Chapter 2: Chaos

14 5 1
                                    

Asuze Locrain

Patuloy kami sa paghabol kay Palma ngunit nasa malayo na ito at hindi na makita , sa laki at haba nitong campus malamang mahihirapan talaga kaming humabol ,nahuli kami sa pagsunod sa kanya kasi natulala pa kami ng makita naming sa bawat hakbang niya ng mabilis ay kusang nagsigising ang mga puno at damo. At sumasabay ang hangin sa bawat takbo ni Palma at alam ko 'yun dahil isa akong wind user pero bakit sumasabay ang hangin sa kanya?

"Nakita niyo iyon Torret twins? " manghang tanong ko sa kambal.

"Asuze sa tingin mo bakit nagsigising ang mga ito kung sa ilang beses na paglipas ng panahon ay siyang unti-unting pagkalanta naman nila? " hinawakan pa ni Beanca ang mga ugat ng mga puno na sa nakikita ko ay halos pwede ng mabali sa pagkatuyo.

"Wala ng pag asang mabuhay ang mga iyan, alam natin 'yun. Kahit ilang beses ng diligan ay wala pa ring chance. " sabi naman ni Ulap.

"Next time na lang natin isipin 'yan halina kayo hahanapin pa natin si Palma" tatakbo na sana ako nang biglang may kung anong kulay asul ang humarang sa amin dito sa ground at sinakop nito ang buong campus hanggang sa maging crystal na lang na may parang kuryenteng nakadikit dito at dumadaloy. Napabaling kami sa kanang direksyon ng may sumigaw at kitang kita namin kung paano siya nito naitapon ng pagkalayo layo ngunit ng malapit na siyang bumagsak ay bigla na lang siyang lumutang. Ang kaso wala na itong malay.

"Stay where you are students! " napalingon kami sa sumigaw at nakita namin si Proff Jeff, may kasama siya na isang lalaki na may bigote at kapa ,madali itong mapansin dahil sa pula ang kulay nito.

"Sino ang kasama ni Proff? "
"Baka bagong Proff din "
"Ang bata naman para maging Proff"

May tama naman sila. Ang bata nga niya.

"Oh.. Oh.. Ang mata Azuse huwag igala hehe.. " sinimangutan ko naman si Beanca na katabi ko ngayon at parang may kung ano-anong iniisip.

"Inggit ka lang kambal " pabulong na sabi naman ni Ulap.

"Bakit naman ako maiinggit at pwede ba Ulap bago ka bumulong amuyin mo muna ang hiningi mo. Ang baho kasi! " sagot naman ni Beanca.

"Mabango kaya hininga ko! " mag aaway na naman sila.

"Tumigil na nga kayo! Hahanapin pa natin si Palma nako saan ba kasi nagsusuot ang babaeng iyon! " inis na sabi ko. " tara na! "

Don't Prick Your FingersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon