Chapter 6: A Journey to the Human world Part 1

5 1 0
                                    

Ulap Torret

"Ang hirap pala ng napagdaanan niyo noon Kawo". 

Nabigla ako pati na ang dalawa ng tumawa si Kawo ng malakas. Nabaliw na ata siya dahil sa naalala niyang pangyayari noon.

"Alam niyo ba ,kung hindi dumating sa lugar na ito si Palma ay hindi ko na kailan man makikita ang lugar na ito".

Hindi naman namin maintindihan ang ibig niyang iparating sa amin. " Ang mga nakikita ninyo sa paligid isa lamang sa mga tanawing ibinalik ni Palma" usal ni Kawo

"Hindi ka po namin maintindihan Kawo" tanong ni Asuze.

Nakita naming ngumiti ng malapad si Kawo. Nakakatakot kapag ganito siya baka may binabalak siya sa amin.

"Mukhang hindi niyo nga makuha ,ang ibig kong ipabatid sa inyo ay ganito lamang. Itong mga tanawin sa paligid ay nabuhay ,nabubuhay dahil kay Palma. In short itong mga tanawin ay may mga enerhiyang nakakonekta kay Palma." 

"Ano po ,nakakonekta kay Palma?" sabay naming tanong kay Kawo.

"Kayo  talaga ,Ibig kong sabihin ay kapag namatay si Palma ay itong lugar mamamatay o panghabang buhay na mawawala. Si Palma ang lakas nila. Kaya rin hindi nakikita ng ibang Fairees itong lugar ay dahil mayroon itong proteksyon at nanggaling ang proteksyong iyon kay Palma. Ngunit" hindi tinapos ni Kawo ang kanyang sasabihin at umalis ng walang paalam sa harap naming tatlo.

Hinintay namin siya ng ilang minuto hanggang maging oras na ngunit wala pa rin siya. Hanngang sa makarinig kami ng malaking pagkasabog. Agad naman kaming tumayo at hinanap ang pinanggagalingan ng pagsabog. Ng malapit na kami sa pintuan ay may biglang humarang sa daraanan namin.

"Kawo! anong nangyari sa'yo?" tarantang tanong ni Bea

"Magmadali tayo ! " sigaw niya habang paika-ikang naglalakad sa isa pang piuntuan. "Bilisan ninyo kailangan nating makaalis dito " agad namin siyang sinundan at pagkalagpas ng pintuan ay nahulog kami.

"Kumalma lang kayo ,hinga ng malalim " sinunod naman namin siya ,agad namang nanlaki ang mga mata namin ng matanawan namin ang maaaring kababagsakan namin.

"Tubig!!!!!!!" sabay naming sigaw hanggang sa makalunok ako dahil sa lakas ng pagkakabagsak. Pinilit kong buksan at aninagin ang binagsakan namin ngunit wala akong makita masyado. Ramdam ko rin ang hilo ng ulo ko. Hanggang sa paubo ubo na ako sa tubig. Naalala ko bigla ang mga kasama ko ,pero hindi ko sila mahanap. Bea ,Asuze ,Kawo. Hanggang sa pumikit ang mga mata ko ,ramdam kong hinahatak ako paitaas ngunit hindi ko na alam pa kasunod na nangyari.

Don't Prick Your FingersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon