir! sandali ho!"
Hindi ako lumingon bagkos ay ipinagpatuloy ko lamang ang pagtakbo palayo sa mga nilalang na iyon.
"Ah bakit ba ako tumatakbo kung pwede naman akong sumabay sa hangin--". "Aahh!"
*beep*
*beep*
"Anuba totoy gusto mo na bang mabura sa mundo?!"
"Bata huwag kang humarang sa kalsada baka mabangga ka"
"What in the world! are you out of your mind,huwag kang humarang ma-li-late ako ng dahil sa'yo!"
*beep*
*beep*
"bata anong ginagawa mo sa gitna ng kalsada sumama ka sa'kin ng makapagpaliwanag ka!"
"Bitawan mo ako ginoo wala akong ginagawang masama"
"Tumigil ka nga sa mga pinagsasabi mo mga kabataan talaga ngayon". "Hala sige sakay ng mapabilis ang pagdating natin doon"
"Pero ginoo bakit ako sasakay sa bagay na iyan?"
"Sumakay ka na lang ang dami mo pang sinasabi"
Nabigla ako ng itulak ako ng mahina ng lalaking ito papasok sa isang bagay na ito. Wala na akong nagawa kundi ang sumama.
BINABASA MO ANG
Don't Prick Your Fingers
FantasyPalma Millet Dooze na mas kilala as the powerless fairee in Fairee land and because of being powerless naging dahilan ito upang siya ang maging katatawanan ng ibang mga Fairees. Masakit man sa damdamin ay binalewala lamang niya ang mga ito. Ngunit s...