Chapter 5: Behind those trees

10 1 1
                                    

Asuze Locrain

Hanggang ngayon ay patuloy ang paghahanap kay Palma ngunit sila lang na mga Proff namin ang gumagawa nun. Patingin-tingin lang kaming tatlo rito sa ibabang bahagi ng Maestro Office pero kahit na magtago kami alam namin na alam nilang nandito kami.

"Nakakainis na sila Asuze, wala na ba tayong pwedeng gawin. Ulap mag isip ka nga !" reklamo ni Bea sa akin. Malamang naiinip na siyang maghintay.

"Ang ingay mo Bea makikita tayo nito sa ginagawa mo " sabat ni Ulap sa kanya. Itong isa naman sumisilip sa butas na ginawa namin.

"Paano ako tatahimik kung naiinip na 'ko kanina pa walang lumalabas." gigil na sabi niya sa amin.

Napatingin ako sa braso niyang kanina pa niya kinukuskos. "Aalis na tayo maya-maya. Ok, hintayin lang natin na may lumabas." Pangungumbinsi ko na lang sa kanya.

"Paano kung wa-Oy diba siya 'yung Proff natin na masungit? " turo niya kay Mr. Bigote.

"Si Proff Jeff kasabay niya oh ,Asuze sundan na natin." Mabilis na sumunod si Ulap sa dalawang Proff.

"Teka lang Ulap " napatingin naman si Bea sa akin.

"Kung hindi ka sasama you can go back to your room " binitbit ko ang bag ko na may mga laman na gamit na pwede naming gamitin kung magka-aberya man. Lalakad na sana ako ng maunahan ako ni Bea. Aba't "arte mong babae ka !" Tumakbo na rin ako papunta sa kanila.

Tiningnan ko ang kambal nasa likod nila ako. Naisip ko lang ,paano kung wala sila sa tabi ko makakaya ko bang hanapin si Palma? Sa dami ng mga dapat daanan palabas ng Fairee Land ay baka hindi ako umabot hanggang exit.

"Kanina pa sila naglalakad Ulap tingin mo hindi nila alam na sumusunod tayo?"
Napaisip din ako sa sinabi ni Beanca ,kung tutuusin ay dapat alam na ng dalawang Proffesors na may sumusunod sa kanila. Paano kung binabalewala lang nila ang pagsunod namin sa kanila?

"Tingin ko alam nilang sumusunod tayo " sinabi ko sa dalawa ,patingin tingin ako sa paligid baka may pwede kaming pagtaguan kapag humarap sila sa amin. Ah!

"Nako..Palma life saver ka talaga tara dito dali." Aya ko sa kambal.

"Nasaan si Palma ,Asuze?" Napatingin ako sa kambal na naguguluhan malamang dahil nabanggit ko ang pangalan ni Palma.

Don't Prick Your FingersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon