HAPPY BIRTHDAY

9 0 0
                                    

Tamang-tama ang sked ko, wala akong pasok at birthday niya! Umaga palang, kausap ko na ang mama niya, sabe huwag na daw akong mag-abala, cake lang daw, ok na. Nagplaplano kasi ang mama niya ng surprise party para kay MR. Napapatawa nalang ako sabay sabe ng wala po akong cake. Pauwiin ko daw ng maaga si MR gawa ng shop, wala daw magbabantay.

10am
Nasa mall na agad kame, manunuod kame ng sine. Kasama dapat namin yung mga kaibigan ko, kaso wala sila. Sarado pa ang sinehan, kaya paikot-ikot kame sa mall. Nararamdaman ko, masaya siya. Natatandaan ko yung text niya na kasama niya lang ako ay masaya na siya. Ok na daw na regalo sa bday niya. Nakakakilig naman yun, sapat na makasama niya lang ako para maging masaya ang bday niya.

Nagutom na kame kaya kumain muna after noon, bukas na ang sinehan at nanood na kame ng sine.

*****

Umuwe kame agad after ng show. Tumawag si mama, kabado, bakit daw ako nanonood ng sine na kameng dalawa lang ang magkasama. Naiintindihan ko naman si mama. Nag-aalala siya. Natatakot si MR, baka daw kasi pagalitan ako.

Nasa bahay na kame, tumawag na si papa, hindi naman ako pinagalitan, pinagsabihan lang. Normal lang naman yun, iniingatan lang naman nila ako. :)

Tambay nalang sa bahay at nanunuod ng tv. Tawanan kasama si tita. Naalala ko, pinapauwe nga pala siya ng maaga ng mama niya gawa ng shop. Pero sabe niya, mamayang gabi na daw siya uuwi. Naisip ko, sinusulit talaga na kasama ako sa bday niya.

Pauwi na siya at paulit-ulit kong sinasabi na "HAPPY BIRTHDAY". Napapangiti siya.

Nagtext siya, kinukwento niya sakin ang mama niya. Hindi pa daw siya binabati ng happy birthday. Nagseselos pala dahil ako daw ang gustong kasama ni MR sa bday niya. Natatawa lang siya. Hindi niya alam, may suprise party pa na inihanda yung mama niya pag-uwe niya sa cavite.

Hindi sumusuko ang taong tunay na nagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon