Chapter 1: Powerless Fairee

18 6 4
                                    

Palma Millet Dooze

Mabilis nawala ang apoy na nasa kamay ko ,hindi ko man lamang masilayan ng matagal dahil sa hindi ko naman siya makontrol ng maayos. Samantala ang mga nasa unahan ko ay halos mapunit na ang mga labi kakangiti dahil sa nagagawa na nilang kontrolin ang mga kanya-kanyang kapangyarihang mayroon sila. Halos sumuko na ako dahil wala rin namang silbi itong ginagawa ko. Sayang lang ang oras kapag ganito lang din naman ang resulta.

"What a useless fairee, look at her everyone she can't even use any power kasi wala naman siyang power!" Sinabayan pa ng babaeng ito ng malakas na pagtawa.
"Hahaha..what a trash". At tumawa ulit ng sobrang lakas. Sabay arko ng kanyang kilay at lumabas ng haven.

Ang haven ang siyang nag iisang training ground ng mga kagaya kong fairee ang kaso ay ako lang ang Fairee na hindi na kailangan pa ng training at yes I'm powerless ,no power ,walang kapangyarihan. So dahil powerless ako bakit nga ba nandito pa ako, simple lang dahil kinaladkad lang naman ako ng napaka-sobra pa sa baliw kong kaibigan at 'yan na siya papunta sa kinatatayuan ko. Si Asuze Locraine ang pumapangalawa sa magagaling na mga Fairee. Mabait ,maganda ,magaling kaso tamad(pffft).

"Nako..pinahiya ka na't ininsulto hindi ka pa rin lumaban isa ka talagang alamat ,NAPAKAbutihin mong nilalang!."
Malakas na sigaw niya sa mismong harapan ko,napakamot naman ako dahil sa kanya. Nakalimutan ko na isa rin si Asuze sa may pinakamalakas ang boses kaya kung may sunog baka makaligtas lahat ng masusunugan pati ang apoy baka mawala dahil parang may kasamang tubig itong magsalita. Ganoon siguro kapag tuloy-tuloy ang pagsasalita.

"Hayaan mo , lalaban na lang ako kung sasaktan niya ako ng pisikal". Habang inaakbayan ko ang babaeng ito patuloy pa rin siyang tumatalak. Hay naku

"Ah so tama lang na saktan ka niya ,emotionally?! nababaliw ka na ba ha?! ". ang sakit ng boses niya bakit kaya malakas makasigaw nito.

"Tama naman kasi si Asuze. Palma , alam namin na sanay kang ganyanin ng mga iyon" si Beanca Torret isa ko pang NAPAKAdakilang kaibigan, lahat sinasang ayunan ng babaeng ito. Iniisa-isang turo niya ang mga nilalang na nakatingin sa'min at mabilis na sumimangot. "Inggit ba kayo sa'min at kung makatingin ay para niyo na kaming pagbabatuhin diyan,sige subukan ninyo gagawin ko kayong mga abo ng sa ganun ay walang matirang mapanghusgang nilalang!" Isa pa itong si Beanca mas malala nga lamang si Asuze.

"Hey! nakita ko ang ginawa ng babae na 'yun hindi ka naman powerless may kaunting spark pa nga na lumalabas sa mga kamay mo." Nagulat pa ako dahil kasama pala ni Beanca itong kambal niyang hindi ko alam kung demonyo ba o anghel. Kami lang naman kasi ang kinakausap niya and the rest hindi na ,minsan ko na rin nakita ito na sinasakal ang isang Fairee at mabuti na lamang ay naabutan namin dahil kung hindi wala na katapusan na ng sinasakal niya. "Tititigan mo na lang ba ako Palma?" He said with a smirk.

Don't Prick Your FingersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon