TEXTMATE

53 0 0
                                    

It was a planning conference when he noticed me. Actually his cousin was the one who really wanna get my number. Nakakatawa nga, ang arte ko kasi, hindi ako mahilig sa textmate kaya hindi ko basta basta binibigay ang numbers ko. Their plan was unsuccessful, hindi nila nakuha ang number ko. Gusto ko kasi kilala ko muna bago ko ibigay yung number ko.

I WAS THE FIRST ONE
Mantakin mo yun, ako pala ang mangangailangan sa number niya. So I texted him. Info lang about sa next meeting and activities sa church. After nun, nangamusta siya, nakakahiya naman kung di ko rereplyan baka sabihin talagang suplada ako (suplada naman talaga ako). After that, we became textmates. Unfortunately, wala naman akong laging load. Topakin kasi ako, kung kelan lang maisipan magload. Swerte nalang niya kapag naka-receive siya ng text ko.

MEETING
Naglaro kame ng picture me, ang sya nga e, andame kasi namin. Makulit din pala yung pinsan niya, medyo maingay kaya lagi kong napapansin. Ngitian lang kame at tanguhan ng ulo. I was wondering kung sino sa kanila yung nakakatext ko, di ko pa kasi kilala. Ang gulo kasi kung sino sino yung tinuturo nila sakin. Hindi ko nalang inisip kung sino nga yun at kung ano ang itsura niya basta need ko siya dahil sa mga church activities.

TRIP
Im leading the group. Nakakatuwa si textmate yung vice ko kahit na wala naman sa itsura niya. Simula noon, he's always helping me kaya lagi kaming magkatext. Nakakagulat, may gusto siya sakin, tinetext ako na miss niya na ako o kaya ng "iloveyou". Hindi ko naman pinapansin may mahal na ko at masaya naman ako kahit minsan nasasaktan. Hindi ko naman kasi gusto si textmate ang yabang, ang hangin at feeling gwapo. Nakakainis no? Akala mo kung sino, pero need ko parin siyang itext for the sake of our group. Ang pinakanakakainis, malalaman mo na may girlfriend siya at tinitrip ka lang pala niya. Lakas nga ng loob niya, sakin niya talaga sinabi na tinitrip niya lang ako. Well, I dont care kahit nakakainis. Kailangan ko pa ding maging mabait sa kanya, tiisin ang kayabangan niya dahil may aktibidad kaming gagawin. I need to go to their house, tutulungan ko kasi siyang mag-conceptualize. Kahit na nakaktamad, need kong gawin yun, sabe ko kasi sa kanya hindi ko na kayang manguna dahil may iba pa akong inaasikaso. Ok lang naman daw sa kanya basta kahit minsan andun ako para tumulong.
Habang naglalakad kami papunta sa kanila, laging sinasabi ng mga tao, "hindi yan yung kasama mo nung isang araw". Napapatawa nalang ako. Pagdating namin sa bahay nila, nasa labas yung papa niya, inaayos yung sasakyan nila. After namin magplano, umuwi na ko.

WRONG SEND
Mabilis naman mawala yung pagkainis ko. Nakakatext ko ulit siya at minsan nag-sheshare na kami ng problema sa isat isa. Bigla siyang na-wrong send, nakikipagbalikan daw sa kanya yung ex-gf niya. Hindi ko naman alam kung sino yun, napareply nalang ako ng "balikan mo kasi". KInabukasan need namin magkita, meeting na naman para sa aktibidad. Natural akong makulit at maingay. Inasar ko na naman siya ng "balikan mo na". Nakakahiya. Yung katabi ko pala yung ex niya. After ng meeting umuwe na ako kaagad. Grabe talagang kahihiyan yun, napapala ng maingay at makulit. Simula noon, nawala na sa isip ko yung pagkainis ko sa kanya, iniisip ko kasi baka seryoso na to sa ex niya at makikipagbalikan na siya. Tama naman ako, nakipagbalikan na siya.

10PM
Nakakapagtaka, tumatawag siya, akala ko about sa aktibidad ang pag-uusapan pero gusto palang magkwento ng ibang bagay. Nag-aaway daw sila ng gf niya. Sabe ko, isusumbong kita, tinatawagan mo ko, (naalala ko tuloy, inaway ako ng gf niya, akala kasi may something samin ni textmate). Ang swerte niya, wala akong pasok kinabukasan kaya game ako makipagkwentuhan. Kakaiba, parang ang tagal na naming magkakilala, kwentuhan kame ng kung anu ano. Tanungan sa isat isa ng likes at dislikes.

2AM
Kausap ko pa din siya, noon lang ulit ako nagpuyat ng ganun sa telepono. Napahikab ako sabay tanung niya ng "gusto mo na matulog?". Sabe ko "oo". After nun, nag-good night na siya. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko naman natulungan ko siya ng gabing yun. Siguro napagaan ko kahit konti yung pakiramdam niya. Hindi ko naman binibigyan ng kahulugan kung bakit sa lahat ako pa ang tinawagan. Siguro kasi kailangan niya lang ng makakausap.

Minsan kasi kailangan lang natin ng makakarinig ng problema natin, yung uunawa sa kalagayan natin kahit alam natin na wala din naman silang magagawa sa problema natin. Simula noon, lagi na siyang nag-sheshare ng problema niya sakin. Minsan ko nga lang siya replayan, wala na naman kasi load. Ok na ata sila ng gf niya. Hindi na ko masyado nagtetext, baka kasi magselos ulit. Tinetext ko nalang kapag need. Simula noon, madalang ko na siya makatext. Pero kahit ganun, alam kong good friends pa din kami. :)

Hindi sumusuko ang taong tunay na nagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon