HAPPY NEW YEAR

10 0 0
                                    

Lapit na mag-goodbye sa 2009. Welcome 2010 na. Pero ako, kabado, payagan kaya akong magswimming after ng DECEMBER 31? :) Sa dami kong gala malabo na atang payagan ako. Alam naman yun ni MR (textmate), iba iba na code name niya.

Nakakahiya nga kasi gusto akong isama ng mama niya sa outing nila. Nakakatuwa yung mama niya, kahit nga si MR naninibago. Ipagpapaalam daw ako ng mama niya, kaso nung araw na ipagpapaalam ako, hindi sila nagkita ng tita ko. Ayun, sad na ako. Alam ko na kasing hindi ako makakasama. Tinext ko siya, sabe ko, wag niya na akong ipagpaalam, isinaisip ko na din talaga na hindi ako papayagan kaya tanggapin ko na.

Sa bahay nila lola kame magcecelebrate ng new year. Ang saya, ang daming games at talaga namang nag-enjoy kame. Kahit mga lola na, kasali pa den at talaga namang ginagalingan para makakuha ng premyo. Ganun lang ang pamilya namin, simple lang, magkakasama lang, masaya na kami.

LAPIT NA MAG-12
Katext ko si MR, nalulungkot siya dahil hindi ako makakasama. Nakakahiya din naman kung ako lang mag-isa ang sasama. Sabe niya, pwede ko naman daw isama sina tita. Sabe ko malayo ang lugar na to sa bahay niyo, wala kaming masasakyan. "SUSUNDUIN KO KAYO" yan ang sabi niya. Napangiti naman ako. Hindi ko nga lang alam kung totoo na susunduin niya kami.

HAPPY NEW YEAR !
Ang sakit sa ilong ng usok, marami ang nagpapaputok. Katext ko siya, naputukan daw sila. Nag-aalala ko, hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi na siya nakapagtext. Kainan muna kame after ng putukan. After ko kumain nagtext na siya. "Wait lang, antayin ko lang si papa tapos susunduin ko na kayo" yan ang text niya. Iniisip ko, matutuloy pa kaya kung naputukan sila, haaay, siguro paranoid lang ako.

2am
Narinig ko na ang tunog ng sasakyan nila. Tama ako, nandyan na sila. Sumakay na din kame at pagkatapos ay umalis na. Habang nasa byahe papunta sa bahay nila, naiisip ko, todo-effort talaga ang taong ito. Talagang sinundo pa kame kahit nasa dulo ng barangay ang bahay namin.

4am
Nandun pa den kame sa bahay nila. Pinakain ng masarap na puto na luto pa ng mama niya. Maya-maya, pinasakay na ulit kame sa sasakyan at natuloy din sa pag-alis. Hindi ko talaga akalain na makakasama ako sa outing ng family niya.

Madilim pa ng dumating kami sa lugar na yun. Tulugan daw muna sabe ng mama niya. Naglakad-lakad kame sa may malapit sa dagat kasama ang mga pinsan niya. Ang ganda ng buwan at ang lamig sa lugar na yun.

Agahan na. Tinawag ako ng tita niya, sabay tanong ng, "nag-enjoy ka ba ineng? nung si ***** ang kasama namin hindi nag-enjoy". Napangiti nalang ako, mahilig kasi mag-joke yung tita niya na yun, sabe pa nga, maghabulan daw kami ni MR at pipikturan niya daw kame. Ang bait ng family niya sakin. :)

Kakaiba yung support na binibigay ng family niya samin. Kahit hindi kame ni MR, masaya sila na kasama ako. Parang anak na rin ang turing nila sakin.

Hindi ko alam kung dapat bang main-love ako sa tulad niya, naiisip ko lang yung dati niyang ginawa sakin, pero alam ko, unti-unti na yung nabubura. Pakiramdam ko, iba na talaga siya ngayon at seryoso na siya. Naguguluhan ako, pero pakiramdam ko, unti-unti na akong napapamahal sa kanya. Sana nga lang, hindi na trip ito.

Hindi sumusuko ang taong tunay na nagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon